CHAPTER 24

18 3 0
                                    

<Ashley's POV>

" ... But, I don't want to see you living on your what-ifs. I want you to face it. I really want to see you be brave..."

Naglalakad ako patungo sa aming room na dala-dala pa rin ang mga salitang binitawan ni Gie kanina.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa gagawin ko.

Itutuloy ko ba? alam kong masasaktan lang ako dahil may gusto na siyang iba. Pero, hindi naman niya alam na gusto ko siya? We're so close and comfortable on each other side. Posibleng magustuhan niya ako higit sa isang kaibigan pag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko  ....

Posible nga ba?

Napahawak ako sa noo ko.

I'm overthinking things now.  I must stop or else I'll be insane.

Pagpasok ko sa room namin, napansin ko ang kumpulan ng mga babae sa upuan ni Natasha.

Tuluy-tuloy akong tumungo sa aking upuan. Sa kasamaang-palad, malapit ang upuan ko sa kanya kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Natasha, kailan kayo nagkakilala nung Vincent?" tanong ng isa.

Imbes na si Natasha ang sumagot, si Rea, yung nag-iisa niyang kaibigan, ang umeksena.

"Since childhood, magkakilala na sila. Gusto niyo ba ikuwento ko sa inyo yung istorya nilang dalawa?" tanong niya na hindi maitago-tago ang pagkakilig para sa kaibigan.

"Oo!"
"Go!!!"
"Bilis sabihin mo na"

"Tumigil ka nga Rea!" pagsingit ni Natasha.

"At kayo naman mga chismosa, magsibalik na kayo sa upuan niyo. Mag-aral kayo at para hindi kayo mangopya mamaya sa quiz" pagtataray niya.

Nabigla ang lahat at nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.

"I can't believe that a smart and nice guy like him will like you, eh ang sama ng ugali mo" sabi ng isa sa mga babae.

Naramdaman ko ang tensyon sa dalawa kaya naman napalingon na rin ako sa kanila maging ang iilan namin classmates.

Nakahawak pa rin si Natasha sa kanyang libro. Walang bakas na anumang emosyon ang kanyang mukha. Hindi ako sigurado kung nasaktan ba siya sa sinabi sa kanya o sadyang wala siyang pakialam.

"Ang tanong girls, alam ba ni Vincent ang ugali ni Natasha? Sigurado pag nalaman niya yun, turn-off na siya agad sa babaeng ito" sabat ng isa.

Alam kong medyo bitter pakinggan, pero nais ko rin malaman ang dahilan kung bakit si Natasha ang pinili ni Vincent. I know na hindi basehan ni Vince ang itsura, kundi ang pagkatao, kaya bakit si Natasha?

"Magsitigil nga kayo! Obvious naman, di ba? Maganda kasi itong friend ko. Palibhasa, insecure kayo sa beauty niya kaya niyo siya gustong siraan" pagtatanggol ni Rea.

Napatigil ang lahat ng biglang tumawa ng malakas si Natasha. Yung tipong yung eksena ay dapat siya ang mukhang api, pero ang lumalabas ngayon ay parang siya ang villain na inaapi itong mga babaeng ito. Yung tawang pang-kontrabida?

Mas lalong nainis ang mga babae sa kanya.

"I bet you are like your Mom, wicked as witch. Kaya nga iniwan kayo ng Daddy mong sikat na basketball player, di ba?"

Kapansin-pansin ang pagpalit ng emosyon ni Natasha. Ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Tatayo na sana ako para itigil ang dalawa ng biglang tumayo si Natasha. Napaurong ng hakbang ang mga babae.

HE'S MY UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon