•DOS•

328 14 0
                                    

CHAPTER 2

Wendy’s POV

                       Kinabukasan, agad na nagsipagdatingan ang mga dati kong kaibigan. Si Richelle, Daphne at Charmae. Kasama rin nila si Liya at ang anak nitong si Lili.

                         “Oh crap! Sobrang ganda mo na nga dati Wendy, mas gumanda ka pa ngayon? Seriously, anong beauty products ba ang gamit mo?”

                         Tumawa kaming lima sabay yakap ko naman kay Richelle na nagbiro. They are all extremely pretty and sexy now. Sunod kong niyakap si Charmae at Daphne. Si Lili naman ay nagkiss sa pisngi ko at hinila agad ni Wen-Wen pagkakita pa lang sa bata. Sabik kasi sa kalaro. Mabuti nalang at englishera rin ang anak ni Liya.

                          “Ang cute ng kapatid mo Wendy. I mean, ang gwapo. Kamukha mo saka ni Wes—ay wala. Future chicboy yan paglaki.” Puna ni Daphne

                        “Siguro nga, ayun na at hinatak niya na si Lili. Ang pretty pa naman ng anak mo Liya. Ikamusta mo nalang ako kay mister mo.” Sabi ko

                         Pumunta kami sa garden ng bahay ko. Oo, bahay ko. Nagpahanda ako sa katulong ng makakain dahil maglu-lunch na rin naman.

                         “So, how’s it going Charmae? Who’s the unlucky guy?” pagtatanong ko sa kanya

                         Tumawa naman siya sa term kong “unucky”. “Actually, boss ko ang napangasawa ko. I’m into travel agency Wendy and luckily I got the fat fish in the sea.” Proud niyang sabi

                           “Kaya pala sume-sexy ka ah! Naghahanda kana sa honey moon niyo ni Vinz!” asar ni Richelle

                          “Ikaw Daphne? Saang airline ka ba?” tanong ko

                          “Wait! Picture picture muna, dali!” singit ni Liya

                         Nag-pose kaming lima. Nasundan pa ito ng maraming taking of pictures bago kami nakapagusap usap muli.

                        “Nasa Air Vallerrina ako Wendy. Maganda ang pasahod at quality ng trabaho dun. If you will ask about my lovelife, meron na akong boylet.” She said then wink at me

                         “Ako naman? Imma certified international slash local ramp model girls! I didn’t expect this great opportunity to come. I mean, kung ibabase mo yung dating ako sa ngayon? You wouldn’t believe what I have achieved now.”  Sabi ni Richelle

                           Sang-ayon naman ako doon dahil dati sobrang hina ng loob ni Richelle. Pero kita mo ngayon ang kapalaran niya? INTERNATIONAL MODEL lang naman ang bruha. I’ve seen some of her mag and she’s really into it. Galing!

                           Nahinto muli ang chikahan namin ng magkahawak kamay na pumunta sa amin si Wen-wen at Lili. Ang cute nilang pagmasdan.

                         Lumapit sa akin si Wen-wen. “Ate Mims, can we swim in the pool?”

                     Lumingon ako kay Liya at tumango naman siya ng ulo habang nakangiti. Bumaling muli ako sa dalawang bata. Tumingin ako kay Lili na nahihiya yata sa akin dahil bahagya siyang nagbaba ng ulo.

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon