intuition

295 20 17
                                    

November 2011

Matagal na rin since the last time na nagkaproblem kami ni Kiefer. Yes, nagbalikan kami. I forgot how it happened. Basta, iba talaga pag tanga sa pagibig.

Wala namang special, wala ring kilig, wala rin surprises. Yung magic? Yung butterflies? Yung kuryente? Parang lahat sabay sabay na namatay. Pero yung love? Di ko alam, bakit nandun pa din.

Siguro nasanay na lang ako nasanay na lang ako na nanjan sya. Baka pareho kami, mas sanay and comfortable na sa isat isa kaya pareho kaming ayaw ng bumitaw.

--

Kiefer

Mahal ko si Mika. Sigurado ako dun. Ilang buwan na simula nung pagkakamali ko pero pakiramdam ko hanggang ngayon pinagbabayaran ko pa rin yun. Di na sya katulad ng dati. Parang baby pa rin sya, dependent sakin, halos lahat ng kilos nya pinapaalam nya sakin. Maya't maya sya nag a-iloveyou. Pero iba.. Alam kong kasalanan ko kung bakit sya nagkaganyan. Sinira ko yung tiwala nya.


Sabi nya napatawad nya na ko, pero iba yung sinasabi ng mata nya. Sabi nya ok na, pero iba yung kinikilos nya. Di ko na alam pano susuyuin si Mika. Di ko na alam kung anong nangyare samin..

--

Yeye

Galing ako from tour, sabi ni Kiefer susunduin nya ko kaya di na ko nagpasundo sa driver. Hinahayaan ko nalang sya gawin yung gusto nya.


Alam ko umeeffort sya, baka ako na yung may mali? Bakit ba kasi ang hirap tanggalin sa isip na anytime pwede nya naman ulitin yung mga nagawa nya.



2 oras na kong nagiintay.. Wala pa ring Kiefer na dumating. Wala akong balak magstay ngayon sa condo kaya bahala sya kung dadating sya, magpapasundo na lang ako.


To: KR

Sana nagsabi ka na di mo ko masusundo para di ako mukhang tangang pinagppyestahan ng lamok kakahintay sayo


To: Mang Mo

Pasundo naman po ako dito sa school. Uuwi po kasi ako ngayon. Thank you po.




Wala akong balak alamin kung san sya galing,pumunta o anong ginawa nya bat di nya ko nasundo. Pagod na ko makinig. Pagod na ko umintindi. Pagod na ko maloko. Pagod na.



Malapit na kami ni Mang Mo sa bahay nang nagtext si Kiefer.



From: KR

Babe, nasiraan ako. Sorry papunta na ko. School ka pa ba?



Tss Kiefer galingan mo naman palusot mo di ako tanga para intayin ka ng apat ng oras no.



To: KR

Bahay nako. Tnx nalang. Sleep na rin. Goodnight

From: KR

What?! Pano? Nagcommute ka? Mika naman!



Inoff ko na phone ko.. Ayoko na makabasa ng mga pathetic na excuses nya.

--

The next day may usapan kaming manunuod ako ng game nya. Nagmadali naman ako umalis ng bahay, gusto nya kasi makita nya ko before sila mag warm up..



Second quarter na ako nakarating sa araneta. Kumaway ako sa kanya pero nakita kong bad mood sya. Dahil sakin? Pwede. Dahil sa game? Pwede rin. Tambak sila e.



--

Kiefer

First time manunuod ni Mika ng game ko. Excited ako kasi may inapiration ako. Di ko pa rin sya makita, ilang minuto na lang start na yung warm up.



Walang Mika na dumating.. Nakakatampo. Pakiramdam ko di na ko importante kay Mika. Nakakasama ng loob.



"Pare! Ano nangyare? Nasan ba isip mo? Focus naman!"

"Sorry, Von. Sige sige. Kaya yan! Bawi ng 3rd qtr!"


"Dapat lang, ayaw mo naman siguro matalo ng nanunuod si Miks diba?"


"Ha? Asan?!"


"Ayun oh, nasa patron seat!"


Masaya ako ng makita si Miks na kumakaway sakin. Parang nabuhayan ako ng dugo. Gagalingan ko, Mika. Para sayo to.


Yeye

Natalo sila Kiefer by one point. 73-72. Alam kong masama loob nya, di ko sya aawayin ngayon. Kelangan nya nang magcocomfort sa kanya. That's what girlfriends do right?


Pinuntahan ko sya sa dugout agad after ng game.

"Babe, you did great. One point lang naman e. Bawi next game ok?"

"Bat ka na late?! Ang tagal mo! Mahirap ba intindihin yung before warm up Mika?!"

Nagulat ako kasi hinila nya ko sa braso. Alam kong mainit ulo nya pero di nya ko kelangan saktan

"Kiefer. Nasasaktan ako. Ano ba! Alam ko talo kayo pero wag ako pag initan mo!"

"Mika sorry. Nabigla lang ako"

"Ako din, Kiefer nabigla. Di ko naisip na kaya mo ko saktan physically. Di na kita kilala. Mauna nako"


Alam kong malabo na kami, gusto ko maayos, gusto ko kumapit. Sana di pa huli ang lahat.. Pareho na kaming nasasaktan. Gusto ko na kaming bumalik sa dati. Sana mabalik pa sa dati..




--

Good news: Less than 15 updates na laaaang!

3 yrs to go na puno ng fast forward hihi

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon