Chapter 35

18 2 3
                                    

<Ashley's POV>

"Hi!" masigla kong bati kay Anthony pagkapasok niya.

Kumunot ang kanyang noo at piniling hindi pansinin ang pagbati ko sa kanya.

Umupo naman ako sa tabi niya.

"What do you need?" He asked.


"Sinabi ko na sa'yo kahapon"


"Sinabi ko na rin kahapon ang sagot ko"



"Hindi ba nagbago ang isip mo?"



"Ano naman ang dahilan para magbago ang isip ko?" tanong niya.


"Maliit na bagay lang naman ang hinihingi ko. Bakit hindi mo ako kayang pagbigyan?"



Tumingin siya sa akin ng seryoso at saka nagsalita.



"You don't know what you're asking"



"I know, Anthony. What I'm asking to you is to help me"



"Seryoso niyo diyan ah" pagsingit sa amin ni Gina.



Pareho kaming hindi umimik.


"LQ? Ayusin niyo yan agad ah. Saka na kayo magtampuhan pag tapos na ang thesis natin" dugtong ni Jayson.


"Sa'yo pa talaga nanggaling yun Jayson ah? Nakakahiya naman sa effort mo"


"Oh? Bakit? Tumutulong naman ako ah?"

"Hindi sapat yun"

"Lahat naman sa'yo hindi sapat eh"


"Wait! Wait! Wait! Kayo naman ang nag-aaway diyan." pag-awat ko sa dalawa.

Tumahimik silang pareho.

"Lilinawin ko lang, hindi kami nag-aaway ni Anthony. Actually, nakakuha kami ng mga other related studies natin for our thesis. Alam niya rin kung paano i-analyze yung mga data natin"


"Sounds great! Kami naman ni Jayson, natapos namin ang pag-tally kahapon kaya pwede na natin simulan" bumalik ang sigla sa boses ni Gina.

"after class sa library?" tanong ko.

Sumang-ayon naman sina Gina at Jayson samantalang hindi umimik si Anthony.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag sa 'kin Gie.

"Hello, Gie? Bakit?"


"Ash. Dala mo sci-cal mo?"

"Oo. Hihiramin mo?"

"Oo, please. Nasa 2nd floor ako ng Building C"


"Sige puntahan kita"


Agad ko naman kinuha sa bag ang dala kong sci-cal at nagmamadaling umalis ng silid.

May 30 mins. pa naman ako before ng klase ngunit kailangan ko pa rin magmadali para kay Gie.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan ng mahagip ng mata ko si Vincent.

Kakawayan ko sana siya ng makita ko si Natasha. Bigla ako napaurong at nagtago.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit madalas ko na silang makita magkasama?


Pag-akyat ng dalawa'y tinignan ko ang hitsura ni Vince. Kulang na lang ipalit ko siya sa ilaw ng hallway, ang liwanag niya kasi.

Kahapon lang hindi maipinta ang mukha niya ng makita niya kami ni Anthony, tapos ngayon parang bigla nagkulay ang mukha niya.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon