December 2008
Kiefer:
May 2 months na pala kong nanliligaw kay Miks pero di ko naman naramdaman kasi naeenjoy ko rin panliligaw ko. Kaso habang tumatagal parang nawawalan ako ng chance, buti nalang tinutulungan ako ni Pauly and Jessey, si Tin and Kim parang di ako masyadong gusto for Miks pero okay lang. Madalas na rin ako nakakapunta sa bahay nila and natatawag ko na mom nya ng Tita. Plus pogi points? Maybe. One step at a time, Kiefer.
May tour sila Miks sa Baguio tomorrow for 4 days, masyadong matagal na yun for me na di sya makikita plus kasama nya pa sila Jeron, so I have to level up my game. Hays. Lately pa hindi ako masyado nakakausap ni Miks, balita ko uuwi yung Kristian for Christmas kaya nireready ko na rin sarili ko na mabasted. :(
From: Princess ko
Any pasalubong from Baguio na you want?
To: Princess ko
Hug, pwede ba? :) balita ko kasali ka sa Miss Baguio, pls dont wear 2 pc or anything sexy :((
From: Princess ko
Omg. O.o sino nagsabi sayo? Si Jess no? Kalurkey haha! Hello? Baguio + 2 piece is not a good idea kaya. I'll prolly wear something decent but sexy. I cant wear naman super balot clothes pano ko mananalo nyan? LOL
To: Princess ko
Huhuhu Miks pls :'( dadami na naman karibal ko nyan eh. Goodluck nalang. Hug ko ah
From: Princess ko
Baliw. Hug mo mukha mo >:p
Later that day, I was scanning her friendster profile and check her testimonials. Ang daming nagcocongratulate sa kanya so sure ako, sya nanalo. I saw the pictures, she's wearing a sando, shorts and boots. Grabeee, first time ko sya makita magshorts super layo sa usual get up nya na tshirt and pants. Lagot to sa mommy nya, ayaw pa naman nung nagshshorts si Miks kasi baka magasgas daw yung legs. Haha! Pero nabadtrip ako sa guys na nagiwan ng testi sa kanya >.<
"hi miks! This is Kevin pala yung 4th yr student, galing mo kanina. May nagsabi na ba sayo na ang ganda mo? Friends na tayo ah!"
"Penge naman number mo pls"
"Sexy talaga ni Reyes. Sana maging friends tayo"
"Miks, ako yung nag bigay ng flowers sayo kanina. La lang, hi!"
Gaaaahd! Mika, ito na nga ba sinasabi ko e :'(( pero isang testi talaga kumuha ng attention ko..
Kristian Ahorro
I know you'll nail it, Aereen! See you real soon. Don't miss me too much. Few more days :) :*
Pambihira naman tong taong to oh. Ang sakit makita ng testi nya kasi sure ako naguusap pa rin sila. Ano ba ko sayo, Miks? Wag ko na lang kaya to ituloy..
Yeye:
2 days ago yung contest, super biglaan lang naman yun. Di ko nga alam gagawin ko, buti ka size ko si Jessey kaya napahiram nya ko ng damit. After that, hindi ako kinakausap ni Kiefer. Di ko alam kung bakit, baka napagod na? Or di kaya may iba ng nililigawan? Nagbaguio lang ako ganyan na sya. Ano kaya problema nun? Mejo namimiss ko rin sya sa totoo lang pero sa ngayon di ko pa talaga sure kung gusto ko sya lalo na uuwi si Kristian. Unfair yun for Kief if gusto ko pa nga talaga si Kristian, ayoko sya paasahin sa wala.
Today is our last day din here sa Baguio, bago bumalik ng Manila bumili kami ng mga pasalubong, i bought a lot of vegies for my mom, di ko alam ano bibilhin for kief then i saw this shirt with "someone who loves me went to baguio and got me this shirt" printed on it. Kaso di ko naman love si Kief, wait di nga ba? Hay bahala na, yan na nga lang.
Enchong is such a gentleman naman kaya he insisted na sya na magbuhat ng mga dala ko. Late na kami nakabalik ng Manila and I saw my mom na, and she's with Kiefer. Wow naman this guy. Parang driver lang haha! I run to my mom and she said "oh! Nasan na mga gamit mo?" I got back to my senses na kay Enchong nga pala haha! Grabe, 2 malaking plastic yung dala ko full of vegies plus may back pack and stroller, dala nya pa gamit nya so imagine ano itsura ni Enchong? Super funny halos di makalakad. Kinuha naman ni Kief sa kanya mga gamit ko sa kanya and said na sya na lang magbubuhat. Si Kief nag ddrive for mom and me, sila magkatabi sa harap pero di nya pa rin ako pinapansin. Pag uwi, lumipat lang sya sa car nya and said goodbye kay mom. Uhm, kief? Im here kaya. Hay nako.
Bago sya umalis, naalala ko yung pasalubong ko for him. So i told him to wait for it and inabot sa kanya the shirt, hindi nya manlang binuksan. He just said thanks with no emotions. Hmm labo talaga.
Kiefer:
"Miks.. Uhm, sige pasok ka na" kala ko yung pasalubong nya sakin is yung hug kaso olats pala. Naisahan na naman ako ni Enchong kanina kaya mejo nadisappoint ako. Pero wala naman akong right. Hay. I enter my car and opened the shirt and biglang nagising diwa ko when I saw the print. Di pa pumapasok sa loob ng bahay si Miks kaya I decided na lumabas ulit sa car and run to her. Di ko alam kung sign ba yung print ng shirt pero I just want to savor the moment. I'm now hugging the woman that I love. I dont care kung magalit sya, i just want to hug her.
Mika:
Nagulat ako when Kief hugged me. Nakalimutan ko ata na nasa harap lang kami ng bahay and anytime pwede kami makita ni mommy but i didnt mind. Iba yung feeling, parang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig nya kaya? Pwede bang tumigil yung oras tapos ganto nalang kami forever? Ang bango bango nya. I feel safe and secure. Di ko alam gano katagal kaming magka hug pero i feel sad when he let go. Natulala na lang ako, may sinabi sya pero di ko naintindihan he drove away na pero nasa labas pa rin ako.
Did he just hugged me?
Do I like him na?
Bakit may kuryente na naman?
Bakit ang lungkot bigla nung umalis sya?
Yung mga legs ko nalimutan ata pano maglakad.
I can still smell his scent.
My god.. Gusto ko na ata talaga sya..
BINABASA MO ANG
Pinky Swear
FanfictionHow do you define love? They said, "age doesn't matter" but why do they keep on saying, "you're too young to be in love!" Why do people keep on waiting for the perfect time? How do you know when the time is perfect? They said "love is blind"? Then...