<Ashley's POV>
Final game na ng basketball.
Pati si tadhana, gustong makipaglaro.
Nandito ako ngayon sa gym upang panoorin at suportahan ang laro ni Vince. Kaso laking gulat ko na ang course namin ang makakalaban nila.
Kanino ba dapat ako mag-cheer?
"Ashley, anong tinatayu-tayo mo riyan? Tara na! Upo na tayo" pagyayaya ni Gina.
"Ahh --ehh"
"Anong problema? Nandito ka na rin lang kaya mag-cheer ka na. Kailangan malakas ang cheer natin kasi pag nanalo tayo rito, tayo na ang champion sa sports category!" masiglang sabi ni Gina. Kulang na lang magningning siya sa harapan ko.
Mas nahirapan tuloy akong tanggihan siya. T.T
Hindi ko na makagawang makatanggi.
Sorry Vince, bulong ko sa sarili ko.
Umupo na kami sa right benches ng gym kung saan ang courses namin ang nag-occupy. Sa kabila naman ang mga ECE students.
Napuno ang gym ng mga estudyante at manlalaro. After din kasi ng game ay cosplay competition at isusunod ang announcements ng mga winners sa iba't-ibang category at ang magiging champion ng taon na ito.
Nakaramdam ako ng kaba.
Hindi ko pinanood ang mga laban nina Vince maging sa course namin kaya wala akong idea kung gaano sila kakagaling.
Pero isa lang ang sigurado ako, may tiwala ako sa kakayahan ni Vince.
Nagsimula ng maglabasan ang players ng bawat team.
Hinanap ng mata ko kung nasaan si Vince. Sisigaw pa lang sana ako ng biglang nagsigawan ang mga babae sa likuran ko.
"GO ANTHONY, MY LABS!"
Nabigla ako saglit at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.
Kasali rin pala siya sa basketball team namin?
"Ang dami niyang fans na first year" bulong ni Gina.
Hindi na ako magugulat kung bakit maraming nagtitilian na mga babae sa likod ko.
Medyo ang hot nga niyang tignan sa nakaipit niyang buhok. Idagdag mo pa ang magandang tindig ng kanyang katawan. Nakakadagdag points talaga ang pagsuot ng jersey ng isang lalaki.
Laking gulat ko na bigla siyang tumingin sa gawi ng kinauupuan ko. Umiwas agad ako ng tingin.
Nakakahiya! Baka iniisip niyang tinitignan ko siya. Wait, tinignan ko naman talaga siya eh. What I mean, baka isipin niya na kanina ko pa siya tinititigan which is mali kasi napatingin lang ako dahil sa mga babae sa likuran ko.
...
Never mind. -.-
Ibinalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Vince.
Nagsimula na silang mag-warm-up.
Napansin ko ang paglingon niya sa direksyon kung saan nakaupo ang section namin, at saka ibinalik ang tuon sa pag-wa-warm-up.
Napatingin na rin ako sa direksyon na iyon. Wala naman nakaupong classmate niya rito.
Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni Natasha. Ngunit, imbes na irapan o simangutan niya ko, na usually niyang ginagawa, ay iniwas niya lang ang kanyang tingin.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...