July 2010Kiefer
Papunta ko ng Taft para ihatid si Mika sa school. Nakakatawa isipin kasi literal na magkatabi lang condo and school nya tapos galing pa ko ng Cainta pero ihahatid ko pa rin sya sa school. Kahit naman nagagalit sya sa ginagawa ko kasi mallate daw ako, mapapagod lang, traffic, etc. Wala naman sya magagawa. Bakit ba. Pordalab nga eh!
Kanina pa ko nakaalis nga bahay, alam kong mali ang texting while driving pero nakakapagtaka kasi wala pa akong narereceive na message galing kay Mika. Impossible naman na di yun nagising kasi nandun si Yaya Aly para gisingin sya. Matic na rin yung "Good Morning, Babe! Drive safely. I love you" message nya pag alam nyang susunduin ko sya.
May isang oras na ko nasa lobby ng condo ni Mika pero wala akong Mika na nakita. Di ko rin macontact phone nya and di sinasagot ni Yaya yung kanya. Ano kaya nangyari dun?
Alam kong bawal akong umakyat sa unit ni Mika pero kelangan ko lang icheck kung okay lang sila. Sorry Tita Baby...
*knock knock*
*knock knock*
"Sandali!"
*knock knock*
"Sandali sabi! Sino ba yan ang aga aga..
Oh Kiefer! Ano ginagawa mo dito? Bawal ka dito ah"
"Sorry, Yaya. Check ko lang sana si Miks. Di kasi ko tinetext, tinatawagan kita di mo sinasagot"
"Ay naku, sorry. Saglit nga, halika pumasok ka"
"Wag na Yaya, chineck ko lang naman si Miks. Bawal ako dito diba?"
"Ay ikaw bata ka, pumasok ka na, sige na. Di ko sasabihin kay Mam Baby"
"Thank you, Yaya! Asan po ba si Mika?"
"Osya, ngayon lang to ah. Andun sa kwarto, puntahan mo. Ang taas ng lagnat. Pasaway, ayaw kumain nyan. Di tuloy makainom ng gamot. Kagabi pa masama pakiramdam nyan e"
BINABASA MO ANG
Pinky Swear
FanfictionHow do you define love? They said, "age doesn't matter" but why do they keep on saying, "you're too young to be in love!" Why do people keep on waiting for the perfect time? How do you know when the time is perfect? They said "love is blind"? Then...