•OTSO•

214 5 0
                                    

Wendy's POV

"Got a problem? Spill it out."

Nandito kami ngayon ni Thaliya sa Annie's Restaurant. Tinext ko kasi siya kanina after ng class namin to meet me up.

"I got many problems, you know that." sabi ko then I sipped my lemonade juice

"Hayy, kamusta first day mo?" Liya

"It's not fine. Meron agad akong haters. They just gave me the sweetest welcome." I said sarcastically

"What did they do to you?" nag aalala niyang tanong

"Five girls slapped me and enjoyed pulling my hair. Great isn't it?" ako

"My gosh! They really do that? Who are they? I'm gonna punched their ugly faces!" nanggigil na sabi niya

Tinap ko siya sa balikat."Don't, just remember the image of our school."

Kumalma naman siya tapos dumating na yung order namin. Kumain kami ng tahimik ni Liya which is kakaiba coz usually, maingay at magulo kaming dalawa.

"Do you have something to say to me, Liya?" pansamantala akong tumigil sa pagkain at tinitigan siya

I know Liya very well. Lalo na pag may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi.

She just continue eating her pork humba and answered me without looking to my eyes. "I've got nothing to say Wendz"

"Is it about Jervin?" hindi sumusuko kong tanong sa kanya

Napatigil siya sa pagkain pero hindi parin siya tumitingin sa akin. Gotcha Liya.

"Say it."

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. "You know me very well. I saw Sandy's with him."

Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko. So, it's true? that they were with each other?

"Look. Kaya ayokong sabihin sa'yo to kasi alam kong pagdududahan mo si Jervin. Ask him first Wendz, baka plano lang ni Sandy yun para sirain kayong dalawa." Liya

"I know, Liya. Let's just continue to eat, I can handle that."

After namin kumain ni Liya, we said our goodbye to each other. May date kasi sila ni Irvan ngayon, 2nd anniversary nila.

I checked my watch and it said that it's already 6:30 pm in the evening. I stayed for 15 minutes in the resto before I finally decided to leave.

Dahil wala akong sasakyan, mag-aabang na naman ako ng jeep na masasakyan. Bakit ba kasi kailangan nila akong gipitin para lang hiwalayan si Jervin? Can't they think that they are being harsh to their only daughter?

Mahigit 10 minutes na kong nag aabang dito pero wala pa ding dumadaan na jeep. Srsly?

Another 5 minutes had passed but still I'm stucked here. Buwisit! I really need my car back!

*beeeeep!*

"Ay isdang kalbo!"

I gasped when somebody honk right into me. Srsly? What if I have a heart disease?!

"Hop in."

Hindi na ako nagulat kung sinong bastos ang nasa loob ng sasakyan. Sino pa? Edi si Mister Epal

"Just go away." pagtataboy ko sa kanya

Napailing siya habang may impit na ngiti sa labi. "You hate me that much? I'm just being Mr. Nice here."

Inirapan ko nalang siya. Anu ba yan, nasan na ba kasi yung mga jeep?!!

"Wala kang masasakyan. May nanghuhuli kasi kaya walang pasada ngayon."

Binigyan ko siya ng isang nagdududang tingin.

"I'm stating facts. Still don't want to ride? Sige ka, sabi nila may kaluluwa daw dito na pagala gala. I heard, it's a bloody woman!" tapos nag act pa siya na nananakot

Bigla naman nagsitayuan ang balahibo ko. Sa totoo lang kasi, takot ako sa mga moo-moo! Lalo na sa white lady!

Sa sobrang takot ko, napapasok tuloy ako sa loob ng sasakyan niya.

"Let's goooooo! Dali, baka biglang sumulpot yung baabeng duguaaaaan!" natataranta kong sabi sa kanya

"See? Sasakay ka rin pala. Where do you live?"

Sinabi ko sa kanya yung address namin. Ayoko na muna maging choosy, baka habulin ako ng babaeng duguan!!!!

"There you go. Were here."

Napadilat ako ng sinabi nya yun, yesss! Nasa bahay na ako! The whole ride kasi nakapikit lang ako. Kahit na sobrang daldal ni mister epal, nakapikit lang ako. Baka kasi biglang lumitaw sa harap ko yung mumu!

At dahil alam ko ang good manners...

"U-Uhm. Thanks for the ride."

Ngumiti siya, ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya.

"Your welcome."

Yung bubuksan ko na yung pinto para lumabas, he stopped me. "Wait."

Lumabas siya at umikot papunta sa direksyon ko para pagbuksan ako ng pinto.

Paglabas ko, saglit kaming nagkatitigan. Pogi pala talaga siya. siguro playboy ito.

"Ehem! Ganda ng tinginan niyo ah! Tangena, may spark!"

Napapitlag ako ng makilala ko kung kaninong boses iyon. Si Jervin.

Dali-dali akong lumapit kay Jervin, pero bago iyon, sinenyasan ko si mister epal na umalis na.

"Babe, let's talk." hinawakan ko siya sa braso niya

Pero nagulat ako dahil malakas niyang tinaboy ang kamay ko. Tapos pumunta siya sa direksyon ni mister epal.

"Sino ka para titigan ng malagkit ang girlfriend ko hah!" sigaw niya kay Mister Epal sabay tulak dito

"Nagmagandang loob lang akong ihatid ang girlfriend mo dahil wala siyang masakyan."

"Eh tanga ka pala eh! Bakit ikaw ba boyfriend niya?! Ako gagawa nun at hindi ikaw!!!!"

Akmang susuntukin niya si Mister Epal nang yumakap ako sa bewang ni Jervin mula sa likod niya.

"Stop it babe. Please." naiiyak kong sagot

Mukha namang natauhan siya kaya hindi niya na tinuloy ang pagsuntok kay Mister Epal. "Umalis kana and don't you dare to touch my girlfriend again or else, I'm going to crash down your face!!!" nanggigil na sabi ni Jervin

Pagkaalis ni Mister Epal, humarap sa kin si Jervin na galit parin.

"Let's now talk." sabi niya sabay hatak ng marahas sa braso ko.

-------------------

A/N:

Read.Comment.Support.

'MissAnnlovable

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon