<Ashley's POV>
"Ipaalala mo nga ulit sa akin Gie kung bakit ko ito ginagawa?" tanong ko sa kanya na ngayo'y abot-tenga ang ngiti.
"Para sa kinabukasan mo, Ash"
Napabuntung-hininga na lamang ako.
"H'wag mo kalimutan yung plano natin ah? Bukas na ang Intrams. Ito na yung perfect timing natin" pagpapaliwanag niya.
Tumango ako bilang pag-sang-ayon pero hindi pa rin ako komportable sa naisip niyang plano.
"Mauna na ko sa klase ko. Balitaan mo ako ah" pagpapaalam niya.
"Okay"
Tumungo na rin ako sa aking klase.
Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Gie kahapon hanggang sa makarating ako sa aming silid.
Napansin ko ang pagtahimik ng aking mga kaklase. Hinayaan ko lang ito at dumiretso sa aking upuan.
"Ashley! Anong meron?" bungad na tanong ni Gina.
"Huh?"
"Ang ganda mo, bagay sa'yo yung ayos mo ngayon"
Medyo natigilan pa ako saglit sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha.
"S-salamat" tugon ko
May mga iba pang lumapit sa desk ko upang makipag-chikahan. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganitong usapan tungkol sa pagpapaganda. Mas sanay ako sa usapang assignments at any related sa pag-aaral.
Natigil ang chikahan ng pumasok na ang professor namin.
-------
"Magugustuhan kaya niya?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng comfort room sa school.
Ang dati kong mahabang buhok ay hanggang balikat na lang ang haba at pinakulayan namin ito ng brown. Nagmukhang maaliwalas at blooming ang mukha ko sa pag-apply ng light make-up sa akin ni Gie. Manicure, pedicure, nagpa-wax sa binti at kili-kili at iba pa. Bumili rin kami ng ilang set ng damit para bukas sa intrams.
Hayyy. Hirap maging babae. -.-
Lumabas na ako ng CR at tumungo ng library. Ibibigay ko pa ang nagawa kong research study para sa kanya. Huwag naman sana niyang paulitin sa akin! Malapit ng matapos ang deal na isang buwan! Yes! I can finally sense my freedom! :)
Habang hinihintay ko siya sa library, naalala ko yung pinag-usapan namin ni Gie.
( flashback )
"Kumusta?" bati sa akin ni Gie.
"Ayos naman"
"Kayong dalawa ni Vince?"
"Okay lang"
"Paanong okay lang?"
"Ahmmm. Maayos naman kami. Nung isang araw nga hinintay niya ko umuwi at kumain na rin kami after"
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Eh normal naman niyo yung ginagawa, di ba? Teka nga, nagtapat ka na ba sa kanya?"
"H-hindi pa ka--"
"Hindi pa? Dalawang linggo na nung matanggap mo sa sarili mo na gusto mo na siya tapos hanggang ngayon wala ka pa rin ginagawang move?" gulat na tanong ni Gie. Medyo OA ang pag-react niya -.-
BINABASA MO ANG
HE'S MY UNEXPECTED
General FictionShe's not wishing for a fairytale-like love story. She doesn't want to complicate the whole things about loving someone. All she wanted is to love and to be loved. Unfortunately, things didn't happened according to her plans. And things got more co...