Wendy’s POV
Lumipas ang isang buwan ng mabilis. Nag celebrate kami ni ‘baby Wess n g aming unang monthsary. Nag handa siya ng surprise niya sa akin na ikinakilig ng tumbong ko. Hinarana lang naman niya ako sa tapat n gaming bahay. I find it cute and artistic at the same time. Just imagine na naexperience ko pa ang luma ngunit nakakatuwang lumang kaugalian na iyon.
“Good morning baby!” he said then kissed me in my forehead
I smiled. Ganito lagi ang eksena tuwing umaga. Madalas na kaming magsabay ni Wessley sa pagpasok sa school. Sa tuwing nakakasalubong ko naman ang PRG, binibigyan lang nila ako ng matatalim na titig nila. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikabahala dahil wala silang ginagawang masama sa akin.
“Baby, sa bahay ka magdinner mamaya ha?” sabi ko kay Wess
Nandito kami ngayon sa hallway at naglalakad. Hawak niya ang isang kamay ko. Maraming tao ang bumabati at ngumingiti sa amin.
“Ayaw mo sa condo ko? I’ll cook for our food tonight.” Lumingon siya sa akin sabay kindat
“Tsk, the last time I went there, hindi pagkaing literal ang inatupag mo Wess.” Sabi ko sabay irap sa kanya
Tumawa lang siya at patuloy kami sa paglakad papuntang room. Last time kasi, imbes na kakain kami ng dinner sa condo niya….iba ang narating naming doon. You know guys…muntik nang may mang yari. Thankful ako at maginoo itong boyfriend ko. He didn’t took advantage sa kapusukan naming that time. So I swear to God na yun na ang last na punta ko doon.
“Promise this time, kakain na talaga tayo ng specialty ko. Trust me baby.”
Bumuntong hininga nalang ako sabay tango ng ulo. Ano pa nga ba? Eh mahal ko tong loko na ito eh. Huminto kami sa harap ng pinto ng room at humarap sa akin si Wessley. Bumitaw siya sa kamay ko at hinawakan ng dalawang palad niya ang mukha ko sabay pagdikit ng noo namin.
“Ang ganda ganda mo baby. Akin ka lang ha? Akin lang. I love you so much.”
As usual, si Wessley yan kaya kinilig na naman ang tumbong ko ng bongga. Haha!
“Ang gwapo mo rin kaya baby, I love you too! Sobraa!’’ sabi ko
Ngumiti siya kasabay ng paghawak ulit sa kamay ko. Pumasok na kami sa loob ng room. Hiyawan ulit ang mga kaklase ko.
“Oy, nandyan na ang sweet couple!”
“Ang campus sweetheart!”
“Bagay na bagay talaga!”
“Swerti ni Wendy!!”
Napangiti nalang kami ni Wessley at dumiretso na kami sa upuan namin. Maya maya pa, dumating na rin ang first teacher namin.
Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng walay ano-ano’y bumukas ang pintuan ng padarag. Sabay sabay kaming napatingin sa direksyon na iyon at gayon nalang ang pamimilog ng mata ko sa taong nakatayo doon suot ang kanyang nakakalokong ngiti sa akin.
Naramdaman ko ang pagkagulat ni Wessley. Ang mga kaklase ko naman, mistulang nakakita ng anghel dahil lahat sila tulala.
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...