CHAPTER 25

20 2 0
                                    

<Ashley's POV>

🎶 Meron siyang di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights walang magagawa dahil nandito na 🎶

Tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko ang lalaking punu't dulo ng lahat kung bakit parang roller coaster ride itong buhay ko ngayon.

🎶 Magkahalong kaba at pananabik
Ang tuntungang bumuhat sa'min
Kailan man ay di niya alam, di pa umaangat loob ko'y nahulog na🎶

Masaya naman ako. Kuntento naman ako sa maraming pagkakataon. Bakit kailangan pa kasi guluhin ng lintik na pag-ibig ang buhay ko?

Nakakalula ...

Nakakatakot ..

"Ash? Anong problema?"

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Vince.

Umiling ako at nagsimula ng maglakad.

"Kumusta?" he asked.

"Ayos lang"

"Nakita mo na yun result ng midterm exam niyo?"

"Hindi pa yung iba"

"Pasado ba?"

"Oo"

"Ahmmm, m-may balita ka ba kay Natasha?"

Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Kinamusta niya muna ako pero ang gusto niya talagang kamustahin ay si Natasha.

"M-may gusto ka bang malaman sa kanya?"

"w-wala naman. I am just wondering kung nabanggit niya ba ako kanina sayo o sa ibang niyang classmates"

Hindi agad ako nakaimik. Ang sakit pala marinig sa taong gusto mo na kamustahin sayo ang taong gusto nila. Nakakaloka.

"Hindi ko kasi siya naabutan sa klase mo kanina, kaya kinakamusta ko siya sa'yo"

"Ahhh..."

"..."

"Ahmmm, by the way Ash, ano yung narinig ko kanina tungkol sa'yo. Napansin kong may tinutukso silang lalaki sa'yo ah. Sino ba yun?"

"Wala yun"

"naglilihim ka na sa akin ah. Sino nga?" pangungulit niya.

"Wala lang yun"

"May bago ka na bang nagugustuhan? Siya ba yun?"

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Ang taong gusto ko na nasa tabi ko ngayon ay tinatanong ako tungkol sa taong nagugustuhan ko. Nakakapanggigil lang. Para kaming dalawa naglalaro ng manhid-manhidan at siya ang taya.

"Ashley?" may pag-aalala sa tono ng boses niya.

"Wala lang yun Vince. Kaya wag na lang natin pag-usapan"

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Tumalikod ako para harapin siya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang may gustong basahin dito.

🎶 sa piling mo ay nalulula, unti-unti ring nasasanay🎶

The way he looks at me makes me lost on his eyes for a moment.
It seems like I'm traveling in the deepness of his soul, trying to utter millions of words to describe this feeling.

🎶 sa piling mo ay nalulula, ngunit parang ayoko na yatang bumaba🎶

But only silence remains with us, as if we are having a conversation with our mind.

🎶 hanging kay lamig ay may binubulong sa'yo, sigaw ng damdamin ay mas tahimik pa sa hatinggabi🎶

Subconsciously, I wish that we can stay like this forever.

🎶 ang mundo ay ating pinagmasdan habang ang mundo ay bumabagal
Parang lahat ay guminto, larawang dinadala nitong puso ko 🎶

Sadly, he is the first one who breaks the spell between us.

"May problema ba Ash?"

Napayuko na lang ako. Gusto ko sabihin sa kanya lahat-lahat ng nararamdaman ko. Gusto ko sabihin sa kanya na nasasaktan ako pag tuwing babanggitin niya si Natasha.
Gusto ko sabihin sa kanya na naiirita ako sa kanya kasi bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa isipan ko.
At gusto ko sabihin sa kanya na sa sobrang dami ng gusto kong sabihin sa kanya, kahit isa dun hindi ko magawa-gawang banggitin.

"I don't know if I already said this thing to you, but Ashley I really care for you. Hindi ko rin alam kung sa paanong paraan ako makakatulong sa'yo, but I want you to know that I'm here if you need someone to lean on" he said softly.

"V-Vince" I almost crack my voice. I can feel his sincerity while saying those words to me.

Alam kong sobrang gamit na ang mga salitang iyon, pero iba pala pag galing sa taong gusto mo. Mas bumabaon sa puso mo.

"Hey, hindi ako sanay na umiiyak ka" natatawa niyang sabi habang inaalis ang luha na tumakas sa aking mata.

"I'm not crying, idiot"

"Eh ano tong mga basa na to"

"Almost crying, ok? Bigla-bigla ka kasi nagsasalita ng kung anu-ano"

"Ang baba naman ng tingin mo sa akin, Ashley. Sa tingin mo ba hindi ko kayang magpayo ng seryoso?"

"Hindi" diretso kong sagot.

"Aba!" inakbayan niya ako at saka ginulo ang aking buhok.

"Huwag ang buhok ko, Vincent. Bagong paayos ko lang to" pag-awat ko.

Binitawan niya naman ako habang natatawa. Inayos ko ang buhok kong ginulo niya kanina.

"Mas bagay sayo ang nakangiti" he said while smiling.

I can't help but to smile too.

"Thanks" I whispered.

"Tara?"

Tumango ako bilang tugon sa tanong niya.

I am really in a roller coaster ride.

Nakakalula ...

Nakakatakot ...

At may mga oras na gusto ko ng bumaba ...

...

Pero may mga oras rin na masaya kahit nakakalula.

Mga oras na handang-handa kang harapin kahit nakakatakot.

At may mga oras na hihilingin mo na sana wala ng katapusan, wala ng babaan.

🎶 sa piling mo ay nalulula, unti-unti rin nasasanay
Sa piling mo ay nalulula, ngunit parang ayoko na yatang bumaba🎶

At pinili kong huwag munang bumaba.

Author's Note:

Yung title po ng song ay 🎶Ferris wheel by one and only Yeng Constantino 🎶

Background song lang po yun just to describe the tone/mood of the story (sorry if mali yung term ko)

Anyways, May dalawang chapters ako natapos. Huhu. Nakaka-proud ;)

Sana tuluy-tuloy na to. Haha! ^^

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon