<Ashley's POV>
"Ang aga niyo ah!" bungad sa amin ni Gina.
Nasa bahay niya kami ngayon at hinihintay ang pagdating ng iba.
"Ang aga niya akong sinundo sa bahay" nagmamaktol na sabi ko.
"Ang usapan 5pm ng hapon, eksakto lang naman ang dating natin" nakasimangot niyang tugon.
"Filipino time, hello?"
"Aba! May pagsundo ah! Kilala na ba siya nina Tito't Tita?" singit ni Gina.
"Oo, last Wednesday. Kaya nga pumayag sina Mama at Papa na sumama ako kasi kasama naman si Anthony"
Napangiti ng malawak si Gina.
"May meet the parents na pala. Mukhang botong-boto ang parents mo Ashley kay Anthony" nanunuksong sabi niya.
"H-ha?" Nauutal kong tugon at saka lumingon kay Anthony. Nakapirmi lang siyang nakaupo sa tabi ko habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
Nakakainis! Hindi man lang ako tulungan dito! Ako lang ba affected? Sabagay Ashley, pakialam niya ba sa'yo?
Buti na lang at may nag-door bell. Ayun, ligtas ako sa pag-uusisa ni Gina sa aming dalawa ni Anthony ^.^
Lumabas si Gina at nang makabalik ay kasama na niya si Jayson.
"Huy! Nandiyan na pala kayo. Aga ah!" panimula ni Jayson na masayang-masaya habang papalapit sa amin.
"Hindi sila maaga, late ka lang." sagot ni Gina.
"Tsk. 10 mins lang naman akong na-late" protesta ni Jayson. Inirapan lang siya ni Gina.
"Pre, Wala pa yung iba?" baling ni Jayson kay Anthony nang makaupo sa harapan namin.
"May nakita ka ba?"
"Sungit mo naman, pre! Bakit? Nag-away ba kayo ng sweetie mo" sabay lingon sa akin.
"Kulang lang siya sa tulog" tugon ko at sinakyan ang panunukso ni Jayson.
Ngunit nag-iba ang parehong expression nina Gina at Jayson. Para bang may gustung-gusto silang malaman.
"Ashley, sabihin mo nga, bakit napuyat yan si Anthony?"
"H-ha?"
"Uyy! Kunwari hindi alam." sabat ni Gina.
"Di ko gets?" at napalingon ako kay Anthony. Namumula ang kanyang tenga na siyang ikinagulat ko.
"Pre, bat namumula ka?! So, totoo nga?" excited na tanong ni Jayson.
"H-hoy! W-wala naman akong ginawa sa'yo ah?" nalilito kong tanong sa kanya.
Nagtilian naman ang dalawa na mas lalong ikinawindang ko.
May mali ba sa sinabi ko?Tumayo naman si Anthony.
"Nasaan ang comfort room niyo?"
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...