A/N: Hi lovelies! 💕 Its been a long time po bago ako nakapag-update noh. Medyo marami po talagang ganap ang inyong abang manunulat. Anyways, I'm happy to serve you more chapters na magugustuhan niyo lalo. Have fun po and stay safe always. 🙌🎉💕🌼
LANCE POV
I felt bad for myself knowing the fact na hinayaan ko lang siyang umalis at wala akong ibang ginawa kundi matulala. Baka isipin niyo na wala akong pakialam ha pero meron po. It wasn't any ordinary woman who left. Ang sakit isipin na hindi ko siya hinabol para magpaliwanag man lang at sabihin ang totoo. Lumayo lang siya na hindi kami nagkausap. I can't blame her for leaving me yet I'm blaming myself for letting her go right away. The space was endless that even I can't reach. Bibiyahe na nga lang ako going to a mission pero hindi pa kami nagkaayos. Ayoko din namang isisi sa tadhana kung bakit ganito ang kahihinatnan. I wish we were able to talk. I wish I was able to stop her yet wala eh. Naduwag ako. I guess all of these are just plain wishes. All I am praying right now was just her. Pero bigla ko lang natanong ang sarili ko... "Is she thinking of me even if ang laki ng pagkukulang ko?" I just need to see the silver lining for now. Ano ba 'to? Para naman akong si Catriona Gray. Silver lining? Tama. For her. For us.
"Tol... okay ka lang ba?" tanong ni Noah.
Napailing na lang ako. "Ang ganda rin ng tanong mo noh? Magtatanong ka kung okay ba ako pero halata naman na...Sarap mo ibaon sa lupa." reklamo ko.
"Ayuuun...Masama ba magtanong? Hindi naman eh... Payong kaibigan lang tol ha..." sambit nito habang kumakain ng mani.
Naway ayusin niya. Utang na loob.
"Hayaan mo muna siya na mapag-isa. Kung kayo nga ang itinadhana ng mga anghel ni San Pedro sa langit...Magbunyi ka. Mas isipin mo muna ang trabaho. Delikado kung babalik tayong may bad record." tugon nito.
May sense naman pala talaga 'to si Noah mag-advice. Buong buhay ko kasi akala ko kalokohan lang ang alam nito sa buhay. Laki yata ng improvement niya nung naging sila ni Nurse Alma. Sana all may magandang lovelife. Hay naku! How I hope I was able to talk to her. Nakokonsensya tuloy ako even at this point na lilipad na kami.
"Last call for passenger boarding from Manila to Tokyo, Japan please proceed to Gate 3..."
"Ano ba kayo?! Kaya pala di tayo umuusad dahil sa kadaldalan niyong dalawa." galit na sambit ni Nurse Alma habang patakbong pumunta sa boarding gate.
Napatawa si Nurse Marie. "Kalma ka nga Alma. Di pa tayo late. Normal sa mga airlines na magtawag ng pasahero." tugon nito.
Z CLIQUES POV
At sa akala niyo na wala kaming reaksyon sa mga ganap, mas lalo kaming nasa point na di namin alam kung sino ang paniniwalaan. Naiisip namin na malabo ng makabalikan ang dalawa dahil sa laki ng kasalanan ni Lance kay Abby. Mahirap pa rin sa aming magkakaibigan hahantong sa ganito ngayong deployment month nila. Bwiset naman kasi yang si Maggie at kung bakit may sa papel ang ugali. Hay! For the record, napagtanto rin namin ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Lance. Ganda lang talaga ng ugali niya. Nakakaplus points sa impyerno. Kaso nga lang kami ngayon ang nahihirapan para sa kaibigan namin. Hindi naging madali na sa mismong ng pag-alis nila for deployment ay may bruhang sisira ng samahan nila. Ikakain na lang namin 'to ng tteokbokki at least may magtatanggal ng stress namin.
"Oh ano bang iniisip mo Fijie?" tanong ni Lourdynette.
Humigop ito at huminto. "Hindi ba kayo nagtataka kanina. Parang may mali kasi." sagot nito na may pagtataka.
"Anong may mali? May anak nga sila ni Doc Lance." sabat ni Bogart.
"Tama si Fijie. Hindi ba't sinagot ni Abby si Lance nung company party natin. Ang ipinagtataka ko ay bakit malaki na tiyan nya kung ganun." pagtataka ni Mylene.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...