ABBY POV
Dear Abby,
If the sun matches the moon, how I wish I will be a match to you...
Will you be my date?
R.L.
Nagulat kaming lahat sa nabasa namin mula sa papel. Di ko batid kung bakit ganun na lamang ka seryoso pala si Lance sa intensyon sa akin. He was sending an invitation to me in an earnest way. It made me special kahit iniisip ko friendship lang ang lahat. Mahirap naman kasing mag-assume knowing he's still stuck in love out of being heartbroken. Tuwang-tuwa naman silang nalaman na ganun pala ang pa-surprise ni Mayor. Hay naku! Napakaganda lang sa feeling na makatanggap ng ganito ka espesyal na regalo. Feel na feel mo na special ka in a good way. Ang tanong ay kung hanggang kailan niya gagawin ang saktan ang iba?
"Oh natahimik ka Mare. Di ba nga dapat matuwa ka?" pagtatanong ni Alma.
I nodded. "Natutuwa naman ako kaso naalala ko kakabreak lang niya sa girlfriend niya. Ayoko lang kasing madawit." pangangatwiran ko.
"Ay naku, Abby. Ayan ka na naman sa fears mo eh. Lance made a choice already. And it was you." sambit ni Fijie.
Napatunganga ako. "Hi?!" I saw him smiling back at me.
" Abby ano ba?! Hoy!" inaalog ako ni Marie.
"Hello po Doc!" magiliw na bati ni Lourd.
How I hope na wala siyang salitang narinig sa mga kaibigan ko kundi katapusan ko na. Ewan ko kung bakit nagiging shunga ako pag andito siya sa malapit. Nakakawala ng charm. Ay, Abby! Alalahanin mong trabaho dapat amg iniisip mo bago ang sarili. Wag munang humarot! Mamaya na after shift. Hay, ano ba 'tong ginagawa mo Lance at unti-unti nakong nahuhulog sa mga pakulo mo? Naiisip mo kayang baka ginagawa mo 'to para makaganti o kaya naman seryoso ka talaga? Urghhh don't confuse yourself, Abby. Go with the flow.
"Kailangan ko kayong lahat sa ER. May pasyente tayo. Go!"
Pasyente? At this break time? Hay! Balik ulit sa trabaho. Bigla akong nakaramdam ng kaba nung narating namin yung ER. May naalala ako sa nangyari sa pasyente.
"Abby? Ayos ka lang?" tanong ni Bogart.
"Hindi eh. Pamilyar na kaso 'to sa akin." tugon ko.
Mylene was shocked. " Talaga?!"
"Nakaencounter nako ng ganito nung intern pa ako." pag-amin ko sa kanila
Sumariwa bigla yung panahong may kamuntik mamatay nung nag.assist ako sa isang may cyst na pasyente.
"Scalpel..." sabay abot ng scalpel.
"Doc, biglang na lower down ang heartbeat niya." tugon ni Doc Lopez.
"Ano?! Fibrillator please!!" sigaw ni Dr. Figueroa.
Napahinto ako sa kaba. "Abigail, pay attention!"
"Opo Doc. Ito na po." inihanda kaagad ang makina.
BINABASA MO ANG
Alaala: Simula
RomanceA story of love, hurt and acceptance portrayed by two lovers despite of the sudden reality that would change their lives. Lena Abigail Rain "Abby" Monreal, a 24- year old nurse is on her course of moving on and later found love to her fellow, Dr. La...