Overnight

575 20 1
                                    

Yeye:

Naguguluhan na ko sa mga nangyayari. Last time, Kiefer was here kausap Mom ko, the next days pag papasok ako sa school may blue roses and dark chocolates sa chair ko, palagi akong may good morning, afternoon, night messages from Kiefer and lagi sya sumasabay s service ko again, with blue roses and dark chocolates. San kaya sya nakakuha ng ganun kadaming roses? Meron na sa morning meron pa after class. Di ko na maintindihan, baka nga seryoso sya. But gahd! Mas gumulo kasi dumagdag pa si Enchong, pero unlike Kiefer, sinabi ko na sa kanya na friends lang talaga, aside from barkada kami, bestfriend din sya ni Kristian. Ano to? Bantay salakay? Hello, may bro code kaya. Pero parang di clear sa kanya yun kasi naffeel ko na he's making effort pa rin. Kung sakit ng ulo ang kapalit ng pagiging maganda, ayoko na! Chos. Jk lang Lord. Haha! Pero ang pinaka nakakagulo sa lahat is si mommy, para kasing pinupush nya ko kay Enchong. Anubaaaa.

Today I will learn how to drive kasi nagprisinta si Enchong na turuan ako since may license na sya. He's sweet naman talaga he's the sweetest actually pero kasi friends lang talaga. And yes, no chaperon required pag sya kasama ko.

"You did great, sweetheart! Konti nalang mas magaling ka na sakin magdrive, pano tomorrow is friday ah. After mall with barkada overnight tayo sa bahay for my birthday celebration. Napaalam na kita kila Mommy (yes, all of my barkadas mommy and daddy din tawag sa parents ko) they said okay lang since kami naman kasama mo and nandun din sila Jessey."

We said goodbyes na and i started to packed my things for tomorrow's overnight. I dont know why pero bakit parang kelangan ko iinform si Kiefer about this? Pero di ko naman sya boyfriend so no need, barkada ko naman kasama ko. Harmless sila. 100% sure. Andun din naman si Pauly so no worries.

Pauly:

I told Kiefer about the overnight. Kawawa naman kasi manok ko palagi sya natatambakan ni Enchong sa pogi points. Hindi pala nabanggit sa kanya ni Ye kaya mejo nawawalan na ng pag asa ang mokong. Hina talaga! Mapapagalitan si Ye pag sinama ko sya sa overnight and mas lalong magagalit sakin si Enchong kasi di naman invited si Kief so I decided na sa mall nalang sya pasamahin since maggrocery naman kami ng barkada for the pool/barbecue party.

Naglalakad kami sa mall and nakita ko na si Kief ng napakalaki ang ngiti while kumakaway kay Yeye palapit. Munshunga si lover boy. Haha! Kaso nag hi lang si Yeye sa kanya and di na sya pinansin. Patay, super suplada pa naman ng isang to. Sila jessey kasabay nya maglakad, nasa likod lang kami ni Kief and ganun din sila Enchong. Kung nakakapatay lang tinginan nitong dalawang to baka kanina pa sila duguan. Kaso nabasag yung tinginan nila nung nagsalita si Jeron, "Ye, akin na yang mga dala mo. Ako na magbubuhat pati bag mo. 2 manliligaw mo dito pero hinahayaan ka magbuhat ng ganyan. Tss" kita mo nga naman oh, 1 point for Jeron! Ganyan nga torpe boy. Ay ano ba yan, si Kief manok mo Pauly. Umayos ka. Mas naging awkward nung inaasar nila Kim si Yeye kay Jeron. Namula naman yung dalawa. Boom aray ba Kief and Enchong? Haha! Pero mabilis si Kief, wala ng dala si Yeye so ang kinuha nya yung mga dala nila Jessey at Tin. "Aww sweet naman ni Kief, Ye oh. Thank you, Kiefer :""")" sabi nung dalawa na feeling sila yung nililigawan. No choice si Enchong kaya yung kay Kim ang kinuha nya kaso "wag na bro, kaya ko na to. Mas malaki pa ata katawan ko sayo" olats. Macho si Kim. Haha! We parted ways na and Kief told Yeye na itext sya from time to time. She nod her head lang. Kawawa din to si Kief kasi di sya makahabol sa paandar ni Enchong and nararamdaman kong dadamuvs narin si Jeron anytime soon. Sure ako nalilito na rin to si Yeye sa mga nangyayari.

Enchong:

Yeye told me na friends lang talaga kami. Inexpect ko na yun kasi ayaw nyang tinatabla sya ng barkada and bestfriend ko pa si Kristian. Pero kasi ang tagal ko na tong hinihintay. Di nya alam, wala pang Kristian may Enchong na. Umalis na si Kristian at lahat ako nandito pa rin. Ngayon, may Kiefer pa? Di ko alam kung manhid si Yeye or di nya lang talaga ko napapansin but I wont give up. Tonight, malalayo ko sya kay Kiefer and I hope mapansin nya naman effort ko. So far, di naman sya nakafocus sa phone nya so 1 point for me? Todo asikaso ko sa kanya and even paglagay ng food sa plate nya and pag ready ng towel nya after swimming, basta ayaw ko sya mawala sa paningin ko.

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon