*BENTE SIYETE*

183 7 0
                                    

Wendy’s POV

        Monday morning. First day of the week again. Walang kaso sa akin ang pagpasok. Nandun naman ang aking inspirasyon eh, haha!

        Masaya akong bumangon ng kama at naghanda na sa pagpasok. Sa tuwing naaalala ko yung moment namin ni Wessley sa park kagabi, hindi ko maiwasan na hindi kiligin. Sagad sa buto.

         At dahil sa pagiging bayolente ko kagabi, wala akong cellphone ngayon. Di bale na, makikita ko din naman siya mamaya sa school. Medyo malalate nga lang daw siya dahil may shooting siya sa magazine ngayong umaga.

        “Oh Wendy, eat your breakfast first before you go to school. Nagkaayos na ba kayo ni Wessley anak?”

        Tumango ako kay mommy kasabay ng pagsilay ng masigla kong ngiti. Ikiniwento ko sa kanya ang nangayari. Grabe, ang dami ngang binigay ni mommy na advice sa akin. She even said na hindi daw talaga mawawala sa isang relasyon ang “peste”.

       Pagtapos ng pag uusap namin ni mom ay pumasok na ako sa school. Hindi ko tuloy naitext sila Richelle na manghihiram ako ng notes sa previous lesson sa bio chem. Kasi si ako nakapagsulat.

         Naglalakad ako sa corridors ng may madilim na aura ang sumalubong sa akin. Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya. Ang leader ng Poisonous Rose Girls. Si Cess.

        “Ang kapal talaga ng mukha mo noh? Hindi ka naman talaga taga dito pero nakuha mong akitin ang para sa akin lang!” mahina ngunit ubod ng diin niyang sabi sa kin

         Lumingon ako sa paligid pero wala ang mga alipores niya. Nakaharap kami sa isat-isa.

         “So it’s my fault? Is it really my fault to fall inlove Wessley with me? You see, I tried to avoid him but he’s the one who pursue me. Hindi ko na kasalanan iyon Cess. I gave you a piece of advice before but you just ignored it. Now, kami na saka ka maghahabol? Oh great. Di ko naman kayo masasisisi eh. Ang gwapo lang naman kasi ng “boyfriend” ko noh Cess? Ang hot pa. Hindi ko siya masisisi na maraming parang aso ang maghabol sa kanya!” sabi ko

         Namula ang mukha niya sag alit. Balak niyang sampalin ako pero inunahan ko na siya. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Tumagilid ang mukha niya at nangilid ang luha niya. Tinignan ko siya na masama.

          “Ano? Nagising kana? That’s for waking you up, girl! Don’t you ever try to get Wessley from me. Hindi lahat ng gusto mo, ikaw ang gusto. Learn your lesson girl! Hindi ka reyna para sundin ng lahat. Just like me, isang ordinaryong tao ka din. But magkaiba ang difference natin dahil ako? Minamahal at nagugustuhan ng lahat. Unlike you na kinatatakutan at isinusumpa ng mga taong inaapi mo at ng mga tang among alipores!” sigaw ko sabay talikod sa kanya

          Nakita kong nagulat siya sa lahat ng sinabi ko. Masyado bang masakit ang mga salita ko? Oh well, sabi nga nila, “truth hurts”. Bago ka matauhan sa lahat ng katangahang ginagawa mo, you need to be hurt. Well I hope na natauhan na siya sa realidad ng buhay. I just hope na itigil na rin ng grupo niya ang pang aalipusta sa mga mahihinang estudyante.

  -----------

          Natapos ang a.m subjects at nandito kami ngayon sa caf nila Richelle at mga kaibigan niya. Nagkwekwentuhan kami tungkol sa akin. Tss.

           “So Wendy, masaya bang maging ‘girlfriend’ ng isang Wessley Ferriel Valderama?”    kinikilig na tanong ni Daphne

           Humigop muna ako ng choco frappe ko saka sumagot. “Hmm. Yes and No. Yes kasi si Wessley yung tipo ng tao na sobrang maalaga. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ko kamahal.”

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon