Ikaanim

26 0 0
                                    

"Baklaaaaaaa!!! Ano ka ba?!", sigaw ni Lyn sa pantry.

"Hinahanap ka na ni Papa P sa ward...", sambit ni Bogart habang nakatingin sa champorado.

"Papa P? Sino yun?! Teka pinagnanasahan mo ata 'tong champorado ko ah...", tugon nito.

"Naku naku naku kalimutan ba agad ang crush niya...Hindi ka maganda!" tukso nito at bumalik sa nurse station.

"Lalo ka na! Sino ba si Papa P? Si Piolo?" tanong nito kasabay ng hampas ni Lourd sa pinto. "Ay pantog ng baboy! Ate naman! Magdahan-dahan ka!" gulat nitong sabi.

"Isa ka pang palautang! Deny pa talaga ui na hindi kilala si Papa P. Si Dr. Paul Luis De Vera. Nandito siya ngayon." galak nitong pagbabalita. "At balita ko tandem sila ni Dr. Lance na crush din ng isa rito." dugtong niya.

"Damay na naman ako. Duty na nga lang tayo.", yaya ko sa kanila.

Lumilipas ang bawat segundo ay tingin kong lumalala ang sitwasyon lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng matinding pag-aaruga at kalinga. Naging payapa ang pagtatapos ng operasyon ni Mr. Do. Pero kahit tapos na ang lahat ng mga naganap sa pagtitipong iyon ay pilit na ipinapaalala sa akin ang katotohanang dapat malaman ni Lance. Dumaan ang ilang oras ay pilit kong nilululon ang konsenya ko dahil alam ko na dapat siya ang unang makaalam ng lahat.

LANCE POV

"So you mean benign lang? Buti naman.", masayang sabi ng isang tinig.

"The operation was indeed a success sa ating lahat. Such a milestone.", ani ni Dr. Lopez.

"We need to thank De Vera and De Leon for a great teamwork. At dahil dyan, this will be included sa upcoming anniversary ng ospital for its milestone on services.", tugon naman ni Dr. Figueroa.

Kring! Kring! Kring!

"Please excuse me for a bit, gentlemen.", paalam ko sa aking mga kasama.

Maggie. It was a very mindblowing day for the entire crew na panatilihing buhay ang isang kilalang tao. Ika nga nila...All that starts well ends well. Why on Earth in the middle of the conference ay tumawag si Maggie? She knows when it comes to times like this ay sinasantabi ko ang trabaho sa personal kong buhay.

"Hi baby...", bati nito.

"I'm in a conference today baby. What's wrong?", tanong ko.

"Can you come here sa condo?" yaya nito.

"You didn't come to work today? Kaya pala naiinis sa akin si Dr. Figueroa because kulang tayo rito sa ospital." bulalas ko habang napakamot ng ulo.

"Does he even know that an ob-gyne is not part of a tumor harvest na nasa tiyan? That sounds silly.", biro nito.

"Even if! You are not following your protocol. Diretsuhin mo nga ako kung anong kailangan mo.", galit nitong tugon.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon