NOAH POV
Totoo nga ang sabi ng iba na nakapapatay ng relasyon 'pag nawalan ka ng signal. Ayy bakit ba kasi ngayon pa humina ang signal na dapat sana ay hindi. Deserve malaman nila Abby at Lance na wala silang dapat na ikapangamba kahit magkahiwalay man sila ng assignment. Ano ba kasing nakain nitong si Maggie at nagpabuntis pa sa iba? Ipapaako pa talaga kay Lance na masaya kay Abby. Dali-dali akong nagmaneho pero nahinto naman sa traffic dito sa EDSA. Hay buhay! Kamalasan naman oh! Naiisip ko na sa pagkakataong 'to ay tutulungan din ako ni munchkin Alma ko pero imposible yatang makakarating akong mabilis sa village nila Ate Tatiana. Epal pa ang signal dumagdag pa ang bwiset na traffic. Ayoko na sa Earth! Cooperate naman at importanteng walang maghihiwalay ngayon.
Kring... Kring...
Calling...
Munchkin 💕"Uyyy munchkin...saan ka ba?" galit na tugon ni Alma.
"Papunta ako ng village. Na.stuck ako dito sa EDSA." bulalas ko.
"Papunta din kami ng village. I feel guilty kasi di ko nasabi kay Abby..." dagdag nito.
"Nasaan na ba kayo?" tanong ko habang paunti-unting nagmamaneho.
"Ah eh hindi kami diyan sa EDSA dumaan dahil sa pag-aalala din ni Ate Lourd baka may hiwalayang maganap..." dahilan nito.
Hiwalayan?! Ay naku, wag naman sana. Bakit ba kasi ganito pa talaga ang gagawing hakbang ni Maggie para makuha niya ulit si Lance? It's quite desperate isipin saka kahit alam naming magbabarkada na gustong-gusto na magkaanak nitong si Lance pero not in the sense na masyadong unexpected. This what makes me say 'no' to relationships dati pa not until Alma arrived. I felt na obsessed na masyado si Maggie. Its not love anymore.
"Hoy!" sabay malakas na busina ng sasakyan.
"Ano ba?" sigaw ko.
"Noah?"
"Chloe?"
"Nakamotor ka pa talagang kupal ka." asar ko.
Tumawa na lamang ito ng malakas. "May pera ako para bumili pero ikaw utak mo naka.stocked up pa din." mayabang nitong sagot.
"Saan ka ba pupunta?"
"Kila Ate Tatiana . Aalis na kasi si Kuya Lance going to Korea sayang naman kung di ko maabutan. Kung gusto mo, angkas ka na lang dito." aya niya.
"Eh paano 'tong sasakyan ko?" giit ko.
"Ano ka ba naman?! Wala ka bang ni isang app for car pick up? Buti pa ako sayo eh. Oh gamitin mo phone ko. Bilisan mo at nasa 54 na ang traffic count." bulalas nito habang bumibuwelo.
Hay naku si Chloe talaga! Wala pa ring pinagbago ang bratinellang 'to. Actually, matagal ko ng kilala si Chloe dahil nung baby siya...kami ang napapagbuntunan ng galit ni Ate Tatiana kapag dinudumihan nito ang sahig nila. Ngayon, pharmacist na siya ng isa sa mga malalaking ospital sa bansa lalo na at board topnotcher pa. Matapos ng ilang minuto ay umangkas na ako kay Chloe at humarurot ito papunta sa village.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...