Chapter 43:
<Ashley's POV>
Ganito pala yung feeling pag lahat ng pinagsikapan ninyo ay nagbunga.
Nakangiting lumapit sa akin si Gina at saka yumakap sa akin.
"Congrats to all of you. You really did a great job" nakangiting sabi sa amin ni Prof. Keller.
Maging ang aming dean at ibang professors na nanood ay maganda ang feedback sa aming ginawang study.
Halos mapunit ang bibig ko sa kakangiti. Yung mga sinabi nila, pakiramdam ko may nakuha akong napakalaking achievement.
Tumingin ako sa mga kasama ko. Hindi rin nila maitago ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Si Anthony naman, nakangiti lang.
Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya naman napatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya na parang sinasabi ko na "we finally did it". Lumawak ang pagkakangiti niya na parang sinasang-ayunan niya ang nasa isip ko.
Sabay-sabay na kami nagpaalam sa kanilang lahat, at pagkalabas ng silid, sumigaw si Jayson.
"Sa wakas, tapos na!!!"
"Jayson, baka marinig ka nila! Baka bawiin yung grades natin" pagsisita ni Gina ngunit hindi pa rin maalis ang kanyang ngiti.
"Doon tayo" pagyaya ko.
Nang makaupo kami ay sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag at nagtititili sa saya.
Nang hindi ko narinig ang sigaw ni Anthony, lumingon ako sa kanya.
"Hindi ka ba masaya?"
"Huh? Nakangiti nga ako, paanong hindi ako masaya?" kunot-noong sagot niya.
"Ang baba kasi ng energy mo kumpara sa amin"
He just shrugged.
"Pa-cool ang drama?" I teased.
"Bakit? Nilalamig ka ba?" biro rin niya.
"Ang sweet niyo masyado" pang-aasar ni Jayson sa amin dalawa.
"Pero infairness, ang galing mo kanina Anthony. Sobrang lupit mo sa pagsagot ng mga tanong ni Ma'am Keller" ani ni Gina.
"Oo nga?" pag sang-ayon ko. Ginawa mo pa nga akong tutor at taga-gawa ng assignments mo, bigla tuloy nahiya itong utak ko sa'yo pagpatuloy ko sa isip ko lang.
"well, it's not my first time to present" maikli niyang sagot.
"At least bawing-bawi ka ngayon pre, bumagsak ka man dati, ngayon ay bumabangon na" at saka inakbayan ni Jayson si Anthony.
"At dahil diyan..." pabitin na sabi ni Gina na ang mga atensyon namin ay nasa kanya na.
"... mag-be-beach tayo, sagot ko!" nakangiting sabi ni Gina.
Halos manlaki naman ang mga mata namin ni Jayson.
"Kailan?! Kailan?!" excited na tanong ni Jayson.
"After ng seminar na gagawin, yayayain ko rin sila Natasha, Rea .." pagputol ni Gina at tumingin sa akin
" ... at si Vincent at yung friend niya" ani niya na tila humihingi siya ng permiso mula sa akin."A-as if naman papayag ang mga yun?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"Ako bahala! Mapapapayag ko sila. Kaya kayo, bawal na kayong tumanggi, lalo ka na Anthony" nakangiti ngunit nagbabantang sabi ni Gina.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...