<Ashley's POV>
"I really like the stage design, mapupukaw agad ang interest ng mga participants. Gusto ko rin yung paggamit nila ng social media to express their opinions especially for those students na nahihiyang magtanong. The topic, concept and style, very millennial. This seminar will definitely address the needs of every students that will join the corporate world soon. Very good students!" pagpupuri ng aming professor sa aming proposed plan for the seminar.
"Thank you, Sir. The concept and topic came from Ms. Mercado and Ms. Leviste. Both of them will lead this seminar. We also asked the help of Mr. Lee and Mr. Escobar for some technical assistance" ani ng aming class president.
"That's great! I really hope that this seminar will be a huge success. Just keep up the good work"
"Thank you Sir" sabay-sabay naming pasasalamat.
"Okay. I'll go ahead to see my next class"
Nang makaalis ang aming professor, agad na humarap sa amin si Joshua.
"Dahil tapos na tayo kay Ms. Keller, mas mapagtutuunan natin itong seminar. Na-distribute na natin yung tasks na gagawin ng klase before, during and after the seminar. We only have two weeks before the actual event. Ano pa kailangan natin i-consider?"
"Well, okay naman yung distribution natin ng tasks. The only thing I can suggest is to have a dry-run para makita natin yung possible areas to improve or you know, mistakes." I suggest.
"We also have to talk with the speakers if there are changes on their presentation. Baka may mga dinagdag pa sila since last month natin sila na-contact" dagdag ni Natasha.
"That's good. I can sense na nagkakasundo na kayo sa pagpa-plano nitong seminar" nakangiting tugon ni Joshua.
Pareho kaming napatingin ni Natasha sa isa't-isa.
Agad niya naman itong binawi at saka napayuko.
Hindi ako sigurado sa napansin ko, pero hindi niya ako inirapan. Para ngang nahiya pa siya sa akin.
Nauna akong lumabas ng room at saktong nahagip ng aking mga mata si Vince na kakaakyat lang ng hagdan.
"Vince!" Masaya kong pagtawag sa kanya.
Nginitian naman niya ako ng ubod ng tamis.
Oh yes! Yung ngiti niya parang chocolate, kikiligin ang mga taong makatatanggap at isa ako sa mga biniyayaan. ^.^
"Bat nandito ka?" tanong ko. Nasa kabilang building kasi ang engineering.
"Uhhmm .. m-may itatanong lang ako sa president niyo"
Weird. Bakit parang nahihiya siya? At sa akin pa ha?!
"Nasa loob pa siya ng room--oh, ayan na pala siya" nang mapansin ko ang pagbukas ng pinto.
Lumuwa sa pintuan sina Joshua at si Natasha.
Automatic na bumalik ang tingin ko kay Vincent.
Tama ako. Nakapako na ang kanyang paningin kay Natasha.
Paglingon ko naman kay Natasha, nakita ko rin ang pagtitig niya kay Vince na parang first time niya itong makita.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...