Chapter 6

25 1 0
                                    

ACQUAINTANCE PARTY
<Ashley POV>

"Kumalma ka Ashley, kumalma ka" bulong ko sa sarili ko.

I take a deep breath. I manage to compose myself before entering the gate of our campus.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Ang kailangan ko lang ay sampung minuto na tapang at kapal ng mukha para maipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. It's now or never.

Sinimulan ko na maglakad papuntang gate. Medyo nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako sigurado kung dahil sa kaba o dahil sa high heels na suot ko.

I am wearing a knee-length semi-formal dark blue dress. Light lang yung make-up na in-apply sa kin then pina-curl ko lang yung dulo ng hair ko.

Napansin ko habang patungo ako sa venue ng party ay may kanya-kanyang partner ang bawat isa.

Maingat na binilisan ko ang aking paglakad. Mamaya hindi ko na mapigilan sabihin yung line ni Jennylyn sa EOP. 'Oo na! Sige na! Ako na mag-isa!' Kainis -.-

Ilang hakbang na lang patungong auditorium nang bigla akong pagtaksilan ng suot kong high heels.

Naramdaman ko ang mga kamay na nakahawak sa aking braso at unti-unti akong inalalayan tumayo.

"Bakit ang hilig niyo mga babae mag-high heels kahit alam niyo maari kayong matapilok"

I looked at the guy who is trying to pick a fight.

Napakunot naman ang noo ko kung sino ang lalaking iyon.

"Para maabot namin ang mga lalaking matatangkad tulad mo, Vince" sabi ko naman.

Tumawa lang siya. At saka kinuha ang braso ko at ipinatong ito sa kanya.

"What are you doing? Mamaya sabihin ka-date kita" sabi ko sa kanya

.

"Well, it's a responsibility of a man to escort a woman especially woman like you na natatapilok dahil sa taas ng heels" then he winked.

Napangiti na lang ako at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.

Mabuti na lang hinayaan ko si Vince na maging escort ko. Pang-star magic ball yung entrance! Dapat may partner para hindi intrigahin kung bakit nag-iisa ka. Ahmmmp! Parang ang bitter ko lang. ;)

Nakapasok na kami sa venue. Sinamahan naman ako ni Vince hanapin kung anong table # naka-reserved para sa course namin.

"May binabalak kang gawin ngayon, no?" Sabi niya.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mukha.

"You're blushing, Ash" pagpapatuloy niya.

Tinignan ko nang masama si Vince. Nakakainis kasi wala naman ako nababanggit sa kanya kaya bakit parang may alam siya.

"Vince, you kn--" naputol ang pagsasalita ko nang makarating na kami sa table ko.

I looked at him again to say something but I was stunned when he leaned closer to me reaching my ear.

"Good luck" and he smiled.

Tumalikod na siya at tuluyan nang umalis.

Hindi kaagad nakakilos.

Bakit parang ang cool niya tignan ngayon? Ang weird.

"Ashley, ba't nakatayo ka lang diyan. Umupo ka na kaya" sabi ni Gina nang mapansin ang hindi ko pagkilos.

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang bigla mag-ring ang phone ko.

It's Gie.

"Ash, anong table number mo?"

"Bakit?"

"Basta!"

"27"

"Okay." At agad-agad niya itong binaba.

Anong problema ng babaeng ito? Isip-isip ko.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ...

"Hoy! Tulala much ka diyan!"

"Ay Palaka!" Bulalas ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Gie. Una, dahil nanggugulat siya bigla. Pangalawa, bakit siya nandito eh sa ibang table dapat siya nakaupo.

Agad na man niyang na-gets ang ibig kong sabihin.

"Cassy, okay lang naman na dito ako maki-table. May dala naman ako upuan" nakangiti niya sabi.

Saka ko lang napansin na may bitbit siyang upuan.

Pumayag naman si Cassy.

"At bakit ka nandito?" panimula ko.

"Para ramayan ka. Baka ma-broken hearted ka na naman" pilyang sabi niya.

Binatukan ko naman siya agad. Grabe itong kaibigan kong ito. Hindi supportive!

"Masakit yun ah" pagrereklamo niya.

"Hindi pa nga nagsisimula, di ba? Iniisip mo agad na ma-ri-reject ako" sabi ko.


"Bakit hindi? Nung first year college kaya tayo, mag-co-confess ka pa lang ng feelings mo, na-reject ka na agad kasi kasasagot lang ng babaeng nililigawan niya sa kanya"

"Kailan yun?"

"Nung Valentines day!"

"Tapos nung second year tayo, pinili mo naman mag-confess dun sa senior niyo nung graduation day nila kaso narinig mo sa mga classmates niya na mag-a-abroad siya para habulin ang childhood friend niya sa states"

Huminga muna si Gie at saka ulit nagpatuloy.

"At last year nung Christmas, magtatapat ka na sana kaso nalaman mo na may babaeng nililigawan pala yung guy dun sa kabilang school kaya pinili mo na lang manahimik"

"Ano gusto mo sabihin?" pagtataray ko. Kainis tong babaeng to, mas kabisado niya pa sa akin yung mga naging failed confessions ko.

"This year, acquaintance party naman ang pinili mo. Iniisip ko kung ano naman ang love story nitong guy." pangangantiyaw niya sa akin.

Napasimangot na lang ako.

Okay. Fine. Ito po talaga ang takbo ng story ko. Walang simula, wala ring wakas.

Masisisi niyo ba ako na hindi na ipaglaban ang isang bagay na alam kong matatalo din ako?

I just want to save it for myself, or rather I just don't want to complicate my own love story.

"Ano? Itutuloy mo pa?" nakangiting tanong sa akin ni Gie.


Ngumiti naman ako sa kanya.
Kahit naging failed yung mga naging confessions ko, umaasa pa rin ako na ito na sana yung tamang panahon para sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at saka tinignan ulit si Gie.

"Siyempre naman" buong tiwala kong sabi sa kanya.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon