Ikalawa

24 0 0
                                    

"Dr. De Leon...may conference daw ho kayo kasama ang team sabi ni Dr. Santos." sambit ni Nurse Marie.

"Sige papunta nako." sabi ko.

Di ko maalis alis sa isip ko ang bawat galaw niya nung nandun pa ako sa venue ng event. Paano siya naging ganun kagaling sa isang Art Festival? Hay napakajudgemental ko naman ata kung ganito ang iniisip ko sa kanya. Huminga na lamang ako ng malalim at pilit kinakalimutan ang mga nangyari.

"May chismis ako..." magiliw na bati ni Nurse Doneth sa mga katrabaho.

"Ano yun, Mare?" tanong ni Nurse Alma.

"Di lang halata na chismosa noh? Oh pagkain." inis na sabi ni Nurse Lourd sabay bagsak ng curly tops sa lamesa.

"Nabalitaan kong may conference sila Dok Lance. Eh alam mo na...si girlfriend ang leader.. " dugtong nito.

"Alam ko na ang susunod dito. Mag chuchungkang chenes sila." biro ni Nurse Lyn habang humihigop ng sabaw.

"Chungkang chenes ka jan! May pasyente ka pa sa ward 1." putol ni Nurse Princess sa usapan.

Dinig na dinig ang mga bulungan na pilit binabago ang mood ko ngayong may emergency sa ospital. Gusto ko sanang magalit pero bilang doktor ay dapat kalmado ako kahit panay chismis na ang nasa paligid. Di ko napansin ang mga pagbati ng aking mga pasyente habang nagmamadali akong pumaroon sa conference room. Bakit ba kasi sa ganitong oras pa magpatawag kung dapat ay may rounds akong gagawin sa pediatric ward. Pirma dito. Pirma doon. Lahat talaga ay abalang-abala sa nalalapit na operasyon ni Mr. Do, ang CEO ng Do Hwa So Corporation. Tensyonado ang lahat sa mga paghahanda nang biglang sumagi ang larawan ni Abby sa isip ko. Darn it, Lance! Bakit ngayon pa?!

"De Leon!" galit na tono mula sa gitna ng hall.

"I'm sorry po, Dr. Cruz. Nag.iisip lang ako ng maigi." sagot ko rito.

"Bukas na bukas ay dapat kumpleto na ang preparasyon para sa operasyon. Chief Nurse Flores, sino ba ang mga nurse na mag.aalaga sa pasyente?" tanong ni Dr. Gregorio.

"Gaya pa rin ng dati, Doc. Syempre si Lena lang ang maasahan ko kahit nung dati pa. May makakasama naman din sya sa shift kay Mr. Do." tugon ni Chief Nurse Mylene.

Natapos ang usapan ng tahimik na iniwan akong nabibighani sa kung ano at sino si Abby. Of all the nurses, talaga yatang magaling ang standard ng pagseserbisyo niya. Halata naman sa kanya ang pagiging masipag. Ano bang ginawa ko sayo Abby at nagkakaganito ako? Nakakakonsensya dahil sa may girlfriend ako pero kailangan kong kumapit sa katotohanang nakatali ako. At yun ang tama. Lumipas ang araw at bumati ang gabi. Nagawi ako sa nurses' station nang naaninagan ko ang mukha niyang papasok sa ospital.

ABBY'S POV

Katangahan ko na naman at naiwan ko ang ID ko. Buti na lang at mabait si Kuyang guard kahit wala ang ID ko. Shift ko na ulit at may mga panibagong pasyente. Naaninag ko ang mga ngiti ng aking mga kasama na dinig ang chismisan nila sa mga crush nila sa ospital. Biruin mo namang di sasaya eh kasama nila si Bogart o kilala ng lahat na Domingo Sanchez. Masaya ang bawat araw ng trabaho na sila ang nakakasama ko sa kabila ng katotohanang maraming namamatay sa karamdaman. Normal ulit ang operasyon ni Lourd sa kanyang mini tindahan sa nurses' station. Ganun talaga siguro pag 5 ang anak. Ang daming sideline. Walang kamatayan din ang pagche.check ni Fijie sa mga vials dahil nga medtech ito. Ang problema lang sa aming magkakaibigan. Mga pinagkaitan ng love life di gaya ni Nelma at Sarlet.

"Hulaan ko may hinahanap ka ano?" tanong rito.

"Ano ba?! IKAW?!" gulat kong sagot.

"Nice to meet you, Ms. Stick-O." bati nito sabay ang isang matamis na ngiti.

"Stick-O?! So nag.ganun na kayo?!" bulalas ni Bogart na ginulat kami.

"WALA!" sabay naming sagot.

"Hoy kayo jan! Magduty na kayo." utos ni Head Nurse Maricar.

"BFF!! Later na at may chismis na naman dito." sagot nito.

"BFF, oras ng duty ngayon. Later na tayo magchismisan." mahinhin na tugon kay Bogart.

Umalis ako sa nurses' station na mapula-pula ang pisngi. Ano ba naman kasi siya!? Dapat namili naman sya ng oras na didistorbuhin ako. Abby...isipin mong may mga pasyente ka pa na aalagaan at you don't need to be stressed. Si Bogart naman kasi. Well kahit ganun pa yun eh mahal ko sya kahit paano. Bumati sa akin si Dahlia na matagal ko ng pasyente sa ospital. Masaya siyang kumakain kasi nga dalawang araw na lang ay madi.discharge na sya mula sa ilang taong admission nya sa cancer. Marami akong natutunan kay Dahlia tungkol sa mga bagay-bagay na malaki ang naitulong sa trabaho ko.  Natapos ang rounds ko ay naisipan kong magpahinga sa nurses' station habang hinihintay ang bulalo na order ko kay Lourd. Bumati sa akin ang katahimikan ng gabi habang tinitiyak ang pagkakaayos ng detalye sa report ko sa patient's chart.

"Hello, Miss ganda...." bati ni Manong Berto.

"Manong Berto naman... kayo po talaga. Oh nagawi kayo rito sa station. May problema ba?" tanong ko.

"May nag-iwan nito at sabi sa akin ni Edgar yung gwardya na ibigay daw sayo. Naku ganda... may nagkakagusto sa'yo." pabirong tugon ni Manong.

"Ikaw talaga Manong. Dahil dyan, oh eto po. Bulalo. Hati na po tayo. Mamaya na ako sa pantry kakain nito." sagot ko rito habang iniaabot ang mug na may bulalo.

Iba din si Manong Berto kung minsan mang-asar. Resulta nato na sya yung palaging napagtitripan ng mga taong torpe para maghatid ng sulat sa mga crush nila. Tila pamilyar sa akin ang kulay ng lasong nakatali sa sulat. Binuksan ko ito ng dahan- dahan at nakita ko ang hinahanap ko. 'Yung nawawala kong ID. Di naglaon ay may isa pang sobre ang nakita ko sa may pinto.

"Sorry pero kailangan ko 'tong gawin para malaman mong nakokonsensya ako sa di pag balik ng ID mo sayo. Follow the arrows, baby girl." -Lance"

Ako yung tao na hindi mahilig sa mga surprise kasi masyadong corny pakinggan. Pero di ko na pala namalayan na nagugustuhan ko ang ginagawa niya ng bumungad ang kanta ni Tyga na 'Something New'.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon