Chapter 5

26 1 0
                                    

<Ashley POV>

"Organizational development is a process of continuous diagnosis, action planning, implementation and evaluation. As what Ms. Mercado said 'OD promotes organizational readiness to meet CHANGE, and that will be our topic next week. Prepare for a short quiz before the discussion. That's all, class dismissed" pagtatapos ni Ma'am Keller at tuluyan na niyang nilisan ang klase.

Para may isang bombang sumabog sa loob ng klase at nagsimula mag-ingay ang lahat.

"Quiz before lecture. Ang lupit talaga ni Ma'am Keller" sabi ni Gina habang nag-uunat.

"feel ko 1st year college ulit ako. Puro quiz" pagrereklamo ni Jayson na nasa likuran ko.

"It's her own style of teaching. Wala problema sa akin basta makatarungan siya magbigay ng grades hindi nanghuhula" sabat ko.

"Sabagay. Ayoko din naman magkaroon ng grade na hinulaan lang. Pero, ang hirap pa rin pumasa sa kanya" paghihimutok ni Trisha.

"Sabi daw ng seniors, ang kailangan daw natin paghandaan yung i-pi-present na thesis natin sa kanya. Yun daw ang basehan niya kung ipapasa o ibabagsak ka..

Well, by group naman yun kaya hindi ka nag-iisa pag bumagsak ka" pagpapatuloy ni Jayson na nangigiti.

"Aasa ka na naman sa mga ka-grupo mo, Jayson! Nako, sana hindi kita makasama sa grupo" pagrereklamo ni Gina

Nagpatuloy ang pang-aasar ng dalawa sa kanya.

Naibaling ko naman ang atensiyon ko sa lalaking nakaupo sa dulo ng silid. Maputi siya at may kahabaan ang kanyang buhok na tinatakpan ang kanyang noo. Para siyang lider ng gang dahil na rin sa ayos niya.

Nakatingin siya sa puwesto namin ngunit agad naman niya itong inalis.

"Irregular student siya. Siguro, isa siya sa mga estudyanteng hindi naka-graduate dahil kay Ma'am" pagsingit ni Jayson nang mahalata niya nakatingin ako sa lalaking iyon.

Tumango lang ako.

Nagpaalam na ang tatlo na mauna nang pumunta ng canteen at ako naman hihintay ko si Vince sa amin klase. Sabay kasi kami mag-la-lunch.

Ipapasok ko na sana ang hawak kong notebook sa aking bag nang may biglang sumagi dito upang ito'y mahulog.

Tinignan ko ang taong nakasagi dito at bumungad sa akin ang isang babae, maputi, may mahabang buhok na naka-full bangs.

"You're quite impressive a while ago" bungad niya.

Magpapasalamat pa lang ako nang bigla siya ulit magsalita.

"Pero halata naman na sa google mo lang nakuha yun sinabi mo kanina. Wala ka bang sariling utak para sumagot?" then she smirked.

She's Natasha Leviste. She declared herself to be my rival in class. Siya lang naman kasi ang nag-pu-push na kalaban ko daw siya sa pagiging top sa klase. First year pa lang kami, hindi na magaan ang loob niya sa akin. I tried to approach her once nang maging ka-grupo ko siya sa isa namin subject, kaso nagkasagutan lang kami kasi hindi namin magawang magkasundo sa iisang bagay. Ewan ko ba dito sa babaeng ito, ang daming issues sa buhay!

"Natameme ka? Bakit? Hindi mo ba na-research sa google yung sasabihin mo ngayon?" pang-aasar niya at saka tumawa ng malakas kasama ang buntot este kaibigan niyang si Rea.


Napabuntong-hininga muna ako at tumingin sa kanya na may panghamon na mga mata.

Aba. Hindi na uso ang mga api ngayon. Ano to? Teleserye???


Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

0.0= >>>>> -.-


Di na ko nakatiis, tumayo ako at sinabunutan ko siya! Sinipa ko naman yung buntot niyang kaibigan.

Di ko siya tinigilan hangga't hindi siya magmakaawa sa akin! Nakakainis siya eh!

"Ashley?"

Sige, banggitin mo pangalan ko!mag-sorry ka!Wahahaha!

"Hey. UNANONG BABAE!"


Aba! Aba! Palaban itong babaeng ito ah! Tinawag pa kong unano! 5 flat kaya ako! >.<

"Hoy! Ashley Mercado!!!"


Napapitlag ako. Ha'ay, akala ko totoo na, sabagay, di naman ako palaaway, ambait ko eh. Bida ako di ba? ^.^

OPO. Imagination lang yun =.=

Tumingin ako sa kanya at matamlay kong sinagot siya "yeah?"

"Sa susunod, si Mr. Kurt Lewin (human resource theorists) naman ang hanapin mo sa google para magkaroon ulit ng laman yung utak mo" pagmamayabang niya.

This time, I smirked.

"Was it me or you also did research in google? Sobrang familiar ka eh. Tip lang ha? Kung gusto mo talaga malagpasan ako, magbuklat ka ng libro."

Tumayo ako at binigyan ko siya nang nakakalokong ngiti.

"Well Ladies, I'll better go. Hope I can see the progress Natasha" at tinalikuran ko na sila.

Nakasimangot akong lumabas sa silid. Alam kong hindi kami magkasundong dalawa at ayoko ko na rin naman yun ipilit. Kaso, sumosobra na siya eh. Nakakapikon na minsan.

Ano ba pinaghuhugutan niya???

Tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad ko nang bigla mahagip ng mata ko ang lalaking naglalakad sa direksyon ko.


Napahinto ako.

May mahalaga pa pala akong dapat gawin.

My confession.

and I want to do it in our upcoming Acquaintance party.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon