ABBY POV
"Mareeeeeeeee!!!!!!" sigaw ni Marie habang sinasalubong ako sa hallway.
Napangiti ako nang madatnan si Marie. "Eto medyo napagod. Kumusta?" pagtatanong ko.
"Eto tumatagay kami. Sali ka?" anyaya ni Lourd.
"Ano ba yang tinutungga niyo at ba't may Yakult?" pagtataka ni Alma.
"Soju?" tanong ko.
"Bilis! Shot na!"
Nagtataka ako kung bakit naisipan ng mga ito na magtagay na dapat na sana eh matutulog ng maaga dahil sa trabaho bukas. Di pa rin ako makapaniwala na maglalasing sila dahil sa accomplishment ni Alma na magkakajowa at salamat kay Doc Noah Figueroa. At biglang supportive kaibigan, supportive naman ako sa gusto nila. Ano kayang napasok sa utak ng mga to na paghaluin ang Yakult at soju. Kung di ako makapagmove on sa naunsyami naming date ni Lance, mas dito ako nawiwindang. Plano ata nilang magpakamatay ng wala sa oras. Hay naku! Tawanan rito, tawanan doon. Para kaming mga batang gala na ngayon lang makakalaya sa mga bagay na ginagawa kaming abala.
"Sge laro tayo ng 'Never Have I Ever'..." lasing na pagyayaya ni Bogart.
Sumang-ayon ang lahat. Nag-spin ng bote si Bogart at natapat ito kay Fijie.
"Never Have I Ever kissed anyone..." bulalas nito.
"Weeehhh?! Virgin lips mo?" tanong ni Mylene.
"Inggit lang kayo. Virgin lips niya tas virgin pa si junior so pak na pak!" biro ni Sarlet habang kumakain ng sisig.
Hagalpakan kaming lahat sa mga narinig. Ayun umikot uli ang bote at natapat kay Lourd.
"Never Have I Ever Move On pa..." pag-amin nito.
"Ay naku....Eto naman yung part na babalik tayo sa kwento kung bakit ka iniwan ng mister mo... Ate, kawalan niya yun." tugon ni Benny.
"Hanep niyang anakan ka ng lima tapos ganun lang?" galit na sagot ni Bogart. "Anong sinabi mo nga?" dagdag rito.
"I JUST LEFT! GWAPA KO!" Panay tawa nalang kami kahit alam naming nasasaktan si Lourd. Separated kasi siya sa asawa niya ilang taon na ang nakakaraan. Tapos di pa sya binibigyan ng sustento ayun si Lourd nalang ang tumayong nanay at tatay. 'Yan din ang dahilan na bitbit niya lagi tindahan niya. Di katagalan ay umikot uli ang bote at natapat ito sa akin.
"Eto na! Sige nga baka may mabulgar..." hamon ni Nelma.
"Never Have I Ever had sex..." pag-amin ko.
"Sarap kaya nu'n..." bulalas ni Bogart habang kumakain ng bulalo.
"Kadiri mo. My virgin ears!" sagot ni Sarlet.
"Tanga! Virgin pa ako uyyy!!! Over my dead beautiful bootiful body!!!" sigaw nito.
Naghagalpakan na lamang kami sa pagtawa kahit may pasok pa kami sa training bukas. I found such a great time sa buong maghapon na masasabi kong 'buo ang araw ko'. Nakatulugan ko na lamang sila sa gitna ng kanilang pag-iinuman. Ewan ko kung bakit ang takaw ko sa tulog. Sabi din sa akin ni Lance, nakatulog ako sa biyahe papunta at pauwi. Sa lahat ng ito, masasabi kong napakaswerte kong mga kaibigan ko sila.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...