<Ashley's POV>
"nandiyan na si Ma'am Keller" bulong ng katabi ko.
Napangiti naman ako.
Ngayon lang ako natuwa na may klase ako sa kanya. Kahit paano kasi mawawala muna siya sa isip ko. Tatlong araw na rin kasi na lagi ko naiisip yung sinabi ni Gie
"Basta ang alam ko, when it comes to love, it always happened unexpectedly"
Buwisit yun si Gie. Dami niyang alam -.-
Nagsimula nang magturo si Ma'am Keller
"Change has always been part of an organization. There can be a management or technology, or process change that could really leave an impact to the people working in the company." pag-e-explain ni Ma'am.
Nagti-take down notes naman ako habang nagsasalita siya. Pag nagtuturo talaga si Ma'am Keller, diretso, walang paliguy-ligoy, kaya dapat lagi kang alert sa mga sinasabi niya.
Kaya hindi ka makakasingit ngayon Vince sa isip ko ... bulong ko.
"and that is the time we need the help of an OD practitioner...
And you should understand it future corporate leaders"
Huminga ng malalim si Ma'am Keller at saka ngumiti.
"You know class, change always occurred. Hindi lang sa organizations maging sa buhay natin"
Medyo nabigla ang klase nang magsingit ng ganung topic si Ma'am Keller, kaya napahinto ang iilan maging ako sa pagsusulat.
"sa buhay natin, may mga pagbabago na hindi tayo handa.
Yung dati komportable ka lang na kasama siya, ngayon magugulat ka sa mabilis na pagtibok ng puso mo dahil sa presensiya niya" nakangiting sabi ni Ma'am Keller.
After 30 seconds of silence ...
WOOOOOOOHHHHHH!!!!
Dumagundung ang ingay sa klase at sinimulan nang asarin si Ma'am Keller. Kahit ako napapahiyaw sa tuwa at tinutukso si Ma'am. Hindi naman niya kami sinasaway ni bagkus nakangiti lang siya.
Confirmed! In-love si Ma'am!!! Sinong lalaki ang nakapagpaamo sa puso ni Ma'am??? Grabe siya!
Iba talaga pag tinamaan ka :)
Itinaas ni Ma'am ang kanyang kamay senyales na magsitahimikan ang lahat na siyang pagsunod namin.
"Kaya kayo, kung may pagbabago man nangyari sa buhay niyo, huwag kayo matakot. You have to face it ...
Sabay lingon sa direksyon ko na nakangiti
...and accept it" sabi ni Ma'am Keller at naghiyawan ulit ang buong klase maliban sa akin.
Okay.
What is that for?
Bakit parang ako bigla yung tinamaan?
Pati ba naman si Ma'am Keller tulad na ni Gie? O_____o
------
Kaya kayo, kung may pagbabago man nangyari sa buhay niyo, huwag kayo matakot. You have to face it and accept it.
Umuulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Ma'am Keller sa klase kanina. Saktong nakatingin pa siya sa direksyon ko kaya hindi ko rin maialis ang ideya na para sa akin yung sinasabi niya.
Paki-explain nga to writer kung bakit ganun! Pati ba naman si Ma'am nahalata yung pinagdadaanan ko? sobrang obvious ba na parang nakasulat na ito sa mukha ko? Paki-explain nga T.T
Napayuko na lang ako sa lamesa. Gusto ko sanang sumigaw pero hindi pwede dahil nasa library ako.
"Where's my assignment?" pagsingit ni Anthony at saka siya umupo sa harapan ko.
Napasimangot ako. Isa pa to eh! Ang galing talaga nito tumayming mang-asar! Kainis! -.-
"Gagawin ko pa lang, okay"
"What? Mamaya na ipapasa yun ah"
"Don't worry, maibibigay ko yun sa'yo before magklase"
"paano ko mababasa yun ginawa mong assignment para sa 'kin kung hindi ko makukuha ngayon?" Irita niyang sabi.
"Wow, inaaral mo rin pala?" I said sarcastically.
"Yeah. Baka may mali na naman ako makita sa ginawa mo. Mahirap na"
EH BAKIT HINDI KAYA NIYA I-TRY GAWIN ANG SARILI NIYANG ASSIGNMENT!!! ANG PERFECT EH! -.-
"Give me that after 20 mins." at saka siya tumayo.
"W-what??? w-ait..."
Agad kong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan itong umalis.
Medyo nabigla naman siya sa ginawa ko.
Pilit niyang hinatak ito ngunit mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Bigyan mo naman ako ng isang oras para gawin yun" sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.
Magsasalita pa lang sana ako nang bigla may nagsalita na isang pamilyar na boses sa likuran ko.
"Ash?"
Mula sa akin ay tumingin siya sa magkahawak kamay namin ni Anthony.
Oh my!!!
Of all people, bakit si Vince pa ang nakakita sa amin dalawa??? WHY???!!! BAKIT???!!! T.T
---***---
Author's Note:
May kilala ba kayong Prof. tulad ni Ma'am Keller
Ang cool pag meron ;)
Natagalan ata yung pag-u-update ko nito. May pinapanood kasi ako bagong series ng anime :) Kung gusto niyo malaman yung mga napanood ko na, basahin niyo yung ginawa kong reviews sa wattpad. Haha XD
Malapit ko na i-post yung fan fic story ko for Aldub. Abangan niyo po ah ;)
Salamat ;)
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...