Labing Isa

16 0 0
                                    


ABBY POV

"Anooo?! So you mean pareho kayo ng tattoo ni Doc?" gulat na tugon ni Bogart habang kumakain ng bulalo.

"Paulit ulit Mare...Ulit lang?! Ayan napala mo sa kakaisip sa crush mo. So, may nakakita sa inyo dun?" bulalas ni Mylene.

"Oo. Pero pasalamat na lang ako sa Ate niya." tugon ko sabay dampot sa garlic bread.

Weeeee!!! Weeeee!!! Weeeeee!!!

"Lumilindol ba?" tanong ni Nelma.

"Lindol? Baka may drill lang." hinuha ni Fijie.

"Lahat po ng mga medical at non-medical crew ay mangyaring pumunta sa evacuation vicinity para sa ating drill ngayong araw." anunsyo ng EUO.

Normal sa mga companya ang magsagawa ng mga useful drills when it terms to occupational health and safety. Nakakapagtaka lang kasi ang kadalasang drills ay may mga equipments pero ngayon bakit wala ni isa mula sa safety department. Lumipas ang ilang oras ay dumating ang may-ari ng ospital na si Mr. Tan. Sa loob ng ilang taong pamumuno niya sa ospital, hindi namin naranasan na masyadong mabigat ang pagtatrabaho. Swerte sa lahat si Mr. Tan lalo na sa mga non-medical team. Well, Bigla kong naalala na anniversary month ngayon. Siguro ay may maganda itong balita sa amin.

"Good morning... Nagtataka kayo kung bakit wala drill ngayon?", pakiwari ni Mr. Tan. Sumang-ayon ang lahat ng mga trabahador. "Dahil sa anniversary month natin ngayon ay iniimbitahan ko kayo sa Anniversary Ball ng ating ospital. Dapat lang na masuklian ang lahat ng inyong pagpapagal mula sa mga mahal kong non-medical crew lalo na si Nong Berto." dugtong nito.

"Abby...." pagtawag niya.

"Oh andito ka pala...anong kailangan mo?" tanong ko habang kumakain ng Stick O.

"Hilig mo talaga sa Stick O. Sya nga pala may isusuot ka na ba?" usisa nito.

"Marami akong pwedeng masuot, Lance." tugon ko.

"So see you po sa last Friday ng buwan." paanyaya ni Mr. Tan.

Balik trabaho ang lahat matapos ng mahalagang anunsyo. Nakakagulat marinig si Lance na pati damit ko ay inaalam niya pa. Iba yata talaga pag mayaman ka. Laking pagtataka ko kung bakit ganun na lamang si Lance kung makaasta. Mas lalo tuloy akong nakukunsensya na hindi nya alam ang pagtataksil sa kanya ni Maggie kahit kailangan ko ng sabihin yun.

"Ayos ka lang? Para ka yatang sinabuyan ng tubig.." pabirong tanong ni Fijie.

"Hindi eh. Nakukunsensya ako, Fijie."

"Ha? Ikaw naman kasi...bakit bigla na lang napalapit loob mo sa kanya? Not to offend you, bunso...I think you need to do the right thing. Yun ay ang umiwas." sabay tapik sa balikat ko.

All I do was just to let out a big sigh. A sigh of discomfort.

LANCE POV

One email received from Via Mari

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon