Tatlumpu't Pito

7 0 0
                                    

ALMA POV

Bakas ang lungkot sa bawat isa sa amin matapos ng isang masalimuot na pangyayari. Halu-halong pakiramdam ang mahahalata mo habang naghihintay ng iilang saglit bago ang aming pag-alis. Hindi kami makapaniwala na darating talaga si Maggie kahit hindi ito inimbita sa kasiyahan. Naiisip ko tuloy ang pakiramdam ni Abby ngayon. Sobrang sakit yata na mapag-alaman ang totoo sa panahong di mo inaasahan na dapat sana earlier pa ay you've known it. I felt Abby's hurting so much. Siguro hindi sa amin na mga kaibigan niya pero mismo kay Lance. What if this would happen to me? Di ko na yata kakayanin. But I feel guilty rin kasi sa mga nangyari since may alam ako pero di ko lang masabi kay Abby for I have no right to mingle kasi it's a private matter. It was Noah who told me and the first time I heard it nanlumo ako bigla dahil na din sa mga bagay na imposibleng mangyari. We know how Lance loved Abby so badly tapos magiging tatay siya agad sa espasol na babaeng 'yun. Tanaw ko na ayaw saktan ni Lance si Abby pero ang naging mali lang ay hindi umayon ang pagkakataon lalo na ngayon na aalis na kaming lahat. Even Mommy Maricar was shocked too nang malaman yun bago ang buong barkada. We were left unhanded habang tinutulungan si Ate Tatiana. Marie was consoling Lance's sister habang sila Ate Lourdy ay pinapaakyat na ang mga anak nito dahil nasa trabaho ang asawa nito. Every one of us na naiwan ay tumulong na lamang sa pagliligpit ng mga pinaggamitan sa party. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ay nakatanggap si Bogart ng isang balita.

"Guys....", tugon ni Bogart.

"Ano ba Bogart? Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat...", pakiusap ni Mylene.

"Nagtranspassenger flight si Abby." sabay pakita sa booking track ni Abby.

"Eto na yung sinasabi ko. Abby is silent but deadly. Nagdesisyon na siya.", bulalas ni Lourdy habang nagpupunas ng plato.

"Nasaktan yata ng sobra si Abby girl." tugon ni Ate Tatiana.

" Baka fake news yan.." asar ni Fijie habang inuubos ang tira ng corndog.

Naiinis si Bogart. "Ibato kaya kita para maniwala ka. Alalahanin mong sa cellphone ko kayo nagbook kasi walang signal phone niyo nung pista sa Quiapo." sagot nito.

Natahimik kaming lahat habang nakikiramdam sa mga susunod na tagpo. Nakakainis naman kasi itong bruhang espasol na umattend talaga ng bon voyage party kahit di invited. Sarap tadtarin. Napaiyak na lamang kaming magkakaibigan nang nalaman na tuluyan nang lumipad pa Korea si Abby kahit nasasaktan. Makalipas ng ilang saglit ay tumawag si Doc Xavi at ibinalita na nagtext ito sa kaniya upang ipagpaalam ito sa aming barkada. Wala kaming magawa kundi ang makibahagi sa nararamdaman nito kahit malayo na siya sa amin.

LANCE POV

🎶  Lips meet teeth and tongue

My heart skips eight beats at once (that's better)

If we were meant to be, we would have been by now

See what you wanna see, all I see is him right now

Him right now🎶

Para akong tinutupok paunti-unti ng hiya at galit sa sarili habang tinitignan ang paligid. It was really too late for me to explain my side knowing that she left me even if alam namin na 12 mn pa siya lilipad papuntang Korea. I felt she left too brokenhearted and way too drowned in pain na basta-basta na lang siya magtransfer flight all of a sudden. Abby seems not to take it that much and all she know na yun ang totoo kahit hindi naman. I can really bid my sanity for her para hindi mabuwag ang relasyon namin pero she never allow me to speak. Di ko rin naman siya masisisi because she has the right to be mad at me dahil hindi ko yun sinabi sa kanya. Ano bang naisip ni Maggie at gawin niya yun sa akin? She brought a huge misfortune. Not only to me but to our relationship. Unti-unting tumulo luha ko kahit nasa paligid lang si Noah at tinatawagan ang mga kaibigan ni Abby. How stupid of me on not telling her the truth? So f****** stupid...

🎶I'll sit and watch your car burn

With the fire that you started in me

But you never came back to ask it out

Go ahead and watch my heart burn🎶

"Umiiyak ka ba tol?" tanong ni Noah habang inaayos ang mga bagahe nito.

"Masakit lang 'tol. Hindi ako nakapagpaliwanag..." tugon ko.

Napakamot ng ulo si Noah. "Hindi ko rin ini-expect na gagawin ni Abby ang nagawa niya ngayon. 'Tol, paano na yan?" usisa nito.

"Di ko alam 'tol. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi madali para kay Abby na intindihin ang lahat and I felt it." dahilan ni Lance.

"Ayokong sermunan ka dahil nasa sitwasyon ka na hindi maganda pero alalahanin mong tatlong bagay ang naiwala mo sa pagkakataong ito." sambitla ni Noah.

Napahinto ako at marahang nakinig. "Ano naman 'yun?" dagdag ko.

"Naiwala mo ang tiwala niya. Hindi mo ibinahagi ang isang bagay na pwede kaniyang paniwalaan sana. Yung isa is yung puso niya. Pinagkatiwalaan ka tas nabasag mo ng di mo sinasadya. Lastly, 'yung samahan na minsan mong iningatan." pagbabahagi ni Noah.

Kahit kung minsan ay loko-loko din itong si Figueroa pero may sense po 'yang magsalita. Totoo naman talagang nasaktan ko ng labis si Abby ng hindi ko namamalayan. Hindi ko rin naman siya masisisi sa pagkakataong ito dahil ako ang naging dahilan ng lahat. Ilang minuto ang dumaan at dumating ang mga kasamahan namin sa paliparan maging ang mga kaibigan ni Abby.

"Ingat kayong dalawa ha. Pasalubungan niyo na lang kami ng Kimchi at Anime..." bilin ni Lourdy.

Natawa si Bogart. "Alam niyo na ang gusto..." bulalas nito.

"Kaharutan nito parang higad." sambit ni Mylene.

"Mamimiss namin kayo!!!!" sigaw ni Fijie.

Mamimiss. Tama. I'll be missing her much more. Sa lahat ng mga nangyari, iisang bagay ang napagtanto ko sa aking sarili habang papasok sa eroplano...kailangan kong bumawi sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali. I want her back. I do want her back. But the question is, would she want me back to her arms?

#SadGoodbye
#TranspassengersiAteGirl

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon