Chapter 37

7 2 0
                                    

<Ashley's POV>

Bakit pakiramdam ko ngayon parang papasok ako sa klase ni Prof. Keller na late ako?

Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Pumayag kaya siya sa deal namin?

Napabuntung-hininga ako.

"Ang lalim ah"

Napatingin agad ako sa likuran ko ng makita ko si Vincent.

Napasinghap ako. Mas doble na ngayon ang nararamdaman ko. Parang aatakihin ata ako sa puso nito.

"Hey, Ash. Bakit parang namumutla ka?"

"H-ha?"

"May sakit ka pa ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"W-wala naman. Oka---"

Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ang noo ko at saka naman hinipo ang leeg ko.

"Medyo mainit ka. May sinat ka pa ata pumasok ka pa ..." pagpapatuloy niya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa akin. Mas lalo ako magkakalagnat sa ginagawa niya.

Nakakapanibago lang. Dati rati wala naman akong ganito nararamdaman pag tuwing hahawakan niya ako. Pero ngayon, hindi na mapakali ang puso ko sa mga iilang gestures ni Vince sa akin.

"Natahimik ka. Gusto mo pumunta ng clinic?" nag-aalalang tanong ni Vince sa akin.

"N-no, I-I'm okay"

"sure?"

"Yup" nginitian ko siya upang ipakita na ayos lang ako.

"Okay. Then, I'll take your bag. Ihahatid kita sa klase mo."

"H-hindi na kailangan, Vince--"

Kinuha niya ang kamay ko at saka inilagay sa braso niya.

"Let's go" pagpupumilit niya.

At hindi na ako umangal pa.

Hayyy Vincent Lee! Ilang beses pa ba ako dapat mahulog sa'yo? Nakakainis naman, nasa ere na naman ako at hinihintay na saluhin mo.

"I'm sorry hindi kita nadalaw sa bahay niyo."

"Alam kong busy ka. Kaya hindi mo kailangan ma-guilty"

"I can't help it. You're two days in sick. Ano ba naman ang isang oras para mapuntahan ka?"

"Wag kang OA. May sipon at ubo lang ako, okay? At saka, tinawagan mo pa nga ako, di ba? Sapat na sa akin yun"

"Don't worry, babawi ako. Pagkatapos ng final term, ililibre kita"

"Ano naman?" natatawa kong tanong.

"Kahit ano ... ano ba gusto mo?"

Nag-isip naman ako at pumasok agad sa isip ko ang bagay na iyon.

"Gusto ko ulit sumakay ng ferris wheel"

"Sa EK ulit?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko sa tagaytay"

"Pabigat na ng pabigat yung request mo ah?"

"Bakit? Hindi ba pwede?"

Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang bangs ko.

"Makakatanggi ba ako sa'yo?"

Natawa naman kami pareho.

Hindi namin namalayan na malapit na kami sa aking room ng makasalubong namin si Natasha at Rea.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Natasha ngunit bigla niya rin itong binawi.

"Ang sweet mo naman Vincent. Dala-dala mo pa yung bag ni Ashley at hinatid mo pa siya rito. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung may gusto ka ba talaga sa friend ko" pang-aasar ni Rea sa amin dalawa.

Nakaiwas lang ng tingin sa amin si Natasha na parang walang pakialam.

"Inalalayan ko lang si Ashley papuntang room niya. Namumutla kasi siya nang makita ko, kakagaling lang niya sa sakit kaya baka mabinat siya" sagot ni Vince.

Kahit totoo lahat ng mga sinabi ni Vince kay Rea, tila kinikirot ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.

Parang gusto niyang ipaliwanag ng mabuti kay Natasha ang nakita niyang pag-aalalay sa akin ni Vince at doon ako nasasaktan.

"Defensive ka naman agad! Huwag kang mag-alala, malinaw sa amin na KAIBIGAN mo lang si Ashley" kapansin-pansin ang pagdiin niya ng salitang kaibigan.

Nakatingin sa akin ni Rea na tila nang-aasar.

Nasaan ba ang pala at para mailibing ko ang babaeng ito ng buhay? Ang epal niya eh. Istorya namin tatlo to, nakikisawsaw. Arggghhhh! Nabubuwisit ako!

"Yeah. They're just friends"

Napalingon kaming lahat sa taong nagsalita na nagmula sa likuran nina Natasha.

"Hi Anthony!" masiglang bati ni Rea. Hahawak sana siya sa braso nito ngunit tuluy-tuloy lang siyang naglakad papalapit sa amin.

"Hi sweetie" at saka siya lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa aking pisngi.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Did he just kiss me? Sa harapan ni Vincent?

Lumingon agad ako kay Vincent na ngayo'y nakatingin kay Anthony na tila takang-taka sa mga nangyayari.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Anthony sa aking balikat at saka hinatak palapit sa kanya.

"Bakit ka pumasok ngayon? Sabi ko kahapon na magpahinga ka pa, di ba?"

"H-ha?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Marahan niya akong piningot sa ilong at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Ang tigas talaga ng ulo mo" malambing niyang sabi sa akin.

"W-wait. W-what's happening here?" nalilitong tanong ni Rea sa amin dalawa.

Tinignan ko ang mga mukha nila Natasha at Vincent na bakas pa rin ang pagkalito sa mga nangyayari.

"Kinakamusta ko siya" matipid at tila inosenteng sagot ni Anthony.

"N-no! I m-mean, what's that sweetie thingy?" Rea asked.

"Tawagan namin"

"Damn Anthony! What's that all abou---"

"Ashley is my girlfriend"

Bakas ang pagkabigla sa mga mukha nila nang sabihin iyon ni Anthony.

Nakatingin lang ako sa kanya na para bang nalilito sa nangyayari kahit alam kong sa akin galing ang ideya na magpanggap kami.

Kaysa ipagdiwang at ikasiya ko ang pagpayag niya, halos gusto kong himatayin sa mga naririnig ko.

ANO BA NAMAN ITONG PINASOK MO ASHLEY MERCADO?

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon