Tatlumpu't Dalawa

10 0 0
                                    


A/N: Hello, lovelies! Kumusta po kayo? I hope you are.all safe in this time of pandemic. Be safe po tayo lagi. Again po, thank you sa aking mga avid readers na laging tumatangkilik sa ating storya. I hope I could serve your palate more. If you have scene suggestion, wag mahihiyang lumapit! Love you all! 😘😘😘😘

"Gabriel Sandoval....Gab, anak..."

Napatingin kaming lahat sa taong nasa may pinto ng cafeteria. Nagulat din ang gwardyang tagabantay kung sino ang taong ito. Tinanong ito ng mga mahahalagang impormasyon mula sa bukana ng cafeteria hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ng magkasintahan. Ngumiti siya rito at para bang kilalang kilala niya si Lance. Natahimik ang lahat ng nasa cafe hanggang sa nagsalita ang babaeng ito.

"Ah eh sino po kayo, Maam?" tanong ni Abby.

Ngumiti ito. "Ako nga pala si Alaia Georgette Sandoval. Ako ang Mommy mo, Gab." pag-amin nito.

"Ha? Sorry po pero hindi ako yun. I'm Dr. Lance De Leon and this is my girlfriend, Abby Monreal." pagpapakilala ni Lance.

"Pasensya na. Siguro ay kahawig ka lang ng anak ko." malungkot nitong sabi.

Napakamot si Lance ng ulo. "Paano niyo nasabing anak niyo ako, Maam?" 

"Pareho kayo ng mga mata tapos nakikita ko ang Daddy mo sayo." sagot niya.

"Uhmm Maam, patay na ba ang asawa niyo?" sabat ni Bogart.

Kinutusan ito ni Lourd sa inis. "Pepektusan talaga kita pag di ka tumigil dyan. Ah eh Maam, okay lang po ba kayo?" tanong ni Lourd sa ginang.

"Siguro'y namalikmata lang ako. Pasensya ka na talaga iho ha. Aalis na ako."

Naiwan ang bawat isa sa malaking palaisipan na biglang ikinatulala ni Abby sa tabi.

ABBY POV

🎶You tried to break my heart?

Oh, that breaks my heart

That you thought you ever had it

No, you ain't from the start🎶

"Okay ka lang, ganda?"

I smiled back to him. "Okay lang ako. Medyo nabigla lang." I admitted.

"Naku, ang mabuti pa ay mag-timeout na kayo at maghanda para sa flight niyo. Nakaleave naman kayo today at bukas. " tugon ni Maricar habang kumakain.

Nagpaalam na kami sa barkada bago umalis. Biglang sumagi yung minsang inaamin ng Ate ni Lance na ampon ito. Nag-aalala lang ako para kay Lance kahit may alam pa ito tungkol sa nakaraan niya. Hay! Ba't ngayon pa na ang lapit na naming umalis for deployment? I need to clear my mind muna at baka madistract pa ako. Iisipin ko na lang ang mas mahalaga sa ngayon at ang deployment assignment namin yun. Narating namin ang mall at bumili ng mga kinakailangan namin. Tumambad sa amin si Maggie na sa tingin namin ay buntis. Nagkatinginan kami ni Lance at napaisip kung pakulo lang ba ito o sadyang minamalas nga kami sa mga oras na ito.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon