ABBY'S POV
Bumuhos ang ragasa ng malamig na tubig sa aking tulog na gunita. Kuskos dito. Kuskos doon. Oras ay unti-unting lumilipas hanggang sa makapaghain ng agahan sa lamesa. Eto na naman ako, biktima ulit ng palaging dahilan ng nanay ko na mali-late ako kahit 5:30 pa ng umaga. Oh di ba masaya? Isang panibagong araw na naman ng pakikipagbaka sa buhay. Well, alam kong natatanong niyo kung single ako. Oo at wala akong problema du'n. Sabi nga nila, it's worth the wait. At sa paglabas ko at pagpunta sa MRT station, naalala ko ang bawat yugto ng panaginip ko. Pamilyar sa akin nung simbahan kasi doon ikinasal ang Ate ko pero bakit pilit na ipinaalala sa akin na nakita ko na ang lalaking yun. Ay! Siguro guni-guni ko lang. Isipin mo nalang, Abby... you'll shine today sa Art Festival! Sa bawat tingin ko sa kanan at kaliwa, bigla akong napaisip... Nagkakatotoo kaya ang mga panaginip?
"Uhmmm Miss may mali ba sa mukha ko? tanong ng lalaki.
"Ah eh kasi...." tugon kong may pagtataka.
Teka nga sandali! Di ba nga sabi nila pag nakita mo yung napanaginipan mo eh may misyon ka na kasama niya. Weh, Lord? 8 hours naman akong natulog ano pero bakit ako inuulirat. Duty pa ako, Lord.
"Alam kong gwapo ako pero wag mo namang ipahalata.", biro nito.
"Jusme! Kahit ikaw pa si Captain Ri o si DJ Loonyo... Pero, infairness Lord...may chance.", sa isip ko. "Mahangin ano?" sumbat ko habang kumakain ng Stick-O sa biyahe.
"Ayyy oo naman. Naka AC ang bagon eh.", pabiro ulit nito.
"Mahal nga ang bayad eh." inis na sagot ko.
"Buti pa ang bus noh. May mahal. Samantalang ako, may mahal pero ewan ko kung mahal ako." sagot niyang may pinanghuhugutan.
"Sa tingin ko, gutom ka lang noh. Sayang at nilalang ka pa naman ng Diyos. Kain ka. Mawawala rin yang iniisip mo.", tugon ko habang inaabot ang lalagyan ng Stick-O.
LANCE POV
Tinignan ko ang lalagyan ng Stick-O habang hawak niya ito. Naiisip ko na grabe ang kapit niya sa mga matatamis. Well, baka ito yung favorite niya. Sana naman siguro napansin niyang doktor sa atay ang kaharap niya. Pero napakaganda ng mga kamay niya. Ehem! Lance, maghunus-tili ka. May girlfriend ka na po ano. Doktor ka pa naman. Infairness naman sa babaeng ito na kahit ang takaw niya sa Stick-O...para siyang anghel sa langit. Maputi. Balingkitan. Feeling ko nasa 5'5 ang height niya. Matang nakakaakit. Dumampot na lamang ako ng dalawang piraso at saka nagpasalamat sa kanya. At habang binabaybay pa namin ang daan papuntang Ortigas ay di ko maiwasang tignan sya ng palihim na tila ba kilala ko na sya pero di ko lang alam kung saan.
"Miss, anong trabaho mo?" tanong ko habang kumakain.
"Masamang magsalita pag puno pa ang bibig. Sa tingin mo anong trabaho ko?" malumanay niyang sagot.
"Painter?" hula ko.
"Painter talaga ano? Oo nagpipinta ako pero hindi yan ang trabaho ko." tugon nya sabay inom ng tubig.
Sana tubig na lang ako sa tumbler niya. Ano bang iniisip mo Lance?! Uulitin ko pa bang may girlfriend ka na?! Pero ang ganda niya kasi. May class naman 'tong babaeng ito at saka marunong pa magpaint. Siguro naman nakarating na ako sa lugar na bababa ako.
"Narito na po tayo sa Ortigas Ave. Lahat po ng pasahero na para Ortigas Ave. ay maaari ng bumaba." ika ng operator.
Lumingon ako kung saan sya naroroon pero wala na sya. Hindi niya alam na sa bawat galaw niya kanina ay pilit itinatatak ng utak ko ang kagandahan niya. Naiwan niya ang ID niya. Tumakbo ako ng mabilis upang masundan sya hanggang sa naabutan ko ng nakapila ang sarili ko sa entrance ng SM. Ano naman ang gagawin niya sa SM? Pilit kong sinundan sya kahit alam kong dapat nasa ospital na ako sa pagkakataong ito. Ang lakas ata ng tama ko sa kanya. Ilang sandali pa ay nahanap ko ang sagot sa mga tanong na kanina ko pa gustong masagot.
"Let us welcome our guest for this event, Ms. Lena Abigail Rain Monreal..." bati ng magiliw na babae.
"Thank you, Zeny.." sabi nito.
Pinapapakinggan ko sya sa kanyang pagtatalumpati. Hindi pala sya ordinaryong tao. Ang ganda ng sinasabi niya sa mga batang kaharap niya. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit niya piniling mag MRT kung mayaman siyang tao. Tinignan ko ang ID niya. Isa syang nurse sa St. Luke's Medical City. What?! So, pareho kami ng ospital? O tukso, layuan mo ako. Lord naman! Last nato. Kinapa ko ang likurang bahagi ng ID at napansin ang Happy peanuts na may sticky note.
"Alam kong maiiwan ko ang ID ko dahil sa pagmamadali. Salamat. Kainin mo yung mani bilang pasasalamat. - Abby"
How clever she is. So clever. Abby, what did you do to me?
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...