Baby

459 22 3
                                    


November 2009

Isang buwan.. Isang buwan ko tiniis hindi kausapin at pansinin ang anak ko. Kinuha ko gadgets nya pati allowance nya, limited lang. Pati pagaasikaso nya for college di ko sya natulungan. Nalaman ko na sa ateneo mag aaral si Kiefer at dun palang din nagsubmit ng application si Mika. I'm sorry anak, pero para sayo rin to. Sa La Salle ka mag aaral sa ayaw at gusto mo.

Di ko na alam anong tamang gawin para malayo si Mika sa sakit, hindi ko kayang makita na nahihirapan sya. Mas hindi ko kayang isipin na anytime pwede sya mawala sa amin.

Dalawang araw na syang nasa hospital. Pero ayaw nya gumising, sabi ng doctor, si Mika na mismo yung nagpipigil sa sarili nya gumising. Masama ba kong ina? Kung si Kiefer ang dahilan para gumising si Mika.. Sige na, di ko na sila pipigilan. Mabuhay lang anak ko.

Flashback

Yeye:

Gulong gulo na ko, pagkahatid sakin ni Pauly sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam bakit nangyayari sakin lahat to. Ang sakit sakit na.

Pumapasok pa rin ako sa school pero wala dun isip ko. Tuwing uwian, nakikita ko si Kiefer alam kong gusto nyang bumawi pero sira na kasi yung tiwala. Mahal ko sya pero di ko alam kung kaya ko kalimutan yung sakit.

Ilang araw na kong di umiinom ng gamot, sa totoo lang ayoko na talaga. Suicide? Siguro..

Paakyat ako ng hagdan papuntang kwarto ng biglang dumilim paningin ko..

End of flashback

"Yeye.. Im so sorry. Di ko gustong umabot sa ganto. Gumising ka na pls"

Alam kong si Jessey yung nagsasalita, naririnig ko sila, gusto ko man gumising, hindi ko kaya, ang bigat ng katawan ko, ang sakit ng dibdib ko.

"Anak.. Sorry.. Natakot lang si mommy. Gising ka na jan pls. Uwi na tayo."

Alam kong umiiyak si mommy ngayon, naramdaman ko rin na tumulo ang luha ko. Im sorry din, mommy..

"Tita, nasa labas po sya. Papapasukin ko po ba?"

Narinig kong sabi ni Pauly kay Mommy. Pls wag si Kiefer. Ayokong makita nya kong ganto. Wag sya, pls. Lord. Wag.

"Tita.. Im sorry po. Hindi ko intention saktan si Mika. Hindi ko po alam, sorry tita. Mahal ko po si Mika. Mahal na mahal."

"May sakit o wala, wala kang karapatan saktan ang anak ko, Kiefer. Nagkagulo kaming mag ina dahil sayo. Tiniis kong malayo ang loob nya dahil sayo. Maayos ang pakisama ko sayo tapos ganto? Pinapunta kita dito kasi kahit sinaktan mo sya.. Alam ko, ikaw lang nagpapasaya sa kanya. Kung tanggapin ka nya ulit at patawarin, wag na wag mo ng sasaktan ulit ang anak ko, Kiefer. Patawarin ako ng panginoon pero di ko alam ano pwede kong gawin pag nawala sakin ang anak ko."

"Opo tita, promise po hindi na po mauulit"

Narinig ko na naman umiyak si Mommy.. At narinig ko na naman nag promise si Kiefer.

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko na sya mahal. Nasaktan ako sa ginawa nya pero gusto ko nalang isipin na hindi nya yun sinasadya. Alam kong mahirap ibigay ang second chance pero susubukan ko.

"Babe.. Gising na pls. Sorry.. Sorry sa nagawa ko. Di ko ginusto yun. Usap na tayo pls. Di ko kaya mawala ka. Ikaw lang mahal ko. Hindi kita lolokohin. Promise yan"

Naramdaman kong kinuha nya ang kamay ko.. Nagpinky swear sya, kiniss nya rin. Hay kiefer, sa totoo lang gusto ko na idilat mata ko ngayon.

"Tita, una na kami. May pasok pa po kami bukas kasi"

Narinig kong nagpaalam na sila Pauly na uuwi..

"Sige, ingat kayo ha? Salamat sa pagpunta.. Ikaw kiefer, di ka pa ba uuwi?"

"Dito po muna ko tita, kung ok lang po"

Di ko alam gano ko katagal na tulog pero sinubukan ko idilat yung mga mata kong namamaga sa kakaiyak. Nakita ko si Kiefer na natutulog sa tabi ko.

"Kief"

"Kiefer..."

Hirap man ako magsalita, kelangan ko sya gisingin. May pasok to tapos dito natulog? Hay nako

"Babe.."

"Mika? Salamat gising ka na! May masakit ba sayo? May kelangan ka? Teka tawagin ko yung nurse. Saglit lang, wag ka aalis jan ah!"

"Baliw.. Pano ko aalis, naka oxygen pa nga ako"

"Ay oo nga! Sorry wait lang babe"

"Sus lagi mo nalang ako iniiwan"

Di sya natuluyan lumabas, bumalik sya agad sa tabi ko. Nakakatawa.

"Babe naman.. Di totoo yan ah"

"Oo na, asan si mommy?"

"Bumili lang ng breakfast saglit si mommy haha!"

"Ang feeling mo"

"Masarap feeling ko kasi kasama kita."

"Ewan sayo. Bat ka ba nandito? May pasok ka ah"

"Iniintay ka magising, baka kelangan kasi ni sleeping beauty ng true love's kiss"

"Sira ulo. Wag mo ko kikissan, pinang kiss mo na yan sa iba. Yoko na nyan"

"Babe naman, nagtoothbrush na ko, wala na yun"

"Basta ayoko na nyan"

"Pero bati na tayo? Di mo na ba ko love?"

"Di naman mabilis mawala yun e. Pero gago ka pa rin"

"Hayy i love you , Mika. Di ako magsasawa magsorry sayo. Babawi ako ha?"

"Gawin mo nalang.. Baka umasa lang ako e."

Sana maging okay na lahat pag labas ko dito sa hospital..















--
Okay, so nahihirapan ako gumawa ng sweet conversations anubayern.

Good morning!

#MikaReyesBarakoBullMuse

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon