Ikalima

15 0 0
                                    

To the Angel that suddenly captured my heart,

I wish I know how to say this things to you in person. Pero siguro sapat na yung ganito while admiring you from the distance. I maybe wrong but all I know is I feel alright when you are around. Lena or Abby, I'm glad to know you. I do. Never leave your face with a frown. Always shine.

P.S. I hope you like my gift at the right side.
        See you soon.
        Je tai'me, mon ange.

   
                                                                             - L

What is going on with the both of us? Ito ang tanong na pilit kong sinasagot sa aking isipan habang nakatingin sa kawalan ng aking silid. Admiration is a good matter to save but if knowing the truth apart from this bounces back to you...siguro ay hindi na rin nakakatuwa. Pero kahit gaano ko man iwasan si Lance, fate find ways to bring us both. I appreciate his efforts sa pagsusulat ng ganito but I'm not expecting anything from a man who has a girlfriend. Nakapa ko na lang ang isang bagay na nasa attachment ng card. Isang CD. Infairness naman din sa kanya at nakuha pa niyang gumawa ng ganitong pakulo kahit nakatali na siya. If this is insanity, its taking me with him. Dahan-dahan na pinatugtog ko ang ibinigay niyang CD na may lamang 15 songs. Siguro ay baka siya pa ang kumanta. 'Wag naman noh. Bawal judgmental friend ha! I guess he is a talented man of his own moves.

🎶They see that we did that (yes)

It's so true that (yes)

We've been through it (yes)

We got real shit (yes)

See baby we've been...🎶

He knows how to lure women to adore him. Kaso ang problema nga eh ay ang timing. He's with Maggie and I just got broke up few years ago with Zeus. It's just too crazy to know that someone exerts effort like this. Someone attached to someone else.

🎶Too strong for too long (and I can't be without you baby)

And I'll be waiting up until you get home ('cause I can't sleep without you baby)

Anybody who's ever loved, ya know just what I feel...🎶

Knock! Knock! (3x)

"Hmmmmmph...Sino yan?", tanong ko.

"Mare, duty na tayo. Operation day ngayon ni Mr. Do", malumanay na sagot ni Alma.

"Anong oras na ba?", sambit ko habang kinukusot ang mga mata.

"4 am pa naman. Agahan na natin kasi maraming tao sa MRT. Hirap na pag pipila pa tayo.", tugon nito.

Nakatulugan ko ang himig na ibinigay niya sa akin at di ko namalayang mag.uumaga na. Panibagong araw na magbanat ng buto. Panibagong araw kung saan pagtatagpuin ulit kami ng kapalaran sa iisang lugar. Di lang pala kami. Kaming apat. Ang hirap isipin na kahit alam mong umiiwas kang magtagpu-tagpo kayo ay pilit pa rin kayong pagtatagpuin. Totoo nga talagang napakaliit ng mundo. Dumaan ang ilang minuto ay tinahak na namin ang daan papunta sa istasyon. Normal pa rin ang mga tanawing nakikita namin sa mga bangketa at sa kalsada. Pinakinggan ko ulit ang ibigay niya. Hindi ko alam kung hinahatak ako o sadyang nahuhulog na ako ng paunti-unti.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon