Wendy’s POV
“Siguro may mabigat siyang dahilan kaya niya nagawa iyon sa’kin.”
Lumapit sa akin si Wessley at hinawakan ang kamay ko. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Tinupad ni Wessley yung sinabi niyang pupunta siya sa amin sa bahay pagkatapos ng pictorial niya. Mabilis na kumalat ang nangyari kanina. Di na ko nagtaka ng nalaman ni Wessley.
“So? It’s that enough to hurt you? Naiinis ako, hindi pala, nagagalit ako! Anong karapatan niyang saktan ka? Kung hindi lang siya babae malamang naupakan ko na siya!”
Humigpit ang hawak ng kamay niya sa kamay ko kaya ramdam ko ang panginginig niya sa galit. Hinaplos ko ang mukha niya at tumingin sa galit niyang mata.
“Calm down baby. Hayaan mo na lang---
“Damn Wendy, she’s your friend! That girl is your fucking friend! How can she do such things like that to you? I don’t understand!”
Ramdam na ramdam ko ang galit ni Wessley. Napatungo ako ng ulo sa sinabi niya dahil tama naman siya eh. Kaibigan ko yung gumawa nun’ sa akin. Namuo ang luha ko pagkaraang maalala ko na naman ang ginawa sa akin ni Richelle kanina. Tulad ni Wessley, hindi ko rin alam kung bakit niya nagawa iyon sa akin.
“Hey..I-I’m sorry if I scold at you. It’s just that---Ahh, fuck! I don’t want to see you cry!”
Bigla niya akong niyakap kaya naman tuluyan nang lumabas ang mga luha ko. Yung yakap niya, sapat na para pakalmahin at pagaanin ang pakiramdam ko.
“Sorry Wendy. Sorry baby. Ayaw-….ayaw ko lang namang may nananakit sa’yo. You see, you’re a treasure to me na dapat iniingatan at hindi sinasaktan ng kung sino man.”
Kumalas ako sa yakap at pupunaan sana ang luha ko pero…..si Wessley na mismo ang gumawa non’.
“This tears…( sabay pahid sa luha ko) ayaw ko na ulit makita itong lumalabas sa mata mo. Kung ilalabas mo man ito ulit, hindi dahil sa nasasaktan ka kundi dahil masaya ka.” Seryoso siya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon
Gash, bakit ang sweet ng boyfriend ko? Lagi nalang niyang pinapagaan ang loob ko sa tuwing nasasaktan ako. Suminghot ako at inipulupot ang magkabilang braso ko sa batok niya. Tumingin ako ng diretso sa mata niya.
“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung wala ka. Mahal na mahal kita Wessley. Masisiraan yata ako ng bait kapag nawala ka sa buhay ko.”
Ngumiti siya at bigla niyag ipinagdikit ang noo ko sa noo niya.
“Hinding hindi ako mawawala sa’yo Wendy. Habang buhay akong mananatili sa buhay mo, mahal ko.”
Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa labi ko. Pumikit ako at sumabay sa mahiwagang halik na iyon ni Wessley.
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...