Ligaw

565 27 21
                                    

Kiefer:

Day 1 ng panliligaw ko and wala akong plano. Honestly, di kasi talaga ko marunong manligaw. Yung mga naging girlfriends ko, trip trip lang wala ngang tumagal ng isang buwan. Sila kasi lumalapit, kaya walang ligaw ligaw na nagaganap. Pano ba to? Ahuh si Pauly!

To: Paps Pauly

Bro, ano ba mga gusto ni Miks? Pinayagan nya na ko manligaw!!! Well, technically kasi she didnt say no naman. So, pwedeng help pls? :)

From: Paps Pauly

Ayos ah. Self proclaimed manliligaw pala? Sige bro, support kita and take down notes na rin. Haha!
1. Gusto nya sa bahay nagpapaligaw. If youre going to take her out, give her a week para magpaalam sa parents nya and wag ka umasa na papayagan sya, much better na rin kung ikaw magpaalam for her. Once in a blue moon lang sya payagan AND with chaperon pa (pili ka na lang, ako or si kuya perry) ;)
3. She likes surprises (magaling din sya mangbisto), dark chocolates, blue roses, pillows, letters, roadtrips (she badly wants to learn how to drive). Prinsesa yan, di sya marunong magcommute and greatest fear nya ang tumawid.
4. Di sya materialistic na girl so dont buy her anything unless (refer to 3)
5. Madami sya responsibilities like Student government and her sports. Dont compete!
6. May school service sya. Never attempt na ihatid sya sa bahay because papagalitan sya ng parents nya (unless nagpaalam ka sakanila)
7. Friday is mall day, pumupunta kami ng mall after class thats the only time na di sya sumasabay sa service and ako naghahatid sa kanya pauwi. Isang group kaming friends including tin, jessey and kim, wag na wag mo silang tatablahin sila lang girl friends ni Miks and pwede ka naman sumama if gusto mo sya makasama.
8. Mas late sya umuuwi every monday and wed kasi SG and sports stuff
9. Saturday is swimming/pep training day, okay lang sya sunduin basta with chaperon and again, paalam ka sa parents nya.
10. Di lang ako ang barkada nya na guy, madami kami pero pinaka close sya sakin, kay enchong, jeron, thomas, prince, kito, etc. Basta u get the point. Wag ka magseselos and mainsecure kasi pogi kami haha! Pero nasa friendzone na kaming lahat pero but sure karibal mo si enchong, jeron and remember kristian? Ayun.

Ask ka nalang if may gusto ka pa malaman. Goodluck!! ;)

Reading Pauly's reply parang natense ako ah. Ganto ba talaga kahirap? Parang lahat nakaschedule ah. Bahala na. Hiningi ko na rin sched ni Miks and number ng friends nila Jessey kay Pauly para magpatulong. I decided na wag muna magparamdam kay Miks habang nagpapagoodshot ako sa friends nya.

Yeye:

Ilang days na rin di nagpaparamdam sakin si Kiefer since nung sinabi nya na manliligaw sya so I guess joke time lang talaga yun. Buti di pa ko masyado naniwala sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi lately madalas mabanggit sakin nila Jessey how pogi kiefer is, gano kagaling magbasketball, bait, etc. Knowing na di naman sila magkakilala personally. Hmmm something's fishy ah. Ayoko naman magtanong baka sabihin interested ako dun sa mokong. Uwian na and kinuha na ng conductor yung bag ko and nilagay sa loob ng service pero Tin decided to stop me from seating sa likod ng school bus, sabi nya sa passenger seat ako umupo, ang weird kasi may designated seats na kami and di ko naman kaservice si Tin pero i followed her. So umupo ako sa tabi ni Mang Fred and ask kung di pa kami aalis since complete naman na. He said, may iniintay lang daw na isa pa so i didnt mind until nalaman ko kung sino iniintay namin.

"Hi! Since di kita pwede ihatid sa inyo, sasabay nalang ako sa service mo"

"What are you doing here, Kiefer? And school service to! Hindi cab. Youre not even from my school kaya"

"Okay lang naman kay Mang Fred, pati may pupuntahan din ako sa subdivision nyo. So kalma ka lang jan, ayaw mo pa. Katabi mo ko until makauwi oh. Libre silay, Miks"

"Ughhh ano binigay mo kay Mang Fred ha? I hate youuu! Alis na nga tayo Mang Fred! Tsk"

"Ouch. Hate agad? Ang bilis naman Miks. Haha joke, basta wait ka lang. Wag ka na magalit"

Bumaba na ako sa service and nagulat ako ng binuhat nya yung bag ko and bumaba din sya ng service ko. Mas kinakabahan ako kasi sure papagalitan ako ng mom ko pag nakita nya ko with a guy. Ayaw nyang umalis and even waited for the gate to open. And again, i was shocked to see Pauly open the gate for us. Ano baaa! What's happening! I heard pauly said "tita baby, andito na po sila" SILA?! As in kami ni kief? I. Am. So. Dead. I decided to invite kiefer inside nalang ayoko rin maging rude and introduced him kay mommy.

"Mommy, he's kiefer from hdics and friend namin ni Pauly, sumabay lang.." Mom didnt let me finished and said "i know him ye, akyat ka na muna sa room" no choice so sinunod ko nalang si mommy and locked myself in my room.

To: Ravena

Wth are you thinking?! :/ :< :(

Mommy Baby:

This Kiefer kid called me this morning and said na may gusto sya sa anak ko and clear ang intentions nya, i decided to invite him over to get to know him more. Kilala ko personally ang dad nya because we've been good friends before or lets just say almost lovers. As much as possible ayoko sana sila magkaconnection ng anak ko to avoid the past na rin but i will be unfair if i wont give him a chance. I appreciate the effort and guts na nagpaalam sya sakin and even mika's dad before pursuing my daughter. But Enchong also did the same thing few days ago, and hindi sa bias but ive known that kid longer, he's been a good and gentleman friend kay Miks. I like him better for my Mika than Kiefer. I'll just give him the benefit of the doubt.

Kiefer:

Dinner with Mika's mom went well naman pero nakakatakot kasi strict talaga sya. Buti nalang andun si Pauly, kausap din namin dad ni Mika via ym webcam kasi he's working abroad. Ang cool ng dad ni Miks pero mukhang mahihirapan ako sa mom nya. Tita Baby said din na yung Enchong guy may gusto din kay Mika and pati si Pauly nagulat kasi di naman daw masyado dumadamuvs yun kay Mika although alam nya na crush din nun si Mika. Hayyy nadagdagan pa challenges ko. Dapat level up ko na panliligaw 101 ko. :(



P.S.
May nagbabasa ba nito? Haha! Sorry mej magulo pakiintindi nalang pls. And yes, walang no. 2. Allergic ako hahaha!

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon