yes

462 27 7
                                    

Yeye:

Yesterday has been a mess, well, in a way.. Masyado magulo and madrama. I need a break so kahit isa si Kristian sa reason why lito and lutang ako, sumama ko sa kanya with our barkada, we'll catch up lang daw since babalik rin sya agad sa states. We watched a movie and nakakainis kasi apat sila na bumili ng pop corn ko namely, jeron, enchong, kristian and pauly, syempre yung kay pauly yung kinuha ko. Next, we ate lunch, and again, naguunahan sila sa tabi ko, then pati sa pagdecide kung sino maghahatid sakin pauwi, again I said na si Pauly na lang. Isasabay na rin namin sila Jessey, Kim and Tin. Mas lumala ata pakiramdam ko kasi mas ginawa pang complicated ng mga to. Di naman sila ganyan dati. Hay nako.

Naglalakad kami sa parking ng bigla suntukin ni enchong si kristian, hindi ko alam ano nangyayari, Jeron tried na pigilan sila pero wala din, napasali pa sya and it hurts na ako ang reason bakit sila nag aaway. Buti nalang Pauly and our very silent friend, Thomas are there para pigilan sila.

I wanted to call it a day na, masyado ng maraming nangyari. What a week. Pauly chose to stay for dinner together with Jessey and Tin. Kim naman sumaglit lang sa bahay and said na magiisip isip daw ako. I have to choose na daw with those guys para tumigil na yung gulo sa barkada. Pero di ba i said no na sakanila? So di ako paasa, sila yung ayaw tumigil. Naiiyak ako kasi it feels like pnpressure nila ako to be with someone na di ko gusto just for the sake of friendship.

Tin:

Di ako sanay seeing Yeye like this. Wala akong kakampihan kasi lahat sila barkada ko, pero sa totoo lang, Kiefer got my vote pa rin. Pero na kay yeye pa rin ang decision, but if he will ask for my help. Tutulungan ko talaga yun.

Jessey:

As of now, di lang lovelife ni Ye ang magulo, pati na rin barkada namin. I wont judge her kasi I know naman she didnt do anything wrong. But i think tama si Kim, she has to decide to make them stop. Although alam ko di pa sya ready talaga magboyfriend. Ang kukulit naman kasi ng suitors nito, ayaw tumigil. Ay nako. Penge naman isa, Ye. Haha!

Pauly:

Ipit na ko kay Ye at Kief, ipit pa ko sa barkada. Pambihira. Kiefer is a mess din right now, same with Ye. Di alam ni Yeye na kanina nung nasa mall kami, sinusundan lang kami ni kiefer, di nya alam yung popcorn, from kiefer din. At ang pinakahindi nya alam? Kasama namin si kief sa kotse, nandun lang sya sa likod, nakahiga. Hahaha! Tindi din nito ni lover boy. After ng nakita nya kahapon, go pa rin sya. As long as di pa daw si kristian and ye, di sya susuko. Yan ang manok ko a.k.a secret body guard ni Yeye haha!

Christmas Eve

Yeye:

Ilang days na na walang paramdam si Kief sakin since Christmas party. So i guess wala na talaga? Pero everyday pa rin ako nakakatanggap ng blue roses sa bahay. Walang nakasulat kung kanino galing but i'd like to assume na sa kanya galing yun. Di ko alam, basta gusto ko lang. Never na sya nag chat, gm, or kahit testi wala din. Last time i checked yung friendster shoutout nya says:

"Oo nga pala, Hindi nga pala tayo. Hanggang dito lang ako, Nangangarap na mapa-sayo. Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?"

Hay.. I'm so sorry, Kiefer.
Buti nalang busy day today kasi we're preparing for noche buena and sure my friends are doing the same.

Kiefer:

Di ko muna kinakausap si Miks kasi ayoko masira plano ko, everyday naman ako nagbibigay ng flowers sa kanya kaso walang letter i hope di nya mapagkamalan na galing yun sa iba. Few days ago, nakipagkita ako kay Pauly, Jessey and Tin. Yes, nagpapatulong ako sa kanila. I want to ask her na, para naman magkaalaman na. And today is the big day.

Yahoo Group:
Operation Kidnap Yeye
JesseyDL: hi guys!! Today is the day!! Kinakabahan ako. Gooluck, Kief!
Tinotapos: kaya yan Jess, ikaw pa close naman kayo ni mommy baby. Galingan ang pag arte ah!
IsaacCR: grabe guys. Super thank you talaga, kahit mabasted, di ko kayo makakalimutan.
Paulycios: ang bading naman bro. Haha! Tara na aba! Magsilayas na kayo sa pamamahay nyo. See youuu!

Yeye:

Nagulat ako when Jessy called nagpapasama sakin bumili ng gift for Christmas last minute. Nagpaalam ako kay Mommy pero di ako pinayagan since marami daw tao ngayon sa mga malls. Jessey naman kasi christmas eve daw ba bumili ng gifts? Haha! Naiiyak pa sya over the phone kasi i really have to go with her daw. Labo

From: Jessey

Kief, guys, negative si Ye. Pano ba to ayaw payagan ni mommy. On the way na ko sa kanila pero alam nyo naman diba? When she says no, No talaga. Proceed with plan B?

Yeye:

Tin arrived sa bahay with gifts, sobrang dami as in parang meron for each and everyone sa bahay. I was playing chess with my cousin na visitor namin for christmas nung dumating sya. She gave me a huge pillow, she knows na super love ko ang pillows, and a painting. Kinabahan ako nung nakita ko yung painting kasi sure ako its from kiefer, sabi ni Tin may nagpapabigay lang daw pero di daw si kiefer. Kinakabahan ako, i know something's up. Then Pauly together with Jessey entered the room.

"What are you guys, doing here? Wala ba kayong family for christmas? Haha!"

Nagkatinginan sila and i know something's up. "Uhm, magaabot lang ng gift"

"Nasan? Wala naman kayong hawak?"

"Ahhh ehh yung akin nasa car, kunin ko lang. Samahan mo ko Miks, daming tao sa baba e. Plssss?" Jessey said

"Sama ka muna sa kanila, Ye. Ako muna makikipaglaro kay pinsan mo. Haha! Enjoyyy" tin said

"Di ka naman marunong mag chess e. And ikaw jess, kala ko ba wala ka pang gift tapos meron pala? Kayo ahh ano yan"

"Ye naman oh! Sumama ka nalang, pinapahirapan mo naman kami e." Sabi naman ni Pauly, biglang ayaw ko sumama kasi sure ako this has something to do with kief

"Mommy, peram po saglit kay Ye, hanap kasi sya ng mga tao sa bahay. Babalik ko din po agad."

"Sige, basta before 8pm nandito na yan ah, magchurch pa kami"

"Oh bilis na cinderella, aga ng curfew mo! Haha sakto, 6:15 palang!" Jessey said habang pasakay kami sa car ni pauly

"Ay daming alam, jess? Oh nasan na yung gift?"

"Ay, naiwan ko pala kila pauly. Wag ka atat, magugustuhan mo yun, kabilang subd lang naman sakanila e"

#315 3rd st Green ridge subd..

Papasok kami sa bahay nila Pauly pero bumigat pakiramdam ko, they said pumunta ako sa garden may kukunin lang sila sa loob pero mejo madilim na, while walking biglang may kumanta ng Fall For You, sure ako si kiefer yun i was about to step back when Jessey said, "hear him out" so lumapit ako, biglang bumukas ilaw sa garden, and gahd. Ang ganda, super daming christmas lights and yung plants, nilagyan ng super daming blue and white flowers. He stopped singing and Migraine started playing sa background. He said,

"ahhh kiefer, ito na, ang torpe mo, nakakainis. Whew, wait lang miks ah, hinga lang ako. Uhm kasi..."

"Matagal pa ba? Kasi i need to go home early"

"Sorry miks, kasi.."
"Pano ba, uhmmm"
"Sorry, kasi bigla ako di nagparamdam"

"Yun lang ba? Ok lang. Sayo galing yung flowers pati pillow and yung painting na dala ni Tin diba? Thank you." Paalis na ko dapat when he said

"Miks, wait! Pwede na ba maging tayo?"

I stopped from walking, no, I freeze. Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan when i heard what he said, nakuryente ako bigla, kung pwede magdisapper ngayon, gagawin ko na, kung pwedeng mahimatay. Nahimatay na ko, i saw pauly and jessey, mouthing "yes" and super teary eyed na sila when i turned my back to kiefer and said, "anong sabi mo?"

"Sorry if biglaan.. Sorry kasi, ang torpe ko, sorry if bigla ako nawala, i just want to make sure, now, miks. Pwede ko na bang tanggalin yung NO sa NBSB mo? Will you be my girlfriend?"

"Yes, Kief."







P.S.
Hahahaarayhahahaha!
Sorry baliw yung mga PS ko, wala lang. Sa mga nagbabasa nito and makakabasa, thank you. La lerng. Lurve you mwa!

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon