"Oh Abby... ikaw pala. I thought you were at the patio with Chloe." pagdadahilan ni Tatiana.
Abby smiled. "Oo Ate kaso I need to put something on my bag na suot ni Lance." sabay abot ng lalagyanan ng accessory. Sa kabilang banda, napansin nito si Noah at nagtaka ng bahagya. "Oh, Noah. Hindi mo ba kasama si Alma?" tanong nito.
"Ah eh....hindi eh. Naghahanda na rin siya ng mga gamit."
"Okay...may problema ba kayo Ate? Nagkakagalit kasi kayo kanina mula sa labas." Inosenteng tanong ni Abby.
" Wala naman. Masyadong makulit lang itong si Lance kaya ko pinapagalitan." tugon ni Tatiana.
ABBY POV
🎶 If not with you but for you my love
While I'm breathing, you'll never go
Feels like living with half of my heart
But I'm trying, trying to keep my head up🎶
Nakakapagtaka kung bakit ganun na lamang ang kaba ko habang papalabas ng pasilyo ng opisina ni Ate Tatiana. Tila yata may itinatago sila sa akin na parang pakiramdam kong malayo na sa party maya-maya bago kami lumipad palabas ng bansa. Ayoko sanang magtanim ng duda pero hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung may nagawa ba akong kakaiba sa araw na ito kahit pakiramdam kong wala naman. Pansamantalang binalewala ko ang mga naramdaman ko hanggang sa dumating na ang sandaling ilang oras na lang ay aalis na kami.
"Ganda?" bati ni Lance.
Ngumiti ako sa kanya at yumakap rito. "Bakit po?" tugon ko.
"Mamimiss kita." pag-amin nito.
"Ako din po. Pero okay na ba kayo ni Ate Tatiana?" tanong ko.
"Oo nagkaayos naman kami. Eh ikaw okay ka lang ba talaga?" patanong niyang sagot.
"Uhmmm.. oo.."
" Sigurado ka ba?" usisa ko habang nakatingin sa labasan.
"Oo naman." sabay ngiti nito sa kasintahan.
Bakas sa kanya ang pag-aalinlangan kahit batid kong may mali sa mga galaw niya pero hirap itong sabihin ng malinaw. Ayoko namang pilitin siyang magsalita kahit pakiramdam kong nakakasakit sa loob isipin na tila ba wala siyang tiwala. Sinamantala ko na lamang ang mga sandali na magkasama kami. Masaya ang lahat sa paghahapunan nang may pamilyar na mukha ang pumasok sa kalagitnaan ng pagdiriwang.
"Masaya ba?" tugon ng isang pamilyar na boses.
Nagulat si Ate Tatiana. "Bakit ka nandito? Hindi nararapat ng tulad mo sa pagtitipong iyo." galit na sabi nito.
"Talaga ba, Ate Tatiana? Ngayong magkakaanak kami ni Lance?" bulalas nito.
Tumulo bigla ang luha ko ng marinig ko ang katotohanang kanina ko pang gustong marinig. Akala ko magiging masaya kami pero nagkamali ako ng akala. Lumapit ito sa amin at nagpakilala. Tama nga at hindi na ako nagkakamali.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
Roman d'amourA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...