Dalawampu't Siyam

10 0 0
                                    


LANCE POV

🎶Desmond has a barrow in the marketplace

Molly is the singer in a band

Desmond says to Molly, girl, I like your face

And Molly says this as she takes him by the hand🎶

Ano kayang plano ni Ate at bakit pinatawag agad si Abby? I understand naman kung dahil nga kina Mommy at Daddy but I bet parang may ibang pahiwatig si Ate tungkol dito. I feel in awe for Abby since pareho kaming walang alam sa pa.surprise ni Ate. Kung pa-surprise eh sana naman yung matino din. Mahilig kasi si Ate sa mga pa.surprise kahit ang layo o wala sa okasyon. Abby was just so calm habang binabaybay namin ang daan papunta sa village. She was watching the sceneries as we passed by the long road to home. I love looking at her when lights passed by her creamy skin. Yung parang bumaba sa langit ang diwata na nagbabantay sa buwan. How lucky I am to have her as my girl? As soon as we arrived, napansin kong para siyang kinakabahan while bringing a gift.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

She smiled. "Actually hindi ko alam paano sagutin yan pero sana maging okay ang lahat..." masaya niyang tugon.

Ate Tatiana greeted us home and welcome Abby.

" Hi Ate. How are you?" sabay beso-beso.

"You look so radiant, baby girl." bati ng Ate ko. "Ano ba yang dala mo?" dugtong nito.

"I brought a tray of baked california maki Ate. I hope you are fond with Japanese cuisines." she replied confidently.

Binuksan ni Ate ang tray at nasiyahan. "Ikaw ha, you know me na...May craving ako dito lately." pag-amin ng Ate ko.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kay Ate. Kung naglilihi siya ibig sabihin, buntis ulit siya? Ay, grabe talaga ang produksyon ng bata ha. Di pa nakuntento sa kambal.

"Ah Ate...wag ka sanang magalit?" tanong ni Abby.

"Ano yun?" tugon nito.

"Sa tingin ko ay buntis ka po." bulalas ni Abby.

My Ate just chuckled. "Hindi naman. Normal sa mga babaeng malapit na ang menstruation. May cravings." sagot nito habang dinadala kami sa kusina.

We met Mom and Dad back after years na hindi kami nagkita-kita due to the busy schedules na meron kaming magkakapatid. They still look the same kahit matatanda na sila but I'm amaze is that nothing changes in their bond.

"Mee and Dee meet Abby...my future wife..." pakilala ko. Cringy yet true, I thought.

"You are so lucky boy!" asar ni Daddy.

"Napakagandang babae. And her eyes...so adorable. I'm Mommy Sienna and my husband Daddy George." tugon ng mga magulang ko.

"Nice to meet you po." sabay mano sa kanila.

"How polite of you baby girl..." papuri ni Mommy.

"Have a seat, darling..." aya ng Daddy ko.

She smiled in agreement. I felt just so happy though wala to sa mga plano ko but I'm glad that my parents love her dearly.

"Ikaw ba ang nagluto nitong dish na dala mo, ija?" tanong ni Mommy habang kumakain.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon