Dalawampu't Pito

13 0 0
                                    


ABBY POV

Paano ko kaya sasabihin kay Lance na ide-deploy din ako for a training at sa mundo po ng mga papable na Oppa? Anong gagawin ko? We just got officially together tapos deployment training agad. Parang unfair naman ata kung hindi niya malalaman ang totoo. I just don't want to break his heart really knowing na dahil din sa hindi pagiging tapat natapos yung relationship niya dati. I break my tension at the moment. Salamat talaga sa pa-kape ni Kuya kanina sa cafe. Nalilito tuloy ako kung papaano ko aaminin sa kanya na aalis din ako. Sa bagay, di naman siguro kawalan na kahit magkahiwalay kami for the mean time saka may oras pa din ako sa kanya liban sa pag-aantabay ng mga Kdrama. Hay! Maghunus-tili ka nga, Abby. Di bagay sa'yo. Napahinto ang lahat sa di inaasahang anunsyo.

"Attention! Tinatawagan ang lahat ng mga nurses at doctors na pumunta sa conference room. Magpaiwan na lamang po ang mga on duty sa ngayon. Salamat." pag-uulat nito.

Tinapik ako ni Fijie. "Naku sa Korea pa deployment mo...Paano yan?" pag-aalala nito.

"Kaya nga eh..." pagdadahilan ko.

Pumasok ang lahat ng mga kinauukulan sa conference room. Lumipas ang ilang oras ay dumating din si Dr. Figueroa upang mag-anunsyo sa mahalagang misyon ng mga piling health workers. Ngumiti lamang si Lance nang nakita ako mula sa malayo. Tila malungkot siya sa palagay ko. Ganun din ba kaya sya gaya ko na madedeploy din? Hirap naman ng ganito.

"Magandang araw."

"Magandang araw din po." bati ng lahat.

Ngumiti ito at nagpatuloy. "Kapag tinawag ang inyong pangalan ay lumapit kayo sa harap....Dr. De Leon, Dr. Fullido, Nurse Clara at Nurse Drew..." anunsyo nito.

Tumingin si Fijie sa akin. "Naku po, napakawrong time naman ng ganito para malaman niya na ikaw din. " bulong niya.

Tumango na lamang ako at tinignan si Lance sa harap.

"Dr. Caridad, Nurse Lyn at Nurse Abby.. and lastly Nurse Marie , Nurse Alma at Dr. Noah..." pinagpatuloy ang pagbabasa.

Napansin ko na lamang na hinawakan ni Lance ang kamay ko sa gitna ng pag-aanunsyo ni Dr. Figueroa. "Ganda, kasali ka pala..." , bulong nito.

Tumango na lamang ako. "Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa'yo..."

"Ang unang grupo ay sa Japan...ikalawa ay sa Korea...." tuloy-tuloy nitong anunsyo.

Tanging nagawa ko habang nakikinig ay hawakan na lamang ang mga kamay niya. Sa ganoong paraan para akong nahihimasmasan sa kung anong pwede maganap ngayong alam na din ni Lance na kasama ako sa deployment program. Nang matapos, bumalik na din ang lahat sa trabaho. Pilit ko siyang iniiwasan pero gumagawa pa din ng paraan si Lance na lapitan ako hanggang sa sinama niya ako sa opisina niya.

LANCE POV

🎶  I got a fear

Oh, in my blood

She was carried u

Into the clouds, high above🎶

Hay...Napaka-wrong timing naman talaga itong deployment program ngayong official na kaming magjowa ni Abby. Why on Earth at sa Japan pa? Saan kami magkikita ni Abby? Sa dagat?! Hay naku naman. LDR is really one of the hardest kind if may isa sa inyo ang hindi kayang maghold on. But I believe kaya naming dalawa yun ni Abby no matter what happens. I snatched her hand kahit obvious naman na iniiwasan niya ako. Di ko akalain na marunong siya magtampo. Wala naman kasi kaming choice pag may mga ganito. I brought her to my office and lock its doors. Bigla na lang siyang naupo sa paborito kong couch at naghimutok. Oh my, she's just perfection. Swerte ko naman yata na naging girlfriend ko ang tulad niya. Para bang may anghel na bumaba mula sa langit at ikinasal sa akin.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon