Chapter 33

9 1 0
                                    

<Natasha's POV>

"You're here again?" I asked irritably.

Nakangiti lang si Vincent sa akin at saka pumasok sa club room.

"Bakit parang naiinis ka?" he asked.

"Obvious ba?"

He chuckled.

Anong problema ng lalaking ito? Hindi niya ba nararamdaman na wala ako sa mood kausapin siya.

Umupo lang siya at dumampot ng babasahin sa lamesa.

Ang weird niya. Pag tinatarayan ko kasi siya, mahahalata ko agad ang panlulumo niya. Pero ngayon, parang walang epekto ito sa kanya. May mali ba sa facial expression ko? O kaya, sanay na siya sa pagtataray ko?


Tinignan ko ulit siya na mukhang busy sa pagbabasa.

"May gusto ka bang sabihin?" sabi niya na hindi inaalis ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa.

"H-ha?" pagtataka ko.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin. Baka lang na may gusto kang itanong?" at saka siya lumingon sa akin.


"I-I h-have nothing to say to you, kaya huwag ka mag-assume. Baka ikaw itong may gustong sabihin sa akin. Sinusundan mo ba ako? Hindi ba malinaw sa'yo na binasted kita?"

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. Tumayo siya at lumapit sa akin na siya namang pag-atras ko sa kinauupuan.

Napasinghap ako habang unti-unti siyang lumalapit sa lamesa ko. Parang biglang lumiit ang espasyo ng club room at ramdam na ramdam ko ang presensiya niya sa lahat ng sulok nito.

Umupo siya sa gilid ng lamesa sa tabi ko. Ramdam ko ang pagtagos ng tingin niya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

Napikon kaya siya sa sinabi ko? Humingi kaya ako ng tawad?

Lumingon ako sa kanya. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"I'm here because of your editor-in-chief"

"Nandiyan ka na pala"

Pareho kaming napatingin sa pintuan at bumungad sa amin ang Editor-in-chief ng newspaper club, si Leanne.

Kapansin-pansin ang galak sa kanyang mukha. Kulang na lang magliwanag siya sa harapan namin.

"Hi, I'm Vincent Lee" paglahad nito ng kamay kay Leanne.

Inabot naman ito ni Leanne.

"Leanne Gustavio, editor-in-chief of our school's newspaper club. Nice meeting you, Vincent. I am really glad to talk with one of our best player in this school"


"T-thanks" nahihiyang sagot ni Vincent.


Nakaramdam ako ng inis. Sinabihan lang siya na magaling, natuwa na siya.

Well, as if I care!!!

"I'm happy na pumayag ka sa request ko. Uhmm, can we go in another room? Is it okay?"

"Yeah, sure"


At saka nila ako iniwan.

"Nagseselos ka?" pagsingit ni Julius na kasama pala ni Leanne sa pagpasok nang hindi ko napapansin.

"What are you talking about?"

"Hanga rin talaga ako sa editor-in-chief natin. Pumaparaan para lang makausap si Vincent. Hindi mo ba nahalata? Todo ayos siya. Mukhang nakapag-salon muna eh" natatawang sabi ni Julius.


HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon