Tatlumpu't Isa

11 0 0
                                    


ABBY POV

🎶Sunday morning, rain is falling

Steal some covers, share some skin

Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in🎶

"Mare?! Mare?! Hala para namang walang tulog siya..." tugon ni Bogart habang nag-aayos ng mga chart.

"Hayaan mo na lang. Half day naman sila ngayon kasi nga maghahanda na sila sa flight nila by Thursday." saway ni Maricar.

"Wait lang...Tuesday nga ngayon diba? Eh dapat nakaleave nato..." bulalas ni Nelma.

Napakamot ng ulo si Lourd. "Pati ba kalendaryo pag-aawayan niyo. Magtatrabaho si Abby sa gustuhin niyo o hindi." inis na sabi nito.

"Love este Nurse Alma pinapatawag tayo ni Dr. Cruz." pagmamadali ni Noah.

Napatawa sila. "Narinig na namin. Oh siya. Isali na natin si Abby."

Hindi ko namalayan na kinarga ako ni Noah papunta sa conference room sa gitna ng mahimbing kong pagkakatulog. Masyado yata akong napagod sa mga naging ganap kagabi. Tinapik na lamang ako ni Lance at hinalikan sa noo para gumising.

"Naku Nurse , ang himbing ng tulog mo. Saan ka ba gumala kagabi?" tanong ni Dr. Cruz.

Napangiti na lang ako. "Meron po kasi ako Doc. Sorry po."

"Oh sge. Relax ka lang dyan at makinig. So sa St. Luke's International Medical City kayo maassigned ng team mo Doc Lance. Sa Valmont Medical City naman kayo Doc Noah at sa Asan Memorial Medical City kayo Nurse Abby." paliwanag ni Dr.Cruz sa assignment namin.

Napakamot ng ulo si Nurse Marie. "Eh Doc, wala po bang medtech na sasama sa team?" tanong nito.

"Kakatapos lang last year ng mga medtech sa international assignment nila. Pasalamat na lang tayo at pumayag si Fijie para doon." mahinahong tugon ni Dr. Cruz.

Nagpapahiwatig na yata ang panahon na kailangan na talaga naming tuparin ang aming mga sinumpaang tungkulin bilang mga alagad ng medisina. Matapos magbigay ng mga instruction si Dr. Cruz ay isa-isa na kami binigyan ng portfolio ukol sa aming papasukan na ospital. Puro mga de kalibreng ospital ang pinaglagyan sa aming lahat. Naalala ko tuloy si Kuya nung meron siyang ganitong misyon dati na bumiyahe siya mula sa Pilipinas papunta ng Spain. Hay totoo nga ang sinabi ni Kuya Xavi na isang malaking hamon ang mabigyan ng ganitong gawain naagtataguyod sa kalidad ng ospital sa mga serbisyo nito. Sumagi sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Lance. Malalayo kami sa isa't-isa. Pero huwag naman sana maging hadlang na malayo kami saka pa may magbago sa aming samahan.

"May iniisip ka ba, ganda?" pagtataya nito habang hawak ang kamay ko.

"Wala naman. Naisip ko lang kasi hiwalay ang assignment natin. Magkaiba ng time zone. Ganun..." pagdadahilan ko habang nakatingin sa ibang building.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon