Chapter 32

21 2 2
                                    

<Ashley's POV>

"Happy ka?" bungad na tanong ni Gie. Sabay kaming pumasok ng school at ngayo'y naglalakad patungong klase.

I acted like I was thinking.

"Oo?" I said but I can't hide the excitement on my tone.

"Pa-showbiz ka ha! Ano nangyari? Share ka naman!" Excited din na tanong niya.

"hirap pag walang lovelife no? Nakikishare na lang ng kilig sa iba" tukso ko.

"Tigilan mo ko, Ashley. FYI, wala ka pang lovelife, kaya wag kang umarte na meron na"

"ang harsh mo sa 'kin!"

"Ikaw kaya nauna! Anyways, ano na nga ang real score?"

"Ano ba gusto mo malaman?"

"Lahat!"

"Sige"

Hinintay naman niya ang susunod kong sasabihin.

"Sige pagkatapos ng klase ko. Bye!" sabi ko at dire-diretso na akong naglakad patungong hagdan.

Narinig ko pa ang sigaw ni Gie.

"Pabitin ka eh" sigaw niya.

Natatawa naman ako habang paakyat ng hagdan. Siguradong yamot na yamot si Gie sa ginawa ko.

Balak ko naman talaga ikuwento iyon sa kanya kaso mamaya pa after class. Medyo mahaba rin kasi.

Paano ko nga ba iyon ikukuwento sa kanya? Very detailed ba? Tapos sasabihin ko na may parang may pag-asa na maging kaming dalawa?

That thought alone makes me kilig :)

Malapit na ako sa aming room ng mapansin ko si Vince. Nakasandal siya malapit sa pintuan.

I was taken aback and now my heart is beating so fast.

Nandito siya? Bakit kaya? Baka yayayain niya ako lumabas? bulong ko sa sarili ko na hindi mapigilan mapangiti.

Lalapitan ko sana siya ng biglang lumabas mula sa pintuan si Natasha.

Napahinto ako at agad nakapagtago sa malapit na pintuan ng klase.

Napakapit ako ng mahigpit sa aking dibdib. Bigla kasi akong kinabahan.

Close na ba sila ulit? Kailan pa? Pagkatapos ba yun ng pag-amin ko kay Natasha na gusto ko si Vince? Gagamitin ba ni Natasha si Vince para masaktan ako?

Napailing ako. Hindi ko na naman mapigilan mag-isip ng kung anu-ano.

Sumilip ako upang tignan silang dalawa kaso hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

Napako ang tingin ko kay Vince na parang aliw na aliw siya sa pag-uusap nilang dalawa.

Naiinis ako sa reaksyon niya.

Tama na, Vince! Huwag kang maniwala diyan! Sasaktan ka lang niya. Kaya, akin ka na lang! inis kong bulong sa isip ko.

May inabot si Vince sa kanya.

Ano kaya yun?

Pagkatapos nun ay tumalikod na si Natasha.

I am hoping that I'm just imagining things...

... But I'm not.

I saw Natasha.


She's smiling.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon