<Ashley POV>
*Flashbacks*
"Ashley, 4pm sa org. room sa 4th floor daw yung meeting" sigaw ng kaklase ko na nakadungaw sa pintuan.
"Sige. Sunod ako" tugon ko naman.
Mabilis kong ibinalik ang aking notebook sa aking bag at dali-daling nilisan ang aming silid.
Napili kasi ako maging representative ng section namin for planning para sa gaganapin na seminar next month.
Paakyat na ko ng hagdan nang bigla ako matigilan.
Iniwas ko agad ang aking tingin sa lalaking pababa ng hagdan.
Tumalikod ako at nagmamadaling naglakad palayo sa kanya.
Last Christmas, I was about to confess my feelings to a guy who doesn't even know my existence. We're on the same batch, pero sigurado naman ako na hindi niya ako kilala kasi hindi ako sikat tulad niya na athlete ng school at the same time nag-e-excel sa academics.
Bakit pala ako natataranta? Hindi naman niya ko kilala at saka hindi ko naman tinuloy na mag-confess sa kanya kasi nalaman ko na may nililigawan na pala siya.
Sobrang weird ko lang. Mamaya napansin niya ko kanina. Nakakahiya >.<
Tinungo ko na lamang ang kabilang hagdanan. Nakalutang pa rin ang isip ko nang maramdaman ko ang pagbunggo ng noo ko sa isang matigas na bagay.
Tumingala ako upang tignan ito at nakita ko ang isang lalaking may dala-dalang kahon. Napansin ko agad ang kanyang mga mata. Siguro kasi napakaamo nito. He has this nice guy look actually.
"Okay ka lang, Miss?" tanong niya.
"ayos lang" sabi ko sa kanya.
Pinulot at iniabot ko sa kanya ang cartolina na nahulog sa sahig.
"I'll go ahead. Pasensya na" at nauna na kong umalis.
--
Nakarating na ko sa org. room namin. Nakakahiya kasi parang ako na lang yung hinihintay."You're here Ms. Ashley, please take a seat" pag-aalok ng Dean namin na siyang magiging adviser namin sa gagawing seminar.
"I'm sorry for keeping you all waited"
"No, it's okay. Tutal may hinihintay pa tayong isa .. oh, nandiyan na pala siya"
Nakatalikod ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Ako na lang pala ang kulang? Sorry Sir" sabi niya.
Nasa harapan ko siya pumuwesto kaya nang magtama ang mata namin, nagulat din siya tulad ko.
Siya yung nakabangga ko kanina sa hagdan.
Napansin naman yun ng Dean namin.
"Oh by the way, Ashley, his name is Francis. Francis, meet Ashley. Both of you will be part of the committee for this upcoming seminar. So, for all the representatives here, let's work hard together" nakangiting sabi ni Sir.
Sumang-ayon naman kami.
Napatingin ulit ako sa kanya at siya rin sa akin. Napangiti na lang kami sa isa't-isa.
Francis ... bulong ko sa sarili ko.
**end of flashbacks**
He's a very nice guy. Yung akala mo in-abduct na lahat ng mga matitinong lalaki sa mundo, may natira pa pala at siya 'yun.
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...