Dalawampu't Apat

16 0 0
                                    

Z CLIQUES POV

Abala ang lahat sa paghahanda para sa party mamaya. Eto masyadong aligaga kaming lahat na para bang ang dami naming party na pupuntahan. Si Bogart ang aming tagapagpaganda kahit hindi naman kaganda at stylist naman namin si Mareng Mylene. Sakto namang on the go ang tindahan ni Ate Lourd. Alam niyo namang pangkabuhayan sa mga anak niya. Buti na nga lang at pumayag si Mr. Tan na magleave siya by next month. Ayun na nga napagkatuwaan ni Bogart ang bansagan kami ng mga bansa na kasama sa Miss Universe. Habang naghahanda ay di maiwasang maisip ni Abby si Lance. Hay! Hayaan na nga lang natin siya basta maganda kami mamaya.

"Mylene, 28, Venezuela na naniniwala sa kasabihang "Sa classroom may batas, bawal lumabas" Thank you!" pakilala nito na nagdala ng tawa namin.

Sumingit si Lourd matapos mamake-upan.
"Lourd Zobel, 34, mula sa bansang alas otso ang usapan, alas diyes ang datingan, Philippines"

Hagalpakan kaming lahat hanggang sa si Bogart na ang nagpakilala matapos maayusan lahat.

"Dominga Sanchez, 26, Thailand na naniniwala sa kasabihang 'Pasok labas bata ang labas' and I thank you!"

Ewan ko kung bakit ganito na lang kawili sa dorm pag ma company party. Sa mga nagtatanong kung may nagduduty ngayon, meron po. Hindi lang kami ang trabahador sa ospital.

Kring! Kring! Kring!

ABBY POV

Napahinto ang lahat nang biglang nagring ang cellphone ko. Nagtuloy kaming lahat sa
pagbibihis ng mga magagarang bistida para sa okasyon ngayon. Wala naman akong ini-expect na tawag maliban kina Kuya at Mama. Tinignan ko ang caller ID at si Lance pala yun. Ang aga naman ata niyang magtanong kung tapos na ba ako. May nerves ha?! Kinakalabit na ako ng mga kasama ko para sagutin ang tawag ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagbibihis hanggang sa nasagot ko na nga ang tawag niya.

"Anong atin?" tanong ko.

"Ready ka na ba?"

I smiled. "Sandali na lang talaga. Matatapos na ako." tugon ko.

Binaba ko ng may ngiti sa labi ang tawag niya at nagpatuloy sa paghahanda. Nang matapos ay laking gulat ng lahat sa naging itsura ko.

"Baklaaaaa! Tao ka na!" magiliw na tugon ni Alma.

Binatukan ni Lourd si Alma. "Multo yan day! Kaloka ka. Oh diba ang ganda ni Abby?" sabay ayos sa damit nito.

"Anyway, kanina pa ata naghihintay ang prince charming mo..." tugon ni Fijie.

"Goodluck!" bati nilang lahat.

Bumaba na ako sa dorm at sinalubong niya akong may tuwa.

LANCE POV

Seeing her so grandiose and beautiful was like having a huge jackpot in a lottery game. Napakaganda niya at hulmang-hulma ang maladyosang katawan sa suot niya. It twirled down into shocks of midnight blue, whispering silver hiding amongst the indigo; stars peeping through broken slits of sky. F*** but everything in her gives me a kind of chill like never before. I reached her hand and accompany her inside the Lambourghini as we bid goodbye to her friends. Napaisip ako bigla kung papaano ako magpopropose sa kanya sa gitna ng mga tao. Bahala na talaga! I turned on the radio as I look at her holding an obsidian sparkly mask.

Alaala: SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon