10:00 am. Miyerkules. Masaya ang paligid sa lilim ng mga bughaw na langit mula sa mga nakapinta sa kisame ng cathedral. Maraming mga bulaklak na alam kong mga paborito niya. Nariyan ang mga bisitang pareho naming gusto makita yung tipong reunion ang dating dahil isa nga yong mahalagang araw. Pero ginugulo ako ng mga tanong na 'Bakit di man lang ako naimbita?' o 'Ba't iba ang suot ko sa kanila?' Alam ko na ako ang ikakasal pero ba't nasa labas ako. Lumapit ako ng ilang hakbang para malaman kung andyan na ba ang taong mahal ko. Isa. Dalawa. Hinihintay pala siya ng lahat na dumating. Alam kong maling mali ang gagawin ko pero ito na lang ang paraan na mapigilan siya sa mga mangyayari ngayon. Sinuyod ang daan hanggang sa makapasok sa lagusan ng simbahan at inabot sa operator ng musika ang bagay na makakapagpaalala sa aming nakaraan.
"Ah Miss, kaano-ano ba kayo ni Sir?", usisa ng operator ng musika habang nag.aayos ng himig sa kasal.
"Isang mahalagang tao ho, Manong. Pwede po bang ito ang magiging entourage song?", pakiusap ko habang humihinga ng malalim.
"Eh Miss, may nakahanda na sila. Teka nga po, baka kabit ho kayo ha..", tugon nito na may pagtataka.
"Parang awa niyo na po, Manong oh....Kahit ngayon lang...", mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Ding. Dong. Ding. Dong.
Napaisip ako na huli na ang lahat kahit mapatugtog pa ang susi na maalala niya ako. Ang lakas ng mga kampana ay hindi mapantayan ang kaba na ni minsan di ko mawari. Pero ika nga nila, magaganap talaga ang mga bagay na minsan di mo naisip na mangyayari. Nakapaglakad na lahat ng may gayak hanggang sa di inaasahan sa sumpaan nila ay biglang napahinto ang lahat. Lahat ng mga mata ay nasa operator. May galit. May nagtataka. Ugong ng mga naputol na pagsasaya ang narinig ko habang nakatago sa isang sulok.
🎶 Pwede bang ingatan mo siya
Mga bagay na di ko man lang nagawa nung kami pa
Bawat larawan nyo na magkasama
Ay may mga ngiti nyo na higit nung kami pa 🎶
"Hon...anong nangyayari sayo?" tanong ng babaeng nakabistida.
"Kilala ko ang tinig na'to...Di ako pwede magkamali..", tugon ng lalaki.
"I don't understand, Lance... I know you're troubled but please huwag naman sa araw ng kasal natin.." pakiusap ng babae habang lumuluha.
"Hindi...hindi..hmmm....arghhh..." sigaw nito.
Gulat na gulat ang lahat kung bakit biglang nakaramdam ng sakit si Lance sa kalagitnaan ng seremonya. Ni ang pari ay nagugulumihanan sa mga naganap. Andito nga ako at nakikita ko pero parang sinasabi ng puso ko na kailangan ko syang puntahan. Dahan-dahan. Paunti-unti pilit akong dinala ng aking mga paa sa dambana kung saan naroroon siya. Maingay. Magulo. Ang alam ko sa sarili ko... ako dapat ang kasama niya ngayon hindi ibang tao na mula sa nakaraan niya. Nakilala ako ng mga magulang niya. Nakilala ako ng babae sa dambana. Niyakap ko sya ng mahigpit. Yakap ng pananabik. Yakap na ni minsan di ko ipinagkait.
"Naalala mo pa ba ako?" tanong kong may paglalambing habang pinipilit na di maluha.
"Bakit ngayon pa....? Please lang girl. Kasal namin ni Lance. Umalis ka na!", galit na tugon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...