Labinlima

17 0 0
                                    

A/N: Sa mga mambabasa na nagtataka tungkol kay Klein na tinatawag na Yohan..Malapit niyo na pong malaman kung bakit may changes sa kanya. I would like to dedicate this chapter sa aking friends esp. to @lourdyroyal and CheneeUmandac sa kanilang mga idea. Stay tune po lagi and STAY SAFE, lovelies. 😘😘😘

ABBY POV

"Kurdapya! Bakit ka na naman nakatunga-nga?" pangingistorbo ni Maricar rito.

"Ate Cai...May damit ka ba na maganda?" tanong ko habang inaayos ang chart ng mga pasyente.

Sinapok ako sa ulo ni Lourd. "Pareho ba kayo ng size? Small ka tapos magsusuot ka ng Large...Pambihira! Wala ka talagang fashion sense." bulalas nito.

"At ano bang akala mo kay Mamang?! Maka-large ka ha wagas... May damit yan na nasa baul." biro ni Alma.

"Halatang matanda na ako noh...Sa bagay, magkakasya yun sayo pero...Para saan mo gagamitin?" paguusisa nito.

Pumasok bigla si Bogart sabay abot ang isang kahon na kulay rosas at may pumpon ng sunflowers sa taas nito.

"Delivery para sa hindi maganda!" anunsyo ni Bogart.

"Lalo ka na!!!" sabay sabi ng tatlo.

Hinablot bigla ni Lourd ang card at binasa ang sulat rito na malakas. Abot yata sa may pharmacy ang lakas ng boses nito. Bigla ngang napahinto si Nong Berto na naglilinis ng sahig malapit sa aming istasyon. Nang matapos basahin ni Lourd ang sulat ay nagpalakpakan ang mga nakakarinig na malapit roon.

"Naku, Miss Ganda... magpaganda ka talaga..." asar ni Nong Berto.

"Nong Berto maglinis ka na baka sabunutan ka ni Kuya Guard." saway ni Lyn.

"Kaya ka pala naghahanap ng damit...Pero ang tanong..." napahinto bigla si Marie sa pagsasalita.

"Sure ka bang hiwalay na nga sila ng jowa nyang espasol?" dugtong ni Donna.

"Boom, walang daplis." tugon ni Bogart.

Naiisip ko din naman ang mga pag-aalala ng mga kaibigan ko. Hindi naman mai-aalis ang katotohanang sila pa sa kabila ng pag-aanyaya niya sa akin na lumabas kasama siya. I don't know what is his thoughts on this pero pakiramdam ko rin din namang sinusuklian niya yung panahong inalalayan ko sya sa buong gabi nga pag-iiyak niya sa sakit. Nang matapos ang shift namin ay umuwi na kami sa bahay para maghanda. Tinulungan naman ako ng mga kaibigan kong mag-ayos.Sa tulong ni Bogart ay nagmukha naman akong tao. Kung di niyo alam, siya lang naman ang umaayos sa mga make up namin pag alam niyang faded na ito. At nang matapos ang lahat ng seremonyas ay inihanda ko na ang sarili ko.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon