Ikatlo

24 1 0
                                    

Tingin ka ng diretso. Makikita mo ako. -L"

🎶 Baby, come give me something new (Ooh)

Baby, come give me something new (Ooh)

'Cause I can't stop loving you (Oh yeah)

Since I got a taste of your love (Oh yeah)

Baby, come give me something new (Ooh, woah)🎶


Hindi ko alam kung bakit ganito kasaya ang nararamdaman ko kahit may mga bagay na bumabagabag sa akin habang sinisilayan ko siya mula sa kinatatayuan ko. Pakiramdam mong may mali kahit tingin mong tama lang ang lahat. Di ko masisisi ang sarili ko kung bakit ganito subalit bumibigay ang damdamin ko sa mga bagay na ngayon ko lang natatanggap. Nakikita ko sa mga ngiti niya na ang saya habang mga mata'y nangungusap. Sumasagi sa isip ko na naman ulit ang mga tagpo ng nakaraan.

"Uhmmm....Lena...mahal kita..."

"Salamat sa gabing ito, Zeus...."

"Zeus, sino sya?"

"Ah Sandra..."

"Ako lang naman ang girlfriend nya"

"May girlfriend ka??!"

"Sandra..."

"I'm quitting this relationship, Zeus..."

"Please don't do this, Lena..."

Malamig na hangin ang humaplos sa aking balat nang biglang may tinig akong narinig. Batid kong siya yun. Ang taong sino-sorpresa ako ngayon.

LANCE POV

"Lena Abigail Rain...", tugon ko.

"Pwede Abby na lang. Para akong lalagnatin sa mga naririnig ko sa'yo. At saka bakit may pa.ganito ka? Teka nga. Magkaliwanagan nga tayo, Dr. De Leon...Hindi kita kilala at..." bulalas niya na pinutol ko sa isang halik.

Maganda ang gabi at nakakabibighani ang liwanag ng buwan. Tila parang nakalutang ako sa mga ulap at nagpapahinga habang ramdam ko ang tibok ng puso niya. Nakakainis isipin ngunit bakit sa lahat ng taong makikilala ko ay sa kanya ako nagkakaganito. Alam kong mali ngunit pakiramdam ko na ito ang tama sa mga pagkakataong ganito kahit di ko pa sya lubos na nakikilala. Mahal ko si Maggie subalit iba ang ibinibigay ni Abby sa bawat araw na naroroon ako sa ospital. Malalim na paghinga ang humuni sa aking tenga at biglang nagtagpo ang aming mga mata. Para akong nilulunod sa hatinggabi kasabay ng alon ng dagat. Katahimikan at pagsisisi ang pumawi sa mga naganap.

"Sorry, Abby..." tugon kong may pagsisisi.

Plak!

Isang malakas na sampal ang naging kabayaran sa aking mga hakbang. Ika nga nila kung ipinilit mo ang mga bagay na di para sayo ay para mong sinasaktan ang sarili mo ng paunti-unti. Binaybay ko ang daan pauwi na may luha sa aking mga mata na tila ngayon ko lang mailuluha. Tanging mga kaway ni Maggie ang sumalubong sa aking paningin na hinihintay ako ng masaya. Pinahid ko ang aking mga luha at binati siya ng masaya. Nakakapagtaka ngunit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon