<Ashley's POV>
Kumalma ka, Ashley! Kumalma ka!
Naglalakad kami patungong cafeteria. Hindi tulad ng dati'y komportable lang, ramdam ko ang awkwardness sa amin dalawa.
Sinilip ko ang kanyang mukha at kapansin-pansin na malalim ang kanyang iniisip.
Napabuntung-hininga ako.
Ang awkward talaga. Paano ko ba sisimulan? At saka bakit ba ako kinakabahan?
"Ano gusto mo?" tanong ni Vince na ikinabigla ko.
"Ikaw!"
"Ha?"
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha.
I hate my brain for thinking out loud sometimes -.-
"I-ikaw? K-kung ano gusto mo, ganun na rin ang order ko" palusot ko.
"Alright. Just wait here" at tumayo na siya at bumili.
Halos gusto ko ng ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lamesa.
Maraming tumatakbo sa isipan ko na ayaw kong isipin, ngunit nagpupumilit itong pansinin ko.
Ayaw ko mag-assume, pero ito na ba yun? Na-realize niya kaya na ako ang gusto niya?
Sana ....
"Ash, are you okay?" tanong niya sa akin ng makabalik siya.
"O-oo naman. Medyo pagod lang"
"Nakakaabala ba ako sa'yo?"
"Grabe, hindi no! Masaya nga ako at niyaya mo ako"
"Masaya ka dahil libre!"
"Of course!"
At sabay kami natawa.
"Uhhmmm ... A-Ash ..."
"Oh?"
"I want to tell you something. Gusto ko sana sabihin sa'yo ito kahapon pero humahanap lang ako ng tamang timing"
I cleared my throat. Bigla kasi siyang sumeryoso.
"A-ano yun?"
"It's about your boyfriend"
---***---
<Vince's POV>
"Why so serious, man!" hinagis sa akin ni Troy ang bola.
"Need focus" I said then throw it for a shoot.
"Ganyan ka ba mag-focus. Sablay ah" pang-aasar niya.
Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Troy. Kumuha na lamang ako ng tubig at nagpahinga sa bench.
"Napikon ka agad?"
"Wala lang ako energy makipag-asaran"
"Tungkol na naman ba ito kay Natasha?" he asked.
"Actually, it's about Ashley."
"Ashley, yung babaeng type ko na kaibigan mo?"
"Lahat naman ng babae type mo eh"
"Hindi lahat pre. Bakit ano meron sa kanya?"
"I'm worried about her. Sinabi ko na kanina sa kanya yung mga nalaman ko about sa boyfriend niya"
"Tapos?"
"She's speechless. Parang nadismaya? Wait, actually I'm not sure about her reaction. Maybe I'm expecting her to ask more about what I saw? Or to cry? I don't know."
"Hindi pala siya umiyak eh. Ano kinababahala mo?"
"That's my point! Wala siyang reaction. Baka ngayon pa lang nag-si-sink-in sa kanya yung mga sinabi ko. It was her first time to be in a relationship. Paano kung suicidal pala siya sa mga ganung bagay?"
"Woaahhh! Ang OA mo naman pre. Magpapakamatay agad? Pwede bang awayin niya muna yung boyfriend niya?"
Hindi na lang ako umimik.
"Natahimik ka bigla. Grabe ka naman, mag-worry sa kanya"
"Of course, para ko na siyang kapatid"
Naramdaman ko ang pananahimik ni Troy kaya naman sinilip ko siya.
"Bakit ka naiiling diyan?" I asked.
"Kapatid lang ba talaga?"
"Ano ba pinagsasabi mo?"
"Paano kung ikaw talaga ang gusto ni Ashley at nasasaktan siya ngayon dahil sa'yo, ano gagawin mo?"
"Ano bang klaseng tanong yan?"
"Sagutin mo na lang!"
"bakit kailangan kong sagutin eh hindi naman totoo?"
"Bakit hindi mo kayang sagutin? Di ba dapat malinaw sa'yo kung ano dapat mong gawin dahil alam mo kung sino ang mahal mo?"
"Bakit dun napunta ang usapan?"
"Hindi mo nga kayang sagutin, kahit hypothetical lang" pangungulit ni Troy.
Hindi kaagad ako nakapagsalita.
"Ano na?"
"Ewan ko sa'yo"
"But seriously, Cent. Ano nga ba si Ashley para sa'yo?"
This time, there's a seriousness on his tone.
"She's a special---" I said.
"E-excuse me"
Sabay kami napalingon ni Troy.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Gina, right?" I asked.
"Yes, Ashley's friend."
Naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib.
"May nangyari bang masama kay Ashley?" Rinig sa boses ko ang pag-aalala.
"H-ha? Saan naman nanggaling yun?" nagtatakang tanong ni Gina.
Narinig ko ang pagtawa ni Troy sa likuran.
"Pre, huwag ka praning" natatawa niyang sabi.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Anyways, okay naman si Ashley. Medyo tulala nga lang" sagot ni Gina.
Sabi ko na nga ba eh, ngayon pa lang nag-si-sink-in sa kanya ang nangyari
bulong ko."Uhmmm, Vincent"
Napalingon ako sa kanya.
"May pabor sana akong hihilingin sa'yo"
----***----
Author's Note:
Enjoy reading and let me know your thoughts XD
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...