Pauly

383 17 13
                                    

Hinatid ko lang si Yeye sa kanila and pupuntahan ko si Kiefer after. I dont care kung nasa bahay sya and nandun sila Tita Mozzy, gusto ko lang sya suntukin right now. Ayoko maging bias, kaibigan ko din sya, alam ko dapat pakinggan ko yung side nya pero masyado kong galit para intindihin sya ngayon.

May usapan kami, sabi nya hindi nya sasaktan si Ye. Gago sya. Kung alam nya lang kalagayan ni Ye. Kung nakita nya lang ano itsura niya pag naoospital, kung panong hindi sya kinakausap ng parents nya, kung panong pati barkada namin tinatrato sya na parang hangin lang pag dumadaan, kung pano syang nagpapanggap na matapang and di nasasaktan kasi akala nya andyan lang si Kiefer.

Di ko alam gano ko kabilis nagdrive papunta kila Kiefer, pinapasok ako agad nung boy nila, Si Jannie, dumiretso ko sa kwarto nya and nakita ko sya na nakaupo sa sahig.

"Wala na pare.. Di nya na ko mahal"

"Gago ka ba?! Pagkatapos mo lokohin sasabihin mo di ka na mahal?! Ano gusto mo? Yakapin ka kasi niloko mo sya? Magpasalamat sayo?! Ganun ba kiefer?!"

Inangat ko sya sa pagkakaupo nya, sinusuntok ko sya pero di sya lumalaban

"Sige pa Pauly, suntukin mo lang ako. Kung yan ikagagaan ng loob mo. Dapat lang sakin to at wala lang sakin yan, mas masakit sakin yung iniwanan ako ni mika"

Di ko na napagilan sarili ko naiyak na ko sa galit, binitawan ko na rin si kiefer

"Tang ina naman kasi pare! Nangako ka di ba?! Sabi mo di mo sya sasaktan!"

"Tingin mo ba Pauly sya lang nasasaktan? Nahihirapan din ako, hirap na hirap na. Di ko sya nakikita, di nakakausap, di ko nga alam bat kailangan namin itago yung samin, alam ko na pwedeng bigla na lang sya di magparamdam lalo na nanjan na ulit si kristian. Pero ano? Nagstay ako diba? Ito ako oh, mahal na mahal pa rin si mika! Lalaki ka din pauly! Di ko ginusto yung nangyari!"

"Napakatanga mo kiefer! Kung nahihirapan ka kasi naka secret on kayo, ano pa si Mika ha? Nahihirapan ka kasi di mo makita pati makausap sya? Ano pa sya? Ginagawa nya lahat, pare. Tinitiis nyang galit na lahat ng tao sa kanya. Sana nga dk ka nalang nagstay, sana iniwan mo nalang sya para nabawasan yung sakit na nararamdaman nya. Alam mo bang sa ginagawa mo.. Pinapatay mo si Mika."

Di ko na naman napigilan luha ko lalo na pag naaalala ko kalagayan ni Ye, alam ko mali na sakin manggaling pero kailangan nya malaman.

"Anong ibig mo sabihin?"

"Gago ka, kiefer. Pero kaibigan kita. Hindi sya pwedeng masaktan, kahit maging sobrang masaya hindi sya pwede.."

"Bakit?!"

"May sakit si Yeye sa puso, Kiefer. Sa ginagawa mo, ikaw ang papatay sa kanya. Hindi ka deserve ng kaibigan ko. Hindi nya deserve lahat ng nangyayari sa kanya dahil sayo.."

"Sorry pare.. Hindi ko alam"

"Wala ka naman talagang alam. Ang alam mo lang kung ano nararamdaman mo. Gusto sana kita damayan kaso selfish ka. Dalawa lang naman yan, pare. Its either ipaglalaban mo sya, o iiwan mo sya ng tuluyan. Tama na kiefer. Sobra na kasi"

Umalis ako ng natulala si kiefer sa nalaman nya. Hindi ko binanggit kay Yeye na sinabi ko kay kiefer yung about sa sakit nya. Ang alam ko lang, karapatan nya rin malaman. Bahala na sya sa mga susunod nyang gagawin, basta hindi ako nagkulang sa pagiging kaibigan sa kanya.







---
Shortest update so far!

Patunay na napakadaldal ko? I guess.

Kulang yung suntok lang sa mga ganyang klase ng tao, dapat sa kanila, binibigyan ng online show, pasaway na teammate, trashy fans at fake girlfriend for karma e. Oopppsss haha!

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon