Chapter 46

9 0 0
                                    

<Ashley's POV>

"Ash?"

Lumunok muna ako bago ako humarap kay Vince.

Seryoso ang kanyang mukha kaya mas lalo akong kinabahan.

Parang gusto ko na lamang tumakbo at magtago. Wala akong marinig, maliban sa malakas na tibok ng puso ko.

"Yung kinanta mo, ang sabi mo, ito yung mga kanta na bagay sa akin"

"H-ha?"

Tila pati dila ko'y nagtago sa sobrang kaba. Bawiin ko na lang kaya?

"Halata ba na ganyan ang pinagdaraanan ko?"

"H-ha???" Unti-unti nawala ang aking kaba at napalitan ng pagtataka.

"Nakuha mo eh, ganyang-ganyan ang nararamdaman ko"

Parang nakukuha ko na yung ibig niyang sabihin.

"Yan yung mga tanong ko sa sarili ko eh. What can I do to make her care? To make her feel this?" malungkot niyang sabi.

I blinked.

Yung inaakala ko at yung iniisip niya parang parallel lines, hindi nagtutugma!

Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga ako pero kaysa masaktan ako sa sinabi niya, tumawa ako ng malakas.

"Seryoso ako rito, tapos pinagtawanan mo" nagtatampo niyang sabi.

Napailing ako habang hindi pa rin mapigilan ang pagtawa.

Siguro natatawa ako ng ganito kasi parang nabunutan ako ng tinik. Akala ko iyon na yung confession ko. Well, okay lang naman kung nasabi ko ngayon, pero ewan! Parang masaya ako at hindi iyon yung kinalabasan.

At ang isa pang dahilan ay siya. Iba rin ang pagiging manhid ng taong ito.

"Ang dami mong hugot eh" tugon ko.

"Eh ikaw kasi! Kinanta-kanta mo pa yan"

"Fine. Wala ng kakanta ng mga love song o kahit anong hugot pa yan!"

"Mga kantang pang-kaibigan lang?"

"AYOKO RIN NUN!" pinagdiinan ko talaga ang pagsabi nun.

"Bakit parang diring-diri ka?"

"Oo, Vincent. Ayaw ko nun, lalo na kung galing sa'yo"

"Grabe na yung epekto ng stress sa'yo ha!"

"Tumahimik ka na riyan. Heto ang kakantahin natin"

Tumingin siya sa screen.

"Order taker ng parokya?" di makapaniwala niyang tanong.

Tumawa na lamang ako at nagsimulang kumanta, I mean mag-ingay ^____^

-------

Pagkatapos ng sunud-sunod na mga projects, research study, examinations, at ang katatapos lang na seminar, sa wakas, natapos na ang isang sem ng huling taon ko ng pagiging isang kolehiyala.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon