Dalawampu't Isa

16 0 0
                                    


A/N: So ayan! May naunlock kayo na connection sa mga characters natin. I won't spoil you basta tune in lang for further episodes. I love you, lovelies! Stay safe po always. Follow and obey! 😘😘😘

LANCE POV

Ano ba talaga ang tamang paraan para makapagpropose ng maayos? Does she likes it in front of the public or somewhere else? Nalilito na ako kung saan ko ba dapat gawin ang proposal para malaman niyang seryoso ako sa kanya. Buti na lang at wala masyadong consultation ngayong araw at makakapag-concentrate ako sa plano ko sa kanya. I tried browsing tips and I found na tanging Kuya niya lang ang makakasagot sa pwede kong lapitan tungkol sa mga favorite niyang bagay. I dialled the caller number of her brother and waited for his reply.

"Hello? This is Doctor Larrazabal, how may I help you?" ika nito.

I gulped. "Ah eh. Good day, Doc. Si Doc De Leon ito. Pwede po bang magtanong?"

"Oh De Leon, may kailangan ka?" tanong nito. Naku, Kuya...malaking pangangailangan ko sa'yo. "Ba't natahimik ka?" dugtong nito.

"Uhmm anong gustong bagay ni Abby?"

He laughed and asked seriously. "May plano ka bang ligawan kapatid ko?"

" Opo. Ang hirap kasi kung papaano..." pag-amin ko.

"Simple lang yan si Abby. A pack of gummies and a teddy bear will do." tugon nito.

Gummies at teddy bear lang? My gosh. Am I courting an 11-year old child? Nakakatuwang isipin na sa edad niya ay mahilig ito sa pagkaing bata. His brother helped me on how to be more close to Abby. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya at sa kanilang pamilya. Hay! I better think more of what am I going to do. Nagpaalam na rin ako sa Kuya niya at bumalik na sa trabaho. Napag-isip ko din kung papaano simulan ang panliligaw sa kanya.

ABBY POV

" Ang ganda naman ng bracelet mo ah..." papuri ni Lourd. "Eto ba yung sinasabi mo na isinauli nung sumuntok kay Doc Lance?" dagdag nito.

"Oo. Bagay ba?" tanong ko.

She smiled. "Oo naman. Gumanda ka lalo." ayon kay Lyn.

"Maam Ganda...? Maam Ganda??? May delivery ka?" tugon ni Chief Jose.

"Kanino 'to galing?" tanong ko.

He smiled. " Naku Maam Ganda wag ako ang tanungin mo." sabay balik sa poste nito.

Isang card ang nakasalampak rito.

"You are one of a kind. So beautiful and soon to be mine. Good morning, beautiful." 

-R. L.

"SANA ALL!!!" tukso ng mga kasama.

Ayyyy! Pasok! Eto talagang si Lance...Nag-abala pa. I'm not a fan of bouquets pero isa 'to sa mga bouquets na paborito ko apart nung debut ko sa Bali. Di talaga nakalimutan na may gummies at stuff teddy bear. Paano ba makakalimutan ang Stick O? Ang cute naman ng niregalo sa akin. Hay naku! Kaka-inlove naman. Sumagi sa isip ko kung kanino niya nalaman ang gusto kong bagay. Baka naman tumawag kay Kuya. Ay basta! Masaya lang ako. Nahinto ang lahat nung dumating si Maggie, yung ex niya. Tinulungan ako ng mga kasama kong itago ang mga regalo sa loob ng station pantry ngunit may naiwan pala kami na bakas na napulot niya sa sahig. Puno ng kaba at takot ang puso ko baka masaktan siyang lalo.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon